Chap 2

6K 234 117
                                    

This chapter is dedicated to Atsui_Disonglo and JessaLau1234 hope you like it.

* Jhaixe

Huminga ako ng malalim. This is it. I'm home. We're home.

"Are you okay?" Tanong ni Mom habang naglalakad kami palabas ng airport.

"Of course." Maikling sagot ko. Ngumiti siya sakin.

Maya-maya lang may biglang yumakap kay Mom.

"I missed you." Bulong ni Dad. Sunod niyang tinignan si Fixx na karga ni Mom. Pinanggigilan niya ang pisngi nito saka iyon hinalik-halikan.

Tuwang-tuwa naman si Fixx.

Then Dad's eyes settled on me. His smile widen. Then suddenly, he hugged me.

"I missed you, Jhaixe. I missed you so much." Mahinang sabi nito saka humigpit ang yakap sakin.

Ibinalik ko rin ang yakap saka bahagyang ngumiti.

"I miss you too, Dad. So much." I whispered. I keep my tears on bay. I don't want to cry. I don't want to worry them. Not anymore.

Kumalas sa yakap si Dad. Inayos nito ang buhok ko.

"It's been a long time. You're 18 now. Sayang lang at hindi natin nacelebrate ang debut mo." Nanghihinayang na sabi ni Dad.

"It's okay, Dad. The important thing is, I'm here." Nakangiti kong sabi kaya ngumiti rin ito.

"So let's go? They'll be surprise to see you. Hindi ko sinabing babalik na kayo." Paliwanag ni Dad.

Naglakad na kami papunta sa kotseng dala niya. Pagsakay namin do'n hindi ko mapigilang 'di mag-isip.

Alam kaya nila Mom ang nangyari saamin? Alam kaya nilang hindi kami maayos? Na sa dalawang taong nawala ako kahit kailan hindi kami nagkaayos.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila pag nakita ulit ako? Magugulat kaya sila? Naguilty kaya sila sa ginawa nila? Eh ako? Ano kaya ang magiging reaksyon ko pag nakita ko sila?

Sa totoo lang hindi ko alam. Ni hindi nga kinakabahang makikita ko sila. Wala akong nararamdaman pag naiisip kong magkikita-kita ulit kami. Siguro mamaya ko malalaman. Pag nakita ko na sila.

"Dad." Tawag ko.

"Hmm? What is it?" Tanong niya.

"Nandun ba silang lahat? Even... Aze and the others?" Pahina ng pahina ang boses ko habang nagtatanong pero alam kong naririnig niya parin ako.

Walang maingay kasi natutulog si Fixx na madaldal.

"Yes. Nando'n sila. Even... Lux and his friends." Napatango nalang ako. Hindi ko nalang pinansin ang bahagyang pagtigil niya nung babanggitin na niya pangalan ni Lux.

Kakaisip, hindi ko napansing nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng maramdamang umaalog ako. Isama mo na rin ang pagtawag sa pangalan ko ng malakas.

"Atwe! Atwe! Wake uwp! We're here! I'm g-going to swee Kwuya na!" Sigaw ni Fixx. Sinong hindi magigising?

Binuhat ko si Fixx saka niyakap ng mahigpit.

"I'm awake, little cookie." Sabi ko habang pinanggigigilan siya.

Napatingin ako sa harap. Wala na sila Mom saka Dad kaya napatingin ako sa likod. Nakita ko silang nilalabas ang mga gamit sa compartment.

"Our houwse ish bwig, Atwe." Namamanghang sabi ni Fixx kaya napatingin rin ako sa labas.

Hindi kami dumiretso sa garahe. Nakabukas ang gate kaya kitang kita ang loob ng bahay. Walang nagbago. Gano'n parin ang itsura.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon