The Rebel Slam 2
ASER
By : Syana Jane
CHAPTER FOUR
DUMADAGUNDONG ang kaba sa dibdib niya. Tila iyon na lang ang malinaw na naririnig niya, naging malabo na ang mga huni ng ibon at lagaslas ng tubig.
Hindi umiimik si Aser. Nakatanaw lang ito sa malinaw na tubig ng ilog.
Lumunok muna siya. Ito na 'to. Isinantabi muna niya ang kaba.
"Aser..."
"Irene..."
Nagkatinginan sila nang sabay na magsalita.
Ngumiti ito. "Ladies first."
Tumango siya. Ibinaling ang paningin sa ilog.
"A-Aser, talaga bang wala akong pag-asa sa iyo?"
"W-what are you saying--"
"Please, wag mong ideