CHAPTER ONE

7K 105 2
                                    

CHAPTER ONE

"IT'S too late baby there's no turning around
I got my hands on my pocket and my head on the cloud
This is how I do when I think about you..."

Napangiti si Aser sa naririnig na tunog ng tugtog nila ngayon. It was soft, may puso kumbaga. Hindi tulad ng dati na tila laging magbabakbakan sina Pacman at Marquez.

"Coz you caught me offguard
Now I'm running and screaming..."

Napatingin siya sa bokalista nilang si Grendle. As usual, may partikular na babae na naman itong tinitingnan sa mga manonood. He was smiling while looking at Donita, his official girlfriend.

'Hay, iba na talaga ang inlove!'

"I won't try to philosophize
I just take a deep breath and a hold on my heart
This is how I feel and it's so so real..."

Naimbitahan sila na tumugtog sa party ng isang politiko. They're not into politics but they can't resist his mom.

"I got a closet filled up of the brim
With the ghost of my past and a scattered schemes
And I don't know why
You'd even try but I won't lie..."

Narinig niya ang pagtitilian ng mga manonood nila. Nakasunod pala doon ang mga fans nila at heto nga, tila hindi nauubusan ng boses sa katitili.

Except for a one particular girl na nasa isang upuan lamang at nakasimangot. Ni hindi ito sumusulyap man lang sa kanila. Tila pa nga naiinis ito.

Her name is Krizhia Ramos. The Rakista Princess. Iyon ang bansag niya dito. Bilib kasi siya sa galing nitong kumanta habang naggigitara. Hindi niya iyon ikinakaila sa sarili.

Hindi niya anaakalang naroon din ito. Siguro ay tutugtog din ang banda nito doon.

Hindi niya na lang ito pinansin. Sanay na naman siya. Tuwing makikita sila nito, lalo na siya, tila ba nasisira agad ang mood nito.

But she looked more cute and pretty in his eyes kapag naiinis ito. Wala lang. Natutuwa lang siya dito.

"I feel like a hero
And you are my heroine.
Do you know that your love
Is the sweetest sin..."

Itinuon na lamang niya ang pansin sa pagtugtog. May panahon para asarin na naman ang dalagita.

---------------------------------------------

"MAS gusto ko ang tugtog natin ngayon, GJ," ani Aser kay Grendle habang nag-aayos sila ng mga instrumento nila.

Lumipad ang tingin ng kaibigan sa kanya. Now he can see his eyes full of life. Hindi tulad noon.

'Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig!'

"Ano'ng pinagkaiba, Aser?"

"Halatang inlove ka ngayon, 'tol," si Clyde ang sumagot. Napansin din pala nito iyon.

"Mas gusto ko ang tugtog natin noon. Nakakaantok ang ganito," singit ni Kyle na sinabayan pa ng paghikab. Isinukbit nito ang gitara nito sa balikat.

"Antukin ka lang talaga, Kyle," buska niya dito. Kahit kailan talaga itong kaibigan nila na ito, three fourths ata ng buhay nito ay natutulog ito at ang natitirang one fourth naman ay nakalaan sa paggigitara.

Isinukbit niya na rin ang bass niya sa balikat.

"Dapat sa'yo naiinlove na rin para may iba kang pagkaabalahan bukod sa pagtulog." Ginulo pa ni Clyde ang gulo na ngang buhok ni Kyle.

Tinabig ni Kyle ang kamay nito. "Mainlove? Huh!" umismid ito at nagpauna na'ng bumaba ng stage.

"Hayaan niyo na ang isang iyon. Kakainin din niya lahat ng sinabi niya." Tinapik ni Grendle ang balikat nila ni Clyde.

Sinundan nila ito sa pagbaba.

"That's for sure! Kahit hindi pa ako nakakaranas mainlove at hindi ko pa alam kung gaano kalakas yang pag-ibig na 'yan... Hindi katulad nitong si Clyde. Lagi na lang inlove!"

Pabirong sinuntok ni Clyde ang braso niya.

"Sila ang naiinlove s akin. Hindi ako!"

"Wag kang mag-alala. Makikita din natin si Miss Right."

"Well... Meron ba no'n?" Tumawa si Clyde. "I think meron. Kita naman sa Grendle-Donita loveteam eh."

Inginuso ni Clyde ang paparating na si Donita. Agad na nilapitan ito ni Grendle at hinapit. Hinalikan nito sa pisngi ang nobya.

"Haayy..." sabay pa silang napabuntong hininga ni Clyde. Madalas talaga ay may pagkakapareho ang utak nila.

"Ang sweet naman nila, Aser."

"Grabe! Ang daming langgam dito, Clyde!"

"Aray! Kinagat nga ako ng langgam eh."

"Antik na yata ang mga langgam na'to, pre!"

Hindi naman sila pinansin ni Grendle.

Hinatak na nito ang nobya palayo sa kanila.

"Mauuna na kami sa inyo!" paalam ni Donita.

"Ingat!"

"Enjoy!"

"Uuwi na rin ako." Hinawakan nila si Kyle sa magkabilang braso nang akmang lalayas din ito. "Ano ba?"

