Chap 15

2.5K 78 18
                                    

This chapter is dedicated to  and .

* Jhaixe

Agad ding pumunta sila Mom nung araw na 'yon sa ospital para kamustahin si Lux.

Limang araw siyang nalagi sa ospital. Sa ngayon ay gumagaling na ang mga pasa na nakuha niya. Pumapasok na rin siya at paulit-ulit lang ang ganap saaming dalawa.

Mag-aaway pero ang ending magkasama parin dahil siya nga ang tutor ko.

Sabado ngayon at wala naman akong ibang balak na gawin ngayong araw kundi ang kumain at magpatubo ng ugat dito sa bahay.

Tinitigan ko ang sarili sa salamin.

Bakas parin ang kapayatan sa katawan ko pero kung ikukumpara mo noong nagising ako mula sa pagkakatulog ng dalawang taon ay masasabi mong nagkalaman ako.

Hinaplos ko ang peklat sa gitnang dibdib ko.

This scar... is my memory of pain. Ang peklat na ito ang nagpapaalala kung paano ako nakaranas ng matinding sakit. Pero ang peklat rin na ito ang nagsasabi kung gaano ako katatag dahil, nahirapan man, nalampasan ko parin ang sakit na iyon.

Napakurap ako ng may kumatok sa kwarto ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Magtatanghalian na raw." Rinig kong sagot ni Celix.

"Susunod ako." Sagot ko rito.

Narinig ko ang mga yabag niya pababa. Bumuntong hininga ako saka nagsimula ng magbihis dahil kakatapos ko lang maligo.

Gaya ng sabi ko ay sumunod ako sa baba. Nagpunta ako ng kusina at naabutan sila doon na parang naghihintay.

"There's atwe na!" Sigaw ni Fixx kaya nginitian ko siya.

"Wala kang pasok, Dad?" Tanong ko. Umiling ito.

"Meron, hindi lang ako pumasok." Sagot nito kaya nagkibit balikat nalang ako. Wala namang kaso kung umabsent si Dad. He's the boss anyway at nandoon naman ang secretary niya kung sakaling magka problema sa kompanya.

"May gagawin ba kayong dalawa ngayon?" Tanong ni Mom kaya napatingin ako sakanya.

Nakatingin siya saaming dalawa ni Celix.

Nagkibit balikat ako.

"Ewan ko lang. Depende." Sagot ko.

"Pupuntahan ko si Xiella mamaya." Rinig kong sagot ni Celix.

Pinagpatuloy ko nalang ang pag-kain. Sana nga may magawa ako ngayon. Ayoko mabulok dito sa bahay, shet. Wala si Xhamara saka Alecza ngayon kaya si Synn nalang guguluhin ko mamaya. Siya lang naman pwede kong guluhin ngayong araw. Hindi namang pwedeng sila Cads dahil alam ko namang kasama niya mamaya sila Aze. Ayoko naman silang abalahin.

Sino ba 'ko para guluhin sila?

Napailing nalang ako sa naisip ko. Well yeah, naging kaibigan ko sila. Hanggang ngayon parin naman siguro? Pero pagbalik-baliktarin man natin ang mundo alam nating lahat na nagka gap ang samahan namin dahil sa nangyari dati.

Sabihin na nating ako lang naman ang nagpapahaba kasi ako lang naman ang hindi masyadong kumakausap sakanila pero masisisi niyo ba 'ko? Naglihim sila. Paano pala kung namatay ako? Paano pala kung hindi ko kinaya yung operasyon na ginawa saakin at hindi ko nalaman ang nililihim nila? Edi namatay akong niloloko?

Kung nangyari 'yon ay malamang kinain sila ng konsensya nila. I'm not assuming things. I know I would feel the same if ever that would happen to others. Kakainin din ako ng konsensya ko habang buhay kung alam kong may sikreto ako sa kaibigan ko at namatay iyon ng walang nalalaman. At ayokong maramdaman nila 'yon kung sakali.

Untouchable ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon