CHAPTER SEVEN

2.6K 56 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Nakapangalumbaba si Krizhia habang nakatitig sa math teacher nilang nagdidiscuss sa harapan. Ang totoo ay wala dito ang isip niya.

Gumugulo sa isip niya ang nangyari noong mga bata pa lamang sila ni Aser. Ang ginawa nitong paghalik sa kanya. At ang nangyari nang nagdaang gabi.

Nabubuwisit na siya sa sarili pero bakit hindi pa rin ito maalis sa utak niya?

Matapos ang gig nila ay inihatid pa siya nito sa bahay nila. Hanggang sa loob at nagpakita pa ito sa mommy niya. Natural na itatanong ng kanyang ina kung saan siya galing pero nang malaman na kasama niya si Aser ay tila nawala ang pangamba nito at napanatag.

Inanyayahan pa nitong doon na maghapunan ang lalaki pero magalang itong tumanggi. She never thought na ganito ito kagalang sa mommy niya. Ayaw man niyang aminin pero naimpress siya dito.

Nang magpaalam ito na uuwi na ay pinagtabuyan pa siya ng ina para ihatid ito sa gate. At sinunod niya naman.

She remembered na para silang timang na dalawa habang nagpapaalaman...

May ilaw ang poste at sapat na ang liwanag niyon para makita niyang nakatitig ito sa kanya. Titig na nanunuot sa bawat himaymay ng kalamnan niya.

Tumikhim siya. Bakit ba napakabilis ng pintig ng puso niya?

"Ahh... Sige, uwi ka na."

Ngumiti ito. "Okay." Sumakay ito sa motorsiklo nito. Pero hindi nito iyon pinandar. "Even in your simple t-shirt and short pants, maganda ka pa rin, Krizhia."

Ramdam niya ang pamumula ng pisngi. Aser told her she is beautiful. It's the first time, actually. Kaya hindi niya malaman kung paano magrereact. Gusto niya itong tarayan para pagtakpan ang naramdamang kaba pero malakas ang pagpigil ng puso niya sa nais gawin. Nanatili siyang nakamata lamang dito.

Nang tumingin ito sa gawi niya ay ibang Aser ang nakita niya. He seems so gentle and compassionate. Isang Aser na may kakayahang mas palakasin at pabilisin ang pintig ng puso niya.

Nang hawakan nito ang kamay niya at marahan siyang hilahin palapit ay nagpadala lang siya. Ewan niya, pero wala siyang lakas ngayon para tarayan at sawayin ito.

"I know, iba ang naging impression ko sa'yo after what I have done to you when we were kids. But I'm not sorry for kissing you." Ngumiti ito.

Syet! Bakit ba wala siyang masabi ngayon? At bakit ba ganito ito magsalita ngayon?

"Goodnight, Krizhia. Kumain ka muna bago matulog." Inilapit nito ang mukha sa mukha niya.

She know what he's going to do but she done nothing. Nanatili siyang nakatayo sa harapan nito.

Hanggang sa maramdaman niya ang mainit na labi nito sa pisngi niya. Saglit lang iyong nagtagal pero tila naiwan ang labi nito sa pisngi niya.

He stare at her once more and he gave her his sweetest smile. Then he let go of her hand.

"Goodnight," muling sabi nito.

"G-goodnight," mahinang sabi niya. Duda siyang narinig nito iyon.

Ngunit sinasabi ng ngiti nito na malinaw iyong nakarating sa pandinig nito. Tumango ito at binuhay na ang makina.

"See you!"

"S-see you."

Pinausad na nito ang motor nito.

Wala na ito sa paningin niya pero tila wala pa rin ang utak niya sa loob ng ulo niya. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap habang papasok sa loob ng bahay nila habang hawak nag pisngi...

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon