CHAPTER THIRTEEN

2.3K 53 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

IPINARADA ni Aser sa tapat ng bahay nila ang motorsiklo nito. Kauuwi lang nila galing sa restaurant nina Donita.

Matapos kumain ay hinilot nga ni Nanay Cora ang paa niya. Nakakagaan ng pakiramdam ang bawat hagod nito. Totoo ngang magaling ito sa reflexology. Ngayon ay hindi na sumasakit ang pa niya.

Inalalayan sing bumaba ni Aser.

"Okay na ba talaga ang paa mo?"

Tumango siya. Pinagmasdan ito. May halo pa ring panglaw ang mga mata nito kahit na nakangiti sa kanya.

"So, paano, pupunta na ako. See you na lang."

Akmang aalis na ito nang pigilan niya ito sa braso.

"Ah, A-Aser?"

Napatingin ito sa brasong hawak niya pagkuwa'y sa mukha niya.

"Krizhia?"

"Ah, eh..." Paano ba niya maitatanong kung ano'ng bumabagabag dito? Nahihiya siya.

"Yes?"

"Ah... w-wala naman. Salamat nga pala."

Binitiwan na niya ito. Lumayo na siya sa motorbike nito.

Ngunit inabot nito ang kamay niya at hinila palapit.

Kumabog ang puso niya nang ganap na makalapit sa harapan nito. Ilang dangkal na lang ang layo niya dito. Nakamata lang siya sa kung ano mang gagawin nito. Tila nawalan siya ng kakayahang mag-isip ngayong katitigan ang malalamlam na mga mata nito.

"Aser, may problema ka ba?" Kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya. Pati puso niya ay nalulungkot sa nakikitang lungkot sa mga mata nito.

Napayuko ito.

Hindi niya mapigilang haplusin ang pisngi nito.

Ah! Nawala na talaga ang utak niya!

Hinuli nito ang palad niya. Muling tumingala sa mukha niya.

"Krizhia, huwag mo akong pagtatawanan, ha?"

"Bakit naman kita pagtatawanan?"

Napabuntong hininga ito. Nagbaba ito ng paningin. Hawak pa rin ang dalawang kamay niya.

"It's my dad..." marahang sabi nito.

May humaplos na kirot sa puso niya dahil sa boses nitong iyon. Hinintay niya lang itong magsalita.

"After years na hindi niya kami binigyang pansin ni mommy, bigla na lang babalik para pakialaman ako. He wanted me to run his company paglaki ko.

Wala kasi siyang naging anak na lalaki sa bagong asawa niya. Ang tradisyon pa naman sa angkan niya ay kailangang ipamana sa anak na lalaki ang pamamahala sa kumpanya."

"And you don't want to, right?"

"Yeah. Kuntento na ako sa buhay namin ni mommy. I don't need him or his wealth now. Napakatagal kong hinintay na balikan niya kami noon. Na kami ang piliin niya at hindi ang babaeng iyon. But I already gave up." Napailing ito. "Si mommy ang isa pang pinoproblema ko ngayon. Masyado kasi siyang naaapektuhan sa panggugulo ni dad."

Kaya pala, saisip niya. Pasaway man ito, alam niyang malaki pa rin ang malasakit nito sa ina. Kaya naman labis itong naaapektuhan ngayon.

"Tatay mo pa rin siya." Close sila n daddy niya noong nabubuhay pa ito kaya binibigyang katwiran niya pa rin ang ama nito.

"Yeah. Pero sana ay hindi na lang siya ang naging ama ko."

Kung hindi lang nito hawak ang mga kamay niya ay nahaplos na niya ang maikling buhok nito. Gusto niyang pawiin ang lungkot at galit sa mga mata nito. May kurot siyang nadarama sa puso.

Napabuntong-hininga ito. Hindi ito umimik.

"S-siguro, mahal pa rin ng mommy mo ang daddy mo kaya siya naaapektuhan ng labis."

"I don't know. Galit na galit si mommy sa kanya. I don't think na may nararamdaman pa rin si mommy para kay dad."

"But she can't forget him. She can't move on..."

Kunot ang noong umiling-iling ito. Tila ayaw tanggapin ang sinabi niya. "Imposible, I--"

Nakawala ang kamay niya sa pagkakahawak nito. Iniangat niya ang mukha nito hanggang sa magtama ang mga paningin nila. Natigilan ito.

"Everytime na magkukwento ang mommy mo sa mommy ko ng tungkol sa dad mo, kita pa rin ang sakit sa mukha niya. Minsan nasabi ni mommy na umiyak pa si Tita Jenna. Kita pa rin sa mukha niya ang pagmamahal sa daddy mo, Aser. I think, ang rason kaya hindi na nag-asawa pa ang mommy mo ay dahil doon."

Hindi nagsalita si Aser. Nanatili lang na nakatitig sa kanya.

"Aser?"

Gusto niyang magsalita ito. Gusto niyang malaman ang iniisip nito.

"Maybe," sabi nito pagkuwa'y ngumiti. "You look beautiful tonight."

Nabigla siya sa sinabi nito. Nahigit niya ang paghinga. Hindi niya alam ang gagawin kung paano papayapain ang nagwawala nang puso niya sa loob ng ribs niya.

Kung bakit ba naman kasi bigla na lang itong magsasabh ng ganoon! Hindi tuloy siya makaimik.

"Hindi mo naman siguro ako iniiwasan nitong mga nakaraang araw, di ba?" dagdag nito.

"Ahh..."

So, napapansin pala nitong iniiwasan niya ito. It was in favor of Irene... Si Irene nga pala?

Tila binuhusan ng malamig na tubig ang puso niya nang maalala ito.

"N-nasaan si Irene?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know. Iniwan ko siya sa party kanina... Siya nga pala, hindi ba alam mo naman ang number ko? Bakit hindi mo ako nire-reply-an?"

Napansin niyang tila wala itong pakialam sa dalagita. May kumudlit na kasiyahan sa puso niya. Pero agad ding sinaway ang sarili. Maling maging masaya siya kung may nasasaktang iba.

"Nagtetext ka ba sa akin? Wala akong nari-recieve," kaila niya. Ang totoo ay sandamakmak ang text niya mula dito.

Bahagyang nalukot ang mukha nito.

"Halos ubusin ko na nga ang load ko para ipantext sa'yo, tapos hindi mo pala nare-recieve? Tapon mo na'ng cellphone mo."

"Ayoko nga. Eh, sa wala akong nari-recieve, eh. Baka cellphone mo ang may problema?"

"Hindi kaya," natatawang sabi nito.

Napangiti siya nang marinig ang tawa nito. Medyo bumalik na rin ang pilyong kislap na iyon sa mga mata mata nito.

"Sige na. Umuwi ka na. Masyado nang gabi," pagtataboy niya dito.

Saka niya napansing hawak pa rin pala nito ang isang kamay niya at sobrang lapit pa rin nila sa isa't isa.

Lumayo siya dito at binawi ang kamay. Subalit hindi nito iyon pinakawalan.

"Aser..."

"Uuwi na ako. Salamat, Krizhia. Basta itext mo ako, ha?" Pinisil nito ang kamay niya at nginitian siya ng ngiting iyon na namiss niyang makita sa mga labi nito. "Goodnight."

Bahagya itong tumayo mula sa pagkakaupo sa motorsiklo at inilapit ang mukha sa kanya.

Hindi siya nakahuma nang dumampi ang mainit na labi nito sa pingi niya.

Tuluyan nang hindi nagfunction ang utak niya. Parang maririnig nito ang kabog ng puso niya sa lakas niyon.

Ngumiti itong muli bago binitiwan ang kamay niya at pinaandar ang motorsiklo.

Wala na ito sa paningin niya pero nakatulala pa rin siya. Napakurap siya. Awtomatikong umakyat ang palad sa pisnging hinalikan nito.

Pagak siyang tumawa. Pangalawang beses nang nahalikan ni Aser ang pisngi niya, pero hindi pa rin niya nagawang umiwas o pigilan ito.

Napailing na lang siya at tinanaw ang daang tinahak nito.

"Goodnight, Aser," anas niya bago pumasok sa loob ng bahay....

--------

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon