CHAPTER THIRTY-EIGHT
"SA dami ng gusto ko'ng ipaliwanag sa'yo, I don't know now where to start..."
"Simulan niyo na kahit saan para matapos na ito. Kung hindi niyo alam ay nakakaabala na kayo sa amin."
"Aser!" Kahit kailan talaga ay pabalang itong sumagot sa ama. Itinikom naman nito ang bibig. Bumaling si Krizhia kay Allen at inengganyo itong magpatuloy.
"It's true na nagkaroon ako ng ibang karelasyon noon. Totoong nakabuntis ako ng iba'ng babae..." Nagtagis ang bagang ni Aser. "But it doesn't mean na iiwan ko kayo. I knew my fault. Ayoko na sanang lumala pa ang away namin ng mommy mo kaya iniwan ko ang babaeng iyon. Bibigyan ko ng pangalan ang bata at sinustentuhan dahil hindi kaya ng kunsensya ko'ng ipalaglag ang magiging anak ko sa kanya. But when your mother knew about this, nagdecide kaagad siya na iwan ako at isinama ka pa niya." Mapait na ngumiti ito. "She never let me explain. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin pinakikinggan ang mga paliwanag ko..."
"Kaya ba mas minabuti mo na lang balikan ang babaeng iyon at hayaan na lang kami? Dahil hindi nakinig si mommy sa iyo?"
Umiling ito. "You're wrong, Aser. Hindi ko binalikan ang babaeng iyon. Iyan ba ang sinabi ni Jenna sa iyo?" Napailing ito. "Hindi ko siya masisisi kung abot hanggang langit ang galit niya sa akin pero hindi niya dapat ipinasok sa utak mo ang mga ganoong bagay."
"Are you telling that my mom lied to me?"
"I hate to say but yes. After she left me, hindi na ako nambabae pa. Umaasa ako'ng babalik siya. You don't know how I wish to talk to her and take her home. Pero maging ang mga magulang niya ay sinasabing lumayo na ako sa inyo because I'm not a good husband and father. Inisip ko'ng palamigin muna ang sitwasyon. But years gone by, hindi pa rin pala nababawasan ang galit sa akin ni Jenna. Ni hindi ka niya gustong ipakita sa akin. And I missed you so badly, son..."
She can feel his agony. Parang gusto niyang maluha. Nasira ang pamilya nito dahil sa isang pagkakamali and no matter what he do, hindi na nito maibalik pa ang pamilyang iyon. Kahit ano'ng pagsisisi nito, hindi na nito maibalik ang tiwala ng asawa.
Bumaling siya kay Aser. Aser clenched his fist. Namumula na ito. Parang ano mang oras ay sasambulat na ang mga nasa isip nito.
"You expect me to believe in your lies? Kung talagang gusto mo kaming bumalik ni mommy sa'yo, bakit pinatagal mo pa ng ganito ang hindi niyo pagkakaunawaan? Bakit kailangan mo pa'ng mambabae? At hindi ba't dalawa pa ang naging anak mo sa babaeng iyon? Sa bahay natin siya nakatira and you're living together. Bakit ba kailangan mo'ng magsinungaling tungkol diyan? Akala mo ba hindi ko alam?"
Humugot ng buntong-hininga ang lalaki para pakalmahin ang sarili.
"As I told you, hindi ko na binalikan pa ang babaeng iyon. Hindi ko siya iniuwi sa bahay natin at mas lalong hindi na ako nagkaanak sa kanya. Kung hindi ka talaga naniniwala sa akin, you can visit our house. Tanungin mo ang mga maid doon. Besides, may iba'ng asawa na ang babaeng iyon and they had their own child! God! I never thought na sisiraan ako ni Jenna ng ganyan sa iyo!"
"Don't blame my mother! Kung may dehado man dito, siya iyon. After what you had done to her, binigyan mo pa ulit siya ng isa pang problema ngayon!"
"What? Ano na namang problema iyan? Ano na namang sinabi niya sa iyo?"
Lalong nagalit si Aser. Hindi tuloy alam ni Krizhia kung ano'ng gagawin sa mga oras na iyon. Nanatili lang siyang nakamasid sa mga ito.
"Don't you know? Buntis si mommy at ikaw ang ama! What will you say about that? Itatanggi mo rin ba at sasabihing wala kang kasalanan doon?"
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...