CHAPTER SIXTEEN
HINDI nakahuma si Krizhia sa nakita. Ikinurap na niya ang mga mata ngunit ang tanawing iyon pa rin ang tumabad sa kanya.
Maaga siyang umalis sa school dahil baka sunduin pa siya ni Aser. Mas mabuti nang makaalis siya kaagad para hindi na siya mahirapan mamaya. Nagpunta siya sa burger machine malapit sa school kasama si Jazmine.
Hindi niya akalaing ito ang makikita niya.
Si Irene, nakaangkas sa motor ni Aser at kaylapit-lapit nito sa lalaki. Halos magkadikit na ang katawan ng mga ito. Nakahilig pa si Irene sa balikat ni Aser.
Hindi siya nakita ni Aser dahil nasa kabilang kalsada siya. Pero nakita niyang lumingon si Irene sa gawi niya. Ngumiti ito habang nakatingin sa kanya. Ipinulupot pa ang mga braso sa bewang ni Aser.
May naramdaman siyang pagrerebelde. Kasabay ng pagguhit ng patalim sa puso niya. Habang pinagmamasdan niya ang mga ito, lalong umaantak ang sakit. Pakiramdam niya ay may kung ano'ng dumaklot sa puso niya.
Ito ba ang tinatawag nilang selos?
Naipilig niya ang ulo. Hindi siya dapat makadama ng selos dahil wala silang realsyon ni Aser. Besides, siya pa nga ang may gustong mapunta ito kay Irene, hindi ba?
"Krizhia?"
Natauhan siya nang alugin ni Jazmine ang braso niya. Napakurap siya. Wala na ang motorsiklo ni Aser sa paningin niya.
"Krizhia!"
Napatingin na siya sa kaibigan.
"H-ha?"
"Kanina ka pa kasi nakatulala d'yan. Heto na ang ipinaluto natin." Iniabot nito sa kanya ang isang burger na hawak.
Wala sa loob na kinuha niya iyon. Bigla siyang nawalan ng gana na kumain ngayon.
"Ah, Jaz? U-uuwi na pala ako."
"Ha? Hindi ba't gusto mo'ng mag-ikot tayo sa mall ngayon?"
"Sumakit ang ulo ko, eh... Ikaw, kung gusto mong maggala sa mall, tumuloy ka."
"Nang wala akong kasama?" taas ang kilay na sabi nito. "Hindi na, noh. Uuwi na lang din ako. Sabay na tayo sa taxi."
"Okay. Sorry talaga, ha?"
"Okay lang 'yon! May next time pa naman. Kapag hindi ulit ako sinundo ni daddy, ituloy na natin ang window shopping sa mall."
Pinilit niyang ngumiti.
Nawalan na talaga siya ng gana ngayong hapon. Mas gusto niyang magkulong sa kwarto at makinig ng mga rock na tugtugin.
Nang makauwi siya ay nakita niya ang ina na palabas naman ng bahay. As usual ay may dala itong Bibliya.
"Krizhia, buti naman at maaga kang nakauwi ngayon."
"Maaga kaming pinalabas, eh. Saan ka pupunta, mommy?"
"Kina Jenna. Halika, samahan mo ako."
Kina Aser?
"Ayoko. Ikaw na lang, mommy. May gagawin pa kasi ako."
"Hay naku, mamaya mo na gawin 'yan. Problemado si Jenna ngayon. Samahan mo akong aliwin siya at baka kung ano nang gawin niyon." Hinawakan siya nito sa braso at hinila. "Halika na."
Mukhang hindi talaga siya bibigyan ng pagkakataong makatanggi pa.
Sumunod na lang siya dito. Naikwento nito sa kanya na tumawag pala ang ina ni Aser. Umiiyak ito kaya naman nabahala ang nanay niya.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...