CHAPTER THIRTY-FOUR
MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Krizhia sa railing ng hagdan nila habang bumababa doon. Paano ba siya hindi kakabahan kung nasa kanya ang mga mata ni Aser mula pa nang bumungad siya sa hagdan.
Speaking of Aser, napakagwapo nito sa suot na black slacks at pulang long sleeves polo na itinupi ang manggas hanggang siko. He looks so dashing. Hindi naman sila nag-usap sa isusuot ngayon pero partner ang damit nila. Pati sa sapatos ay magkapareho din sila. Nakasukbit din sa balikat nito ang gitara nito.
Yeah. Bagay nga sila. Lihim na lang siyang napangiti.
"Hi!" bati niya dito nang makarating siya sa harapan nito.
Tila nagising naman ito mula sa mahimbing na pagkakatulog. Napakurap ito pagkuwa'y tumikhim. Nanatili itong nakatingin sa kanya.
"H-hello."
"O, kids, pumunta na kayo at baka ma-late kayo sa date, este, valentines party ninyo."
Napatingin siya sa ina. Nanunudyong nakamasid ito sa kanilang dalawa ni Aser. Bago pa nito maisaboses ang lahat ng panunudyo nito at inunahan na niya itong magsalita.
"Sige, mommy. Punta na po kami."
"Ingat kayo, ha? Aser, take care of my daughter."
"Yes, tita Aliyah. We have to go."
Matapos makapagpaalam ay lumabas na sila.
"Okay lang ba kung sa motorsiklo ka sasakay? Para kasing alangan." Hinagod nito ng paningin ang kasuotan niya.
"Okay lang." 'Basta ikaw ang kasama ko, okey lang ang lahat.'
Ngumiti lang ito. Pagkasakay sa motorsiklo ay inalalayan naman siya sa pagsakay.
"Maaga pa, ah. Bakit mo naisipang sunduin agad ako."
"May gusto kasi ako'ng puntahan bago tayo dumeretso sa resort na pagdadausan ng valentines party ninyo. Gusto ko kasama ka."
"Ha? Saan naman 'yan?"
Ngumiti lang ito pagkuwa'y pinausad na ang behikulo.
Hindi na ito nagsalita habang nasa biyahe sila kaya nanahimik na lang din siya. Ninamnam niya na lang ang magaang pakiramdam na iyon habang kasama niya ito.
Lakas loob na niyang inihilig ang ulo sa likod nito. Sa panahon na ito, hindi na niya iniintindi ang karibal niyang si Irene. She just made a decision last night. Kung totoo man ang sinabi nitong nobyo nito si Aser, well, she will steal him away from her. Ngayon pa'ng nakikita niya na may gusto nga sa kanya si Aser.
Namalayan na lang ni Krizhia na paakyat sila sa pataas na daan. Napansin niya na lang din na ang daan na iyon ay malapit sa tabing dagat. Nasisilip niya sa mga punong nadaraanan ang palubog na araw sa malawak at asul na karagatan. Humahampas sa mukha niya ang hanging nanggagaling doon.
Para ba'ng napakaganda ng tanawin na iyon.
Nang makarating sila sa isang puno ng aratiles sa tabi ng kalsada ay inihinto ni Aser ang motorsiklo doon. Mas tanaw niya ang at dagat sa lugar na iyon.
"'Like it?"
"Ang ganda..." Nilingon niya ang lalaki. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?"
He just smile that boyish smile of his. She found him more handsome and more charming.
Inalalayan siya nitong makababa sa motorsiklo. He made sure na hindi sasabit ang dress niya sa kahit saan.
Humarap sila sa karagatang nagkukulay kahel na dahil sa paglubog ng araw.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...