CHAPTER 30

2.3K 48 0
                                    

CHAPTER 30

NATIGILAN si Krizhia nang mapagtanto ang kinakanta. Bigla niya tuloy naalala noong iwan niya nang ilang beses si Aser para lang makaiwas dito. Pati na iyong nangyari kahapon.

Nananadya ba ang mga ito? Gusto niya sanang huminto sa pagkanta pero tiyak na magmumukha lang siyang ewan niyon. Ipinagpatuloy niya na lang.

"People are people and sometimes we change our minds

But it's killing me to see you go after all this time..."

Gusto na niyang i-let go si Aser pero bakit nasasaktan pa rin siya sa kaalamang hindi ito mapapasakanya?

Pinigilan niya ang pangingilid ng luha.

"Music starts playin' like the end of a sad movie

It's the kinda ending you don't really wanna see..."

Napalingon siya kay Aser nang sabayan nito ang pagkanta niya. Nagtama ang mga mata nila. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang malamlam na mga mata nito.

"Cause it's tragedy and it'll only bring you down

Now I don't know what to be without you around..."

It's as if she's telling it directly to him.

Hindi niya maalis ang mga mata dito. Wala na siyang pakialam kung nababasa nito sa mga mata niya ang laman ng puso niya.

"And we know it's never simple, never easy

Never a clean break, no one here to save me

You're the only thing I know like the back of my hand

And I can't breath without you but I have to

Breathe without you but I have to..."

Tumikhim siya para alisin ang bumabara sa lalamunan. Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya

She needs to continue her life without him. Pero paano niya ba iyon gagawin? Tingin niya dito ay parang nahihirapan din ito sa panahong iyon. She can see the glint of pain on his eyes.

Naalala niya tuloy ang sinabi ng mommy niya na may gusto ito sa kanya. Pinagmasdan niya itong mabuti para mabasa ang sinasabi ng mga mata nito. Hindi naman nito iniiwas ang paningin.

"Never wanted this, never wanna see you hurt

Every little bump in the road, I tried to swerve

But people are people, And sometimes it doesn't work out

Nothing we say is gonna save us from the fall out..."

Habang kumakanta ay magkalapat ang mga mata nila ni Aser. Saglit na nalimutan niyang nasa stage sila at nasa harapan ng maraming estudyante.

She can see his emotions on his eyes. Pero hindi niya kayang bigyan ng pangalan ang ipinapahayag ng mga iyon.

At bakit ba naiiyak siya habang nakatitig dito? Heto nga at ramdam na niya ang pangingilid ng luha sa mga mata.

Bago pa tumulo ang mga luha niya ay iniiwas na niya dito ang paningin. Kinalma niya kaagad ang sarili. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin kung gumaralgal man ang boses niya.

"It's 2am feel like I just lost a friend

Hope you know it's not easy

Easy for me...

And you know it's never simple never easy

Never a clean break no one here to save me

Whoahh..."

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon