Chap 19

928 36 18
                                    

* Jhaixe

Nagising nalang ako na nakaupo sa isang bakal na upuan. Igalaw ang katawan ang una kong naisip pero di ko nagawa. Napabuga ako ng hangin. Of course itatali nila ako.

Inilibot ko ang tingin. Ang sakit ng ulo ko.

Letse saan to?

Para kong nasa isang malaking gusali. Parang matagal nang inabanduna. Where the fvck is this? Napatingin pa ko sa bandang likod ko. Mayroong hagdanan.

Kumunot ang noo ko. Bakit parang.. alam ko nang may hagdanan don? Hindi ko matandaang nanggaling na ko dito, pero mukhang pamilyar ang lugar. Saan ko ba to nakita?

Nakarinig ako ng yabag ng paa kaya agad akong napatingin doon. Silang dalawa nanaman.

Sinamaan ko sila ng tingin.

"Bat kayong dalawa lang? Asan na mga alalay niyo?" Tanong ko sakanila. Tumabingi ang ulo ng lalake.

"Dead." Sagot nito.

Natawa ako. Tangina naubos?

"Weak." Naiiling kong sabi. Tinaasan ko sila ng kilay, "What now?" Tanong ko.

Magtititigan lang ba kami?

"We'll wait for your friends." Ramdam ko ang pagngisi ng babae.

Nanggigil ako.

"I swear, if something bad happens to them I'm going to hunt the two of you down." Banta ko sa mga to saka umayos ng pagkakasandal sa upuan at nginisihan sila.

Tinitigan ko sila sa mata dahil iyon lamang ang kita sakanila, natatakpan na ng maskara ang ibang parte ng mukha.

I tried predicting of what will happen next. I should have done this a long time ago. I tried..

Napapikit ako at napakagat ng labi. Sumakit ang ulo ko. What happened? I can't do it. Is it gone? Anong nangyari? Bakit wala kong nakita? All I feel was emptiness, in my heart, in my soul. Hindi ko na magawa, parang may kulang.

Parang may nawala sakin nang malamang hindi ko magawa ang bagay na ginagawa ko dati. I can't predict the future anymore.

Tumingin ulit ako sa dalawang tao na nasa harap ko. Tila nagtataka itong nakatingin saakin pero maya-maya ay kita ko ang panlalaki ng mata nilang dalawa. Nagkatinginan pa sila saka umiwas bigla ng tingin saakin. Like they know what I'm doing..

Kumunot ang noo. Do they know?

"Shit." Rinig kong bulong ng lalake habang nakatalikod sakin.

"What?" I asked.

Lumapit ito saakin saka ako hinawakan sa balikat.

"Stop what you are doing." Sambit nito.

Ngumisi ako.

"What am I doing?" Tanong ko dito, "Or should I ask you, do we personally know each other?"

Dahil sa naisip ay umusbong ang pagdududa sa aking dibdib. Napansin ko na ngayon na pamilyar ang galaw niya. Pamilyar silang dalawa saakin na parang palagi ko sila nakikita. Hindi ko lang masabi pero alam ko, kilala ko silang dalawa.

Lumapit ang babae at hinatak ang kasama. May binulong ito saka sila umalis. Naiwan ulit akong mag isa.

Yumuko ako.

Tinatraydor kami, shit. Sana hindi sila isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Sana..

Yumuko ako saka nag isip ng paraan pano ako makakaalis dito. Walang kahit anong malapit sakin. Nakascrew pa ang upuan sa sahig. Pinaghandaan ng mga kupal.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon