The Rebel Slam 2
ASER
By: Syana Jane
CHAPTER SEVENTEEN
HINDI rin itinuloy ni Krizhia ang tinutugtog. Paano'y kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili ang mga lyrics ng kantang iyon, tila kulang pa rin.
Nakasimangot na ibinalik niya na lang ang gitara sa lalagyan niyon.
"Hindi ka na ba tutugtog?"
Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang napakapamilyar na boses na iyon mula sa likuran niya. Muli na namang dinamba ng kaba ang puso niya.
"I thought namamali lang ang dinig ko. Ikaw pala talaga ang tumutugtog, Krizhia."
Hindi siya makatingin dito. Ipinapanalangin na nananaginip lang siya.
Pero nilapitan siya ni Aser. Muli nitong kinuha ang gitara.
Napapiksi pa siya nang magkadikit ang mga braso nila. Lalong domoble ang kabog ng puso niya. Pasimpleng lumayo siya dito. Naupo siya sa couch.
"Tara, jamming tayo." Tumabi ito sa kanya.
Nakangiti ito nang tapunan niya ng tingin. Agad niya ring iniiwas dito ang mga mata. Naalala niya kasi ang nakita kanina.
"H-hindi na..."
Bakit nga ba ito nandito? Tapos na ba'ng makipagdate kay Irene? Naihatid na ba pauwi ang dalagita?
"Sige na. Kakanta ka, ha?"
Umiling siya. "No."
Tumayo siya. Akmang maglalakad palayo nang hulihin nito ang kamay niya at hinila siya. Bumagsak siya sa tabi nito.
"Aser!"
Nilingon niya ito. Wrong move. Ilang pulgada na lang pala ang layo ng mukha nito sa kanya. Kung wala ang gitara sa pagitan nila ay madidikit na ang likod niya sa katawan nito. Humahaplos sa mukha niya ang mabangong hininga nito.
Nagtama ang mga paningin nila.
"Krizhia, bakit mo ba ako ginaganito?"
She could sense agony on his voice. Tila ba nahihirapan ito. He place his arm around her shoulder. Nahigit niya ang paghinga at napatingin doon. Pagkuwa'y napalunok.
"A-ano'ng ibig mo'ng sabihin?"
Hindi siya makagalaw sa pwesto nila. Halos nakayakap na ito sa kanya. Pakiramdam niya ay umaabot na sa pandinig nito ang kabog ng puso niya. Pakiwari niya ay biglang sumikip ang mundo para sa kanya.
Naramdaman niyang ipinatong nito ang baba sa balikat niya. Hindi niya magawang lumingon dito.
Sinasabi ng isip niya na lumayo na siya pero kabaliktaran ang dikta ng puso niya. Hindi niya alam ang gagawin. Nanatili lang siyang nakaupo doon habang ninanamnam ang mga sensasyong inihahatid sa kanya ng pasaway na lalaking ito.
"A-Aser..."
Humigpit ang pagakakayakap nito sa kanya.
"Okay na tayo, di ba? Bakit bigla mo na lang akong tinataboy? Hindi mo ba alam na naguguluhan at nahihirapan ako?"
"B-bakit mo sinasabi iyan? Wala namang kaso kahit hindi tayo magpansinan, di ba?"
"May naaalala ka bang araw o oras na hindi kita pinansin? Krizhia, kasama na sa araw-araw ko ang pansinin ka."
"Para sirain ang araw ko?"
"Para pansinin mo din ako."
Hindi siya makahagilap ng sasabihin. Domoble ang tibok ng puso niya. Nagbalik sa ala-ala niya ang mga panahong bawat sandaling makita siya nito ay binabati siya na napupunta palagi sa pag-aaway nila.
Gusto niyang magtanong ng 'bakit'. Pero natatakot siya sa isasagot nito dahil hindi niya rin alam ang sasabihin dito kung sakali.
Isa pa'y hindi mawala sa sulok ng isipan niya si Irene. Mas malalim ang nararamdaman nito kay Aser kaysa sa kanya. Ito ang mas karapat-dapat sa lalaki.
Hindi na niya alam kung ilang minuto silang nasa ganoong ayos. Walang imikan na para bang ninanamnam ng bawat isa ang sandaling iyon.
"Krizhia? Krizhia, anak?"
Tila nagising siya mula sa pagkakahimbing nang madinig ang boses ng ina. Dali-dali siyang napahiwalay kay Aser. Dumistansya siya dito. Nag-iinit ang pisnging hindi makatingin sa lalaki.
"Nandito din ang mommy mo?"
"Oo."
"Krizhia?"
Tumayo siya. "Mommy, nandito ako."
"Hi, Tita Aliyah."
Lumapit sa kanila ang ginang. "O, Aser. Narito ka na pala. Medyo nagkakwentuhan kami ng mommy mo, eh."
"Narito na po si mommy?"
"Yup. Nagpapahinga na ngayon at masakit daw ang ulo niya. No need to worry about her, iho."
Napatangu-tango si Aser.
"Anyway, uuwi na kami ni Krizhia."
"Ihahatid ko na po kayo."
"Huwag na, iho. Magpahinga ka na lang din."
Tumingin sa kanya si Aser.
"Uuwi na kami."
Ngumiti ito. "Ingat."
Tipid na ngumiti siya.
Inihatid pa sila nito sa gate.
"Alam ko 'yang ngitian na iyan, ah, Krizhia."
Napatingin siya sa ina. Sa daan ito nakatingin pero alam niyang sa kanya ang pansin nito.
"Ano'ng ngitian?" pagkakaila niya.
"I know in time na aamin din kayo." Ngumiti ito. "Naalala mo ba noong mga bata kayo? Noong umiyak ka sa simbahan dahil hinalikan ka ni Aser?"
Awtomatikong namula ang pisngi niya. "Mommy!"
Tumawa lang ito. "That time, nagkasundo na kami ni Jenna na ireto kayo sa isa't isa. Pero lagi namin kayong nakikitang nag-aaway ni Aser. Muntik na kaming mawalan ng pag-asa."
"Kaya pala kung payagan niyo na lang ako'ng lumabas basta kasama si Aser ay ganoon na lang."
"It's because I trust him, iha. Alam kong hindi ka niya pababayaan."
Naalala niya noong nakipag-away ito dahil sa kanya. Kung hindi siguro ito dumating noon ay baka napahamak na siya. Hindi niya mapigilang ngumiti.
Hindi na lang siya nagkomento ng tungkol doon.
"By the way, mom. Bakit miserable si Tita Jenna ngayon? Was it because of Aser's father?"
Sumeryoso ang mukha nito pagkuwa'y napabuntong hininga.
"Malaki ang problema ni Jenna ngayon, anak. Hindi lang sa ex-husband niya."
"Ano 'yon?"
"Huwag mo munang sasabihin kay Aser, ha? Mangako kang huwag munang sasabihin sa kanya."
"Alright. I promise." Itinaas niya pa ang isang kamay.
"Buntis si Jenna... at ang tatay ni Aser ang ama."
"Bun-- what?!"
----------------
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...