CHAPTER THIRTY-ONE
"AKALA ko, tatanggihan mo na naman ako."
Bumilang ng ilang segundo bago mag-sink sa utak ni Krizhia ang sinabi ni Aser. Hinamig niya ang mga braincells niyang nawindang sa pagngiti nito. Napatikhim siya. Pagkuwa'y ibinaba ang paningin.
"H-hindi naman... N-nasaan nga pala si Irene?"
Saglit itong nawalan ng imik.
"I don't know."
Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahapit nito sa kanya. Mariin siyang napapikit nang magkadikit ang mga katawan nila. Dumoble ang pagkabog ng puso niya. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi.
Gayunpaman ay wala siyang ginawang hakbang para suwayin ito o lumayo dito. Kahit na nang pakawalan nito ang kamay niya at iyakap sa kanya ang isa pang kamay nito.
Malaya na niyang nasisinghot ang pamilyar na mabangong amoy nito. Suddenly, she felt nostalgic.
Ipinikit niya ng mariin mga mata para ibalik ang utak niyang unti-unting lumalayo sa kanya.
"B-bakit hindi mo alam kung nasaan siya?" Baliw na ata siya. Alam niyang masasaktan siya sa pagtatanong ng tungkol kay Irene pero sumige pa rin siya.
"Hindi naman siya ang tinitingnan ko kanina. Paano ko malalaman kung nasaan siya?"
Natigilan siya. Ang ibig ba'ng sabihin niyon, siya lang ang tinitingnan nito mula pa kanina? Sa tuwing mapapagawi ang tingin niya dito kanina ay palagi niya itong nahuhuling nakatingin sa kanya.
May mumunting tuwang sumilid sa puso niya. Wala na siyang sinabi. Isinantabi niya muna ang tungkol sa babae. Ang ngayon muna ang iisipin niya.
Ikinawit niya ang mga braso sa batok nito at gumanti ng yakap. Kahit ngayon lang ay mayakap niya man lang ito. Bahala na ito sa gusto nitong isipin o ng mga makakakita sa kanila. Kahit ngayon man lang ay mapadama niya ang tunay niyang nararamdaman. Hindi naman siya nito sinaway. Naramdaman niya pang hinigpitan nito ang yakap sa kanya.
Ipinatong niya ang mukha sa balikat nito. Pumikit pa siya at ninamnam ang classic song na iyon tuwing valentines day.
"And even if the sun refuse to shine
Even if romance run out of rhyme
You will still have my heart until the end of time
You're all I need my love, my valentine..."
"Ang ganda ng kanta," anas nito sa tapat ng tenga niya.
May mumunting kilabot siyang naramdaman nang tumama ang mainit na hininga nito sa balat niya. Ramdam niya ang pagtatayuan ng mga balahibo niya. Pinanatili niya ang utak kahit gusto na niyong pagwalk-out-an siya. Kung bakit ba naman kasi ganito kalakas ang dating sa kanya ng lalaking ito.
"Typical na sa valentines day ang kantang iyan."
"I know. But I felt it was different this time. Mas maganda sa pandinig... Siguro dahil ikaw ang kasayaw ko."
Ramdam niya ang pamumula ng mga pisngi niya sa sinabi nito.
'Dahil ikaw ang kasayaw ko...'
Tila may kumiliti sa puso niya at hindi niya mapigilang ngumiti. Ganoon din ang naiisip niya.
Unti-unti na siyang nagiging at-ease sa pagkakalapit nila. Natotolerate na niya ang abnormal na kabog ng puso. Napakasarap pala sa pakiramdam na nakayakap sa'yo ang lalaking mahal mo. Bigla niya tuloy nahiling na hindi na sana matapos ang kanta.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...