CHAPTER THIRTY-TWO
"MOMMY!" tawag ni Krizhia nang makalapit sila ni Aser sa ina na nakaupo sa waiting area. "Kumusta si Tita Jenna?"
"Nasa--" Nabitin ang sasabihin nito nang mapadako ang paningin sa magkahugpong na kamay nila ni Aser.
Gusto niya tuloy bawiin ang mga palad sa lalaki. Ang kaso ay hindi niya magawa sa higpit ng pagkakahawak nito doon.
Pinandilatan niya ang ina. "Mommy!"
Maaliwalas ang mukha at nakangiti na ito nang mag-angat ng paningin. Mukhang kahit hindi niya sabihin ay alam na nito na nagkabati na sila ni Aser.
"Tinitingnan pa ng doctor si Jenna."
"Napakatagal naman yata ng pagcheck-up sa kanya?" Hindi na siya mapakali. Baka kaya matagal ay dahil napasama talaga ang bagsak ng mommy ni Aser.
"She'll be fine. Maupo muna kayo rito at hintayin ang result... Aser, iho, ayos ka lang ba?"
"I'm fine, Tita Aliyah."
Ilang sandali pa at lumabas na ang doktor sa silid. Agad nila itong nilapitan.
"Kamusta po ang pasyente?" tanong ni Aliyah.
"She's now fine. Magpasalamat tayo at tumigil kaagad ang pagdudugo niya. Hindi nalaglag ang baby. Anyways, we had done a series of test para masigurong walang internal hemorrhage sa ulo niya sanhi ng pagkakatama ng ulo niya sa railing ng hagdan. Wala naman kaming nakita so rest assured na ayos na ang lagay niya at ng baby ngayon. Except, ofcoarse, sa bukol niya and some muscle pains."
Nakahinga sila ng maluwag. Habang kausap ni Aliyah ang doktor ay pinayagan na silang tingnan ang pasyente.
Nadatnan nilang natutulog si Jenna sa hospital bed nito. Mukha ngang ayos na ang lagay nito.
Naramdaman niya ang pagpisil ni Aser sa kamay niyang hawak pa rin nito. She looked up at him.
Nakatingin lang ito sa mommy nito. Hindi niya mabasa ang emosyong nasa mga mata nito.
"Aser..."
Napakurap ito. Pagkuwa'y tumingin sa kanya.
"She's fine. 'Wag ka nang mag-alala."
Napabuntong hininga ito. "Yeah..."
"Sabi ng doktor, pwede na'ng i-discharge bukas si Jenna kapag tuluyang bumuti ang lagay niya," anang kapapasok na si Aliyah. "She needs to rest. Sobrang stressed ang katawan niya.
Makakasama iyon sa baby."
"Thank you for helping, Tita Aliyah."
"It's okay, iho. Don't mention it."
Ngumiti si Aser dito. "Ako na po ang bahala kay mommy. Masyado na po kayong naaabala. Ang mabuti pa po ay umuwi na kayo at nang makapagpahinga. May misa pa naman po bukas ng umaga."
Bahagyang natawa ang mommy niya. "Sabagay... Are you sure you're gonna be fine here?"
"Yes, tita. Ako na lang ang magbabantay sa kanya ngayong gabi."
"Okay. Babalik na lang ako bukas... Ikaw, Krizhia? Uuwi ka na rin ba?"
"Po?" Nabigla siya sa biglaang pagbaling sa kanya ng ina. Napatingin siya kay Aser.
Binitiwan nito ang kamay niya. "Umuwi ka na rin, Krizhia. Okay lang ako dito."
Hindi niya alam kung bakit tila may kumurot sa puso niya sa sinabi nito. Lalo na ang pagbitiw nito sa kamay niya. Ayaw ba siya nitong makasama?
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...