CHAPTER 29
"KRIZHIA!"
Kung hindi pa siya niyugyog ni Donita ay hindi niya pa ito mapapansin.
"O, bakit?"
"Wala lang. Hindi kasi kita nabati kanina ng dumating kayo, eh. Akala ko nga hindi na kayo dadating."
Late na kasi sila nakadating doon. Inayusan pa siya ng mga kabanda niya matapos pilitin ng may kung ilang oras din. Kung hindi nakigulo ang mommy niya ay hindi siya mapapatayo sa kama.
Pagkadating nila doon ay pinaakyat na sila sa stage.
Naupo si Donita sa mesa nila. Nag-hi ito sa mga kabanda niya.
"Tutugtog na sina Grendle kaya nasa frontrow na naman ang mga hitad na iyon."
Itinuro nito ang mga babaeng nakatayo sa harapan ng stage. Nang umakyat sa stage ang Rebel Slam ay nagsipwesto na ang mga ito doon.
"Hindi ka ba nagsiselos sa mga iyan?" tanong niya dito. Napakarami kasi ang nagkakandarapa kay Grendle. Hindi lang ilang threat ang nakukuha ni Donita mula nang pagtuunan ito ng pansin ng bokalista.
Natatawang umiling si Donita. Napatingin tuloy siya dito.
"Ano'ng nakakatawa?" Diyata't nahawa na ito sa pagiging weird ni Grendle.
"Wala naman... Okey lang sa akin na may magkandarapa sa kanya. Okey lang din na palaging may nanghaharang sa akin pag uwian na. Okey lang 'yon... Basta nasa akin pa rin ang mga mata niya. Kahit maraming mas magandang babae kesa sa akin, ako pa rin ang tititigan niya. Kahit na sandamakmak ang nakaharang na babae sa harapan niya, ako pa rin ang hahanapin ng mga mata niya. Kapag ipinaling niya sa iba ang mukha niya, babatukan ko siya."
Kaswal lang ang pagkakasabi nito niyon pero mababanaag ang kaseryosohan sa tinig.
Napatangu-tango siya. "Ganoon ba?"
"Kamusta kayo ni Aser?"
Parang gusto niyang masamid sa biglaang tanong nito. Iniiwas niya ang mga mata dito at inabot ang juice na kanina pa niya tinititigan. Hindi siya nagsalita.
Ipinagpasalamat niyang nagsalita ang emcee para ipaalam na tutugtog na ang banda. Nabaling doon ang pansin ni Donita.
Siya naman ay hindi tumingin sa stage. Itinuon niya ang mga mata sa kulay orange na likido na nasa baso.
Hindi niya mawawaan ang tinutugtog ng mga ito. Nagpapabalik-balik sa utak niya si Irene at Aser na magkayakap sa ulanan. Muli niyang nadama ang pagkirot sa dibdib. Masokista na nga yata siya ngayon.
Para maibaling sa iba ang atensyon ay nilingon niya si Donita para sana makipagkwentuhan dito. Pero nakatingin ito sa stage habang may nakaguhit na ngiti sa labi.
Nakita niyang nakikipagtitigan ito kay Grendle. Grendle's eyes were fixed on Donita. Buti pa ang mga ito. Sigurado na isa't-isa at makikitang mahal na mahal ang isa't-isa.
Siya, nang makasigurado sa damdamin ay huli na ang lahat. Nasa iba na ang pansin ng mahal niya.
Hindi niya napigilang ilipat ang paningin sa lalaking tumutugtog ng bass. Nahigit niya ang paghinga nang makasalubong ang paningin ni Aser. Nakatingin din ito sa kanya.
Heto na naman ang nagkakarerahang toro sa dibdib niya. She took all her strength to remove her gaze from him. Nag-iinit ang pisnging sumimsim siya ng juice na hawak. Hindi na niya sinubukang tingnan ulit ito. Mas nararamdaman niya lang ang sakit sa puso.
Isa pa ay tila tinutunaw ng mga titig nito ang puso niya. Baka hindi na niya magawang i-let go ito kapag nagtagal pa ang pagkakalapat ng mga paningin nila.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...