CHAPTER ELEVEN

2.3K 52 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

BAGO pa siya makapagreact ay nasunggaban kaagad ni Aser ng suntok ang lalaking humawak sa braso niya.

"Aser!"

"Alright! Rambulan na!" narinig niyang sabi ni Clyde.

"Tamang-tama. Nasa mood akong maglabas ng galit sa mundo," sabi naman ni Kyle.

"Magagalit si Donita kapag nalamang nakipag-away ako. Pero para naman 'to kay Krizhia kaya count me in," ani Grendle.

Bago pa man makatulong ang isang kasamahan ng lalaki ay hinarang na agad ito ng tatlo.

"Teka! Hindi niyo ba aawatin si Aser?" hindi makapaniwalang sigaw niya sa tatlo.

Pero walang sumeryoso sa kanya.

"Malaki na siya. Kaya na niya ang sarili niya."

"Away niya iyan. Ayaw naming makigulo."

"Alam na niya ang ginagawa niya. Hindi na kailangan ng tulong namin."

Ngali-ngaling siya ang bumuntal sa tatlong itlog na ito. Ayaw daw makigulo, eh nakigulo na nga?

Nakita niyang nagsusuntukan na sina Aser at ang lalaking iyon. Natilihan siya nang makitang tinamaan si Aser.

"Aser! Itigil mo na 'yan!"

Para na siyang baliw kasisigaw doon. Pero walang pumapansin sa kanya. Pati ang tatlo nitong kaibigan ay binubugbog na ang isa pang lalaki.

Wala na siyang mapagpipilian kundi siya mismo ang umawat kay Aser. Pero napatigil siya paglapit nang marinig ang sinabi nito. Nagawa nitong itumba at kubabawan ang lalaki at pinagsusuntoj sa mukha.

"Damn you! Ako nga, hindi ko pinapadapuan maski sa lamok si Krizhia! Tapos ikaw, bibigyan mo lang siya ng pasa? How dare you?!" gigil na singhal nito sa lalaki.

Tila napako siya sa kinatatayuan.

He cared for her that much? Nakipagbugbugan ito dahil nakita nitong may nanakit sa kanyan?

May emosyong bumalot sa puso niya habang nakatitig dito. Sa sobrang tindi niyon ay nagsisikip tuloy ang dibdib niya.

Bakit? Dahil may gusto sa kanya ito katulad ng sabi ni Irene?

Hindi na niya naituloy ang gagawing pag-awat kay Aser. Napatulala na lang siya dito habang dine-decode ang bagong emosyong sumapi sa puso.

------

PINIGIL ni Irene ang mga luhang gustong umalpas sa mga mata habang nakatulala sa pakikipag-away ni Aser sa lalaking nanakit kay Krizhia.

He did that because of Krizhia.

Because of Krizhia...

Napasigok siya.

Kanina pa hinahanap ni Aser si Krizhia. Hindi ito mapakali nang mawala na lang ang dalagita pagkatapos magperform ng banda nito. Siya nga ang kasama ni Aser pero pakiramdam niya, wala sa kanya ang atensyon nito. Na kay Krizhia. Although he's very nice to her, halata pa rin niya iyon. Nang may makapagsabi nga dito na lumabas sina Krizhia ay nagmamadali itong sumunod.

Kanina pa niya nararamdaman ang mga kurot sa dibdib pero pilit niya iyong isinasantabi. Pero ngayon, hindi na niya maipagkaila sa sarili ang nararamdamang paghiwa ng matalim na kutsilyo sa puso niya.

Nakagat niya ng pang-ibabang labi para pigilan ang paglabas ng hikbi sa kanyang lalamunan.

Now, it's really clear. Aser likes Krizhia. Kaya kinukulit nito ang dalagita, kaya over-protected ito dito.

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon