CHAPTER THIRTY-THREE

2.3K 52 0
                                    

CHAPTER THIRTY-THREE

HALOS mabingi si Krizhia sa tibok ng puso niya. She can't do anything but to feel this chaotic situation inside her heart.

Saglit lang siyang hinalikan ni Aser pero pakiramdam niya hanggang ngayon ay hindi pa rin umiinog ang mundo niya. Na-stuck iyon nang lumapat ang labi nito sa labi niya.

Nang ilayo nito ang mukha sa kanya ay napatulala lang ang nanlalaki niyang mga mata sa mukha nito. Nahimasmasan lang siya ng kaunti nang haplusin nito ang pisngi niya.

Napakurap siya. Saka niya napansing nakangiti ito habang pinagmamasdan siya ng mga mata nitong punung-puno ng emosyon. Gusto niyang maluha sa nakikitang isinasaad ng mga mata nito. She can clearly see now how much he loves her.

But he didn't say a word. Nakuntento lang ito sa pagtitig sa kanya.

She wanted him to speak, to explain. Pero hindi pa rin siya makahagilap ng sasabihin. Mukhang wala pa siya sa tamang huwisyo.

Paano nga ba niya mahahamig ang sarili kung ganitong yakap pa rin siya nito?

"You need to rest now, Krizhia. May extra bed doon. Doon ka na lang matulog. Dito lang ako. Babantayan ko kayo ni mommy."

Inakay siya nito palapit sa extra bed na sinasabi nito. Pinahiga siya nito doon. Hinubad nito ang leather jacket nito at ikinumot sa kanya.

"Baka lamigin ka. Iyo muna itong jacket ko."

Matapos masigurong ayos na siya ay yumuko ito at hinalikan siya sa noo.

"Goodnight."

Hanggang sa makabalik ito sa tabi ng kama ni Jenna ay wala siyang nasabi. Hindi niya rin alam kung paano'ng napasunod siya nito.

Ilang segundo na siyang nakatitig sa kisame nang bumalik sa pagpa-function ang utak niya. Napabalikwas siya ng bangon.

"Aser?"

Napalingon ito sa kanya.

"Krizhia?"

Ngayong nagtama ang mga mata nila ay wala naman siyang mahagilap na sasabihin.

"G-goodnight," tanging nasabi niya.

Hindi na niya hinintay ang sagot nito at nahiga siyang muli. Tumalikod siya dito.

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Bakit ba hindi siya makapagtanong tungkol sa ginawa nitong paghalik sa kanya kanina? At saka bakit siya pa ang kailangang umungkat niyon?

Hindi ba ito makakapagsalita?

'Haayy! Nakakabuang!'

"Sleep tight, Krizhia."

Hindi na siya sumagot. Mariin niyang ipinikit ang mga mata pero bumabalik lang sa isipan niya ang nangyari kani-kanina lang. Ang halik at yakap nito. Nakagat niya ang labi.

'Haaayyy talaga! Paano ba ako makakatulog nito?'

-----

"ASER?"

Napalingon siya sa pintuan ng kwarto niya. Nakatayo doon ang kanyang ina. Kalalabas nito kahapon sa ospital. Ngayon ay okey na ang lagay nito.

"Mom," bati niya dito at itinuon muli ang pansin sa paglilinis ng bass guitar niya.

"Can... can we talk?"

"Nag-uusap na tayo."

"No. I mean... T-tungkol sa mga nangyari. Alam ko'ng naguguluhan ka."

"It's fine, mom. Huwag na nating pag-usapan ang tungkol doon."

Hangga't maaari ay wala siyang binabanggit tungkol sa naging pag-aaway nila nang nakaraang araw. He acted like nothing happened.

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon