CHAPTER SIX
"KRIZHIA!" salubong sa kanya ni Hanna, ito ang guitarist nila.
Napakunot noo siya nang makitang tila problemado ito.
Pagkadating nila sa Ling's restaurant ay dumeretso agad sila sa gilid ng stage kung saan naroon ang mga kabanda niya.
"O, bakit?"
Pero umaliwalas ang mukha ng kaibigan nang makita kung sino ang nakasunod sa kanya. Si Aser. Hanggang doon ay nakasunod ito sa kanya. Napalingon siya sa lalaking nakapamulsa habang tinitingnan ang kabuuan ng restaurant. Alam niyang galing ito sa school pero hindi nakauniform. Well, kailan ba niya nakitang nag-uniform ito? Tila ba araw-araw ay no uniform day ang school nito. Nakasuot ito ang red t-shirt at maong pants na butas-butas.
"Hi, Aser!"
Napatingin ito kay Hanna. Gumanti ito sa ngiti ng kaibigan.
"Hi..."
Napailng siya nang mahalatang hindi nito alam ang pangalan ng kabanda niya. Dinikitan niya ito.
"Hanna ang pangalan niya," bulong niya dito.
"Hanna! Right!"
Ngumiti naman ng matamis ang dalagita. Mukhang inuuna pa nito ang pagpapacute kesa sa balitang sasabihin sana nito sa kanya.
"Hanna, ano ba ang sasabihin mo sa akin?" Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Ito naman si Krizhia, panira ng pagpapacute." Muli itong ngumiti kay Aser with matching twinkling eyes pa..
Natawa lang ang lalaki sa sinabi nito.
Humarang naman siya sa view nito kay Aser. Nameywang siya. "Mas mahalaga pa ba ang pagpapacute mo sa luko-lukong ito kesa sa sasabihin mo?"
"O, high blood ka na naman, dear. Kung hindi kita kilala baka inisip ko nang nagsiselos ka." Binuntutan pa nito iyon ng hagikgik.
Nanlaki naman ang mga mata niya. Alam niyang naririnig iyon ni Aser. 'Nakakainis! Baka maniwala 'tong kolokoy na ito!' Ngunit bago pa siya makapagsalita ay nagsalita muli si Hanna.
"Ay, siya nga pala, Krizhia! Nagtext si Mia kanina. Hindi daw siya makakatugtog ngayon dahil may trangkaso siya."
"Ano? Bakit hindi siya nagtext sa akin?"
"Tumatawag daw siya sa'yo pero hindi ka niya macontact."
Naalala niyang nalowbat nga pala ang cellphone niya kaninang nasa school siya.
"Hindi tayo pwedeng tumugtog kung wala si Mia. Sino na lang ang hahawak ng bass?" Gitara ang expertise niya, hindi bass. Mas alam ni Mia kung paano iyon tutugtugin. Paano na lang kung magkamali-mali siya kapag iyon ang hinawakan niya?
"Ah, excuse me," singit ni Aser. "Bass ba 'kamo?"
"Huwag kang makigulo dito, Aser."
Pinagana niya ang utak kung sino sa mga kaibigan pa niya ang pwedeng mag-sub kay Mia.
"Tama!" tili ni Hanna. Tinabig siya nito at nilapitan si Aser. "Nandito sa harapan natin ang magaling na bassist ng The Rebel Slam band. Hindi na natin kailangang humanap pa ng iba." Yumakap pa ito sa braso ni Aser.
Hindi niya alam pero tila nagrebelde damdamin niya nang makita ang ginawa nito. Hinila niya si Hanna palayo dito.
"Babae ang kailangan natin, Hanna." Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Ouch naman, Krizhia. You don't need to drag me."
Saka niya napansing mahigpit pala ang pagkakahawak niya sa braso nito. Bigla niya itong nabitawan.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...