"Mamaya ka na umuwi."

"Mambabae muna tayo."

Walang nagawa si Kyle nang hilahin nila ito papunta sa isang umpok ng mga kababaihan. Mga cute kasi ang mga iyon kaya doon muna sila makikipagbonding.

Pero bago pa man sila makarating doon, may humarang na agad sa kanila...sa kanya pala.

"Aser..."

"O, Irene! Kamusta? Nandito ka din pala?"

"Hindi. Picture niya lang 'yan," singit ni Kyle.

"Sshh..." saway dito ni Clyde.

"H-hi, Aser. Umuwi na sina Donita, ah. H-hindi ka pa ba uuwi?"

Napakamot siya ng ulo. He knew that Irene had a feeling for him. Pero isang pagkakamali kung papatusin niya ito. Sigurado kasing masasaktan niya lang ito bandang huli. At ayaw niya iyong mangyari dahil bestfriend ito ni Donita.

"Ahm. May gagawin pa kasi kami, Irene..."

"Ahh, gano'n ba?"

Lihim siyang nakadama ng sundot ng konsensiya nang lumungkot ang boses nito. Pero pinilit niyang balewalain iyon.

"Ikaw? Umuwi ka na rin. Masyado nang gabi." Ngumiti siya at tinapik ito sa balikat. "Ingat ka sa pag-uwi. Sige, goodnight."

Ngumiti siya bago nilagpasan ito. It's the least thing he could do para naman hindi ito umasa sa kanya. Hindi niya lang alam kung effective ito.

"That was the most diplomatic way to avoid a girl," tatawa-tawang bulong ni Clyde.

"Hindi iyon nakakatawa, Clyde." Napabuntong hininga siya. "I need to do it as diplomatic as I can. Remember, bestfriend siya ni Donita."

"We all know that. Pero wala ba talagang pag-asa sa'yo si Irene? She'd been following you for months!"

"Halata namang walang pag-asa 'yon kay Aser."

"Wait, Kyle, are you referring to her appearance? Maganda naman si Irene, ah."

"Kasing pangit siya ni Donita, Clyde."

"Hala! Pasalamat ka wala si utol Grendle dito!"

Napailing naman siya. Ayaw niya na lang pansinin ang sinasabi nito.

"Wala ka talagang puso. Isa kang bato!"

"Thank you!"

----------------------------------------

NAPAILING si Krizhia sa nakita.

It's obvious that Irene, the friend of Donita, had feelings for Aser but he kept on ignoring her. At naiinis siya sa lalaking iyon! Paano kung siya ang nasa kalagayan ni Irene? Siguradong masasaktan siya! At ayaw niyang may makapanakit sa kanya. She's strong ang she can't let anyone hurt her especially her feelings.

'Wala talagang puso ang mga lalaking iyon!'

Hindi sila close ni Irene, hindi niya alam pero feeling niya, iniiwasan siya nito. Para bang may itinatago itong galit sa kanya... But it doesn't change the fact na naaawa siya dito at nabubuwisit siyang lalo kay Aser.

Nakita niya ang reaksyon ng dalagita matapos lagpasan ng lalaki para pumunta sa grupo ng mga babaeng singkit na iyon. Kita niya mula sa malayo ang kirot sa mga mata nito.

'At bwisit na Aser! May gana pang makipaglandian sa iba matapos mangreject ng babae!'

Tumayo siya sa kinauupuan at akmang lalapitan ito para patikimin ng super punch niya nang lumapit si Mia. She's the Sinner Saints Band's bassist.

"Krizhia, tinatawag na tayo ng speaker. Tayo na daw ang susunod na magpeperform."

She turned her murderous eyes to her.

"T-teka, Krizhia, a-ano'ng problema? Ansama yata ng tingin mo?"

Waring natauhan siya at inayos bigla ang expression. She smiled.

"Ah... Wala 'to. Tayo na ba ang magpeperform? Sige, punta na tayo."

Gusto man niyang gulpihin si Aser ngayon, sumunod na rin siya sa kaibigan. Tinapunan muna niya ng masamang tingin ang lalaking iyon na nakikipagtawanan na ngayon sa mga babaeng iyon. Kasama nito si Clyde na nakikipagflirt habang ang antuking wirdo na Kyle na iyon ay pagkain ang hinarap.

Tumingin naman ito sa gawi niya. Nagtama ang paningin nila. Ngumiti ito kaagad. Siya naman, inirapan ito at umismid bago tuluyang tumalikod.

Hindi niya alam pero kumukulo talaga ang dugo niya sa Aser na iyon. Siguro dahil sa nangyari noong mga bata pa sila...

Namula ang pisngi niya nang maalala iyon. Halos matanggal ang ulo niya para lang alisin ang ala-alang iyon.


'Bwisit talaga ang lalaking iyon!'

Hindi sinasadyang mapagawi ang mga mata niya sa babaeng naglalakad paalis sa party na iyon.

"Irene..." natitigilang sambit niya.

------

To be continued...

Featured Song:

Hero/Heroine by Boys Like Girls

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon