CHAPTER TWENTY

2.1K 45 0
                                    

CHAPTER TWENTY


HINDI alam ni Krizhia kung paano itatago ang mukha nang pumasok sina Aser, Clyde, Kyle at Irene sa fastfood chain na iyon. Bakit naroon ang mga ito?

Heto na naman ang pamilyar na kabog ng puso niya sa tuwing makikita si Aser.

Pero aaminin niyang may kurot sa puso siyang naramdaman nang makitang kasama ng mga ito si Irene. Nagkakamabutihan na ba ito at si Aser? Pero bakit si Clyde ang kaharap ngayon ng dalagita samantalang si Aser naman ay dumeretso sa counter kasunod si Kyle?

Ipinilig niya ang ulo. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para hindi siya makita ng mga ito. Mabilis siyang lumipat ng upuan patalikod sa gawi ng mga ito. Inalis niya ang pagkakapusod ng buhok at inilaylay sa mukha ang ilang hibla ng buhok. Good thing, mahaba ang buhok niya. Yumuko pa siya para tuluyang matabingan ng buhok ang mukha.

Sana lang ay hindi talaga siya makita ng mga ito.

"Krizhia?"

Nagulat siyang nang may kung sinong humawak sa balikat niya. Napalingon siya sa lalaking iyon. Napakunot-noo. Pagkuwa'y lumiwanag ang mukha.

"Von?"

"Hey!" Naupo ito sa katapan na upuan niya. "I thought namamalikmata lang ako. Hindi ba dapat ay nasa school ka? By the way, kumusta na nga pala si Tita Aliyah?"

Von is her cousin. Pamangkin ito ng daddy niya.

"Wala ako'ng klase ngayon," pagsisinungaling niya. "Mabuti naman si mommy, gano'n pa rin. Palaging bible ang hawak. Ikaw? Kumusta na? I thought you're in Australia?" Ang alam niya ay nag-aaral ito sa ibang bansa.

"Haven't you heard the news, pumpkin? I graduated just last month."

Pumpkin. Iyon ang tawag ng daddy niya sa kanya noong nabubuhay pa ito. Naging tawag na din nito sa kanya iyon bilang pang-aasar.

"What? But you're just eighteen, right? How come na tapos ka nang mag aral?"

Natawa ito sa reaksyon niya.

"Correction. I'm already nineteen. Iba kasi ang aral doon, pumpkin. Mas advanced, 'ika nga. Four years lang ako sa Australia but I've already finished my secondary and my degree."

Napatangu-tango siya.

"Eh, ano nga palang ginagawa mo dito, Von?"

"Kumakain."

Sinimangutan niya ito.

Tumawa ito. "Seriously, I'm with my friends, pumpkin. Nagyaya kasi sila dito, eh." Itinuro nito ang mesa sa di kalayuan.

Ngunit paglingon niya ay iba ang sumalubong sa mga mata niya. Sina Aser. Nasa katabing mesang itinuturo ni Dexter ang mga ito. Nagkatama ang mga mata nila. Iniiwas niya kaagad ang paningin. Heto na naman ang nagkakarerahang toro sa loob ng ribs niya.

Nakita niyang kumaway sa kanila ang apat na lalaki, ito marahil ang mga kaibigan ng pinsan. Nginitian niya ang mga ito.

"Ine-enjoy ko na ang buhay ko bago ako mag-take over sa pamamahala ng isa sa mga negosyo namin." Bumaling sa kanya ang lalaki. "You look good, pumpkin. Tell me, do you already have an inspiration?"

Muntik na siyang masamid sa tanong nito. Dinampot niya ang large iced tea at sumimsim. Hindi lang dahil sa tanong nito kung bakit siya ninenerbyos. Alam at ramdam niya kasing nakatingin sa kanya si Aser.

"What do you mean?"

"A boyfriend."

Hindi na niya napigilan ang pagkasamid. Agad naman siyang dinaluhan nito.

"Ano'ng nakakasamid sa sinabi ko?" tatawa-tawang sabi nito. "Siguro may boyfriend ka na, ano?"

"Wa... Wala." Inihit na naman siya ng ubo.

Binigyan siya nito ng tissue. Hindi pa nakuntento, tumabi pa sa upuan niya at hinagod ang likod niya. Hindi na niya ito pinansin. Mas abala siyang patigilin ang ubo.

"Iba ka pa lang mataranta. Nasasamid. I'm just wondering. What's with this 'boyfriend' at nagkaganyan ka?" nanunudyo pang sabi ng pinsan.

"Na..." Inalis niya ang bara sa lalamunan. "Nabigla lang ako."

"Ano'ng nakakabigla doon? May boyfriend ka na, ano? Sino?"

"Wala akong boyfriend," giit niya.

Pinahid niya ang luha. Isa lang naman ang pumasok sa utak niya nang sabihin nito ang 'boyfriend'. Si Aser. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Nariyan lang si Aser at nakatingin sa kanya. Kay lapit nito pero tila hindi niya maabot... o ayaw niya lang abutin?

"I don't believe you."

"Wala nga."

"Uh-huh."

"I told you. Bahala ka kung ayaw mo'ng maniwala."

"Talagang hindi ako naniniwala."

Napahinga na lang siya nang malalim sa kakulitan ng pinsan.

"Anyways, kilala mo ba 'yong mga nasa table na katabi ng mga kabarkada ko?"

"H-ha?" Nilingon niya ang sinasabi nito. Bigla ring nag-iwas ng paningin nang makitang hindi sila nilulubayan ng mga mata ni Aser. Isa pa'y nakatingin din sa kanya si Irene. "M-mga kaibigan ko sila."

"Talaga? Kaya pala kanina ka pa tinitingnan ng isang lalaki doon." Tumindig na ito. "Lilipat na ulit ako. Ang sama ng tingin ng lalaking iyon sa atin, eh."

"Ha? S-sandali lang." Hinagip niya ang kamay nito. Hindi niya pinansin nang nagtatakang ibaling nito doon ang paningin. "Dito ka na lang. W-wala ako'ng kasama, eh. Saka... saka hindi pa tayo tapos magkumustahan." Tensyonadong tumawa siya.

"O-kay." Bagaman nagugulumihanan sa kanya ay naupo pa rin itong muli sa harapan niya. "But after this. May pupuntahan kami. Gusto mo'ng sumama?"

"Sure! Mamaya pa naman ang klase ko."

Pumayag na siya. Hindi niya kasi alam kung paano makakatakas sa mga mata ni Aser.

Nang maubos ang kinakain niya ay nagyaya na itong lumabas.

---

NAALARMA si Aser nang makitang tumayo sina Krizhia sa kinauupuan ng mga ito. Kanina lang ay itinuro ni Clyde si Krizhia na hindi niya inaasahang naroon din sa fastfood na iyon. May kausap itong gwapong lalaki.

Pansamantala niyang nalimutan ang tungkol sa pregnancy test. Tila may pumitik sa puso niya nang makita ang mga ito. Parang gusto niyang lumapit sa mga ito at kaladkaring palayo si Krizhia mula sa lalaking iyon.

At ngayon nga ay palabas na ang mga ito. Pati ang mga nasa katabi nilang mesa ay nagsitayuan na rin at sumunod sa mga ito.

Sinakmal siya ng takot at pag-aalala. Sino ang mga iyon? Baka kung ano'ng gawin nila kay Krizhia!

Napatayo siyang bigla.

"Aser, saan ka pupunta?"

Hindi na niya pinansin si Irene. Nagtuloy-tuloy siya palabas nakita niyang pasakay pa lang si Krizhia sa motorbike nito.

"Krizhia!"

Napatingin ito sa kanya. Natigilan.

Dali-dali niya itong nilapitan. Hinablot niya kaagad ang braso nito.

"A-Aser..."

"Saan ka pupunta? Sino ang mga iyon?"

"Krizhia, is there any problem?" singit ng lalaking nakita niyang kasama nito kanina sa mesa. Nagpalipat-lipat ang paningin nito sa kanilang dalawa.

Nakatitig lang siya ng matiim sa dalagita. Ibinaling nito ang paningin sa lalaki.

"W-wala namang problema, Von."

"Siya iyong nasa kabilang table, right?" baling ni Dexter sa kanya. "Pakawalan mo muna ang pinsan ko, dude. Bago niya pag-usapan kung ano'ng problema."

Lumipad ang paningin niya dito. "Pinsan?" gulat na sambit niya. "Pinsan ka ni Krizhia?" Bakit parang hindi niya ito kilala?

"Yep. I'm Leonard Von Ramos." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Binitiwan niya naman si Krizhia at tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Aser Jeser De Jesus." Bumaling siya kay Krizhia pagkatapos. "Sorry. I-I thought..."

"Ano'ng ginagawa mo dito, Aser?"

Hindi siya kaagad nakaimik. Napakamot siya ng ulo. "Akala ko kasi hindi mo kilala ang mga lalaking ito."

"Hindi ako sumasama sa mga hindi ko kilala."

Napatangu-tango siya. Alright, napahiya siya doon. Medyo paranoid lang siguro siya at naunahan ng selos.

"Dude, may pupuntahan kami ngayon. Gusto mo'ng sumama?" singit ni Von. "Kung okay lang sa mga kasama mo na sumama ka sa amin?"

Akmang magsasalita si Krizhia pero inunahan na niya ito. Ngumiti siya. "Sure! Saan ba iyan?"

Hindi na niya pinansin ang hindi makapaniwalang tingin ni Krizhia sa kanya.

Sinabi ni Von ang pangalan ng isang funhouse na may kalayuan din doon. Pagkuwa'y bumaling ito sa pinsan.

"I bet he is your boyfriend."

"What?" Namumulang tinapunan siya ng tingin ng dalagita. "H-hindi, noh!"

Lumuwang ang pagkakangiti niya.

Naaaliw siyang pagmasdan ang natataranta at namumulang mukha ni Krizhia.

"Wushu! Eh, baki namumula ka na naman?" tudyo pa dito ng pinsan.

"Heh! Ewan ko sa inyo!" Pinaandar na nito ang motorbike at pinausad na iyon palayo sa kanila.

Siya naman ay nagtungo na sa sariling motorsiklo na may nakapaskil na ngiti sa mga labi.

---

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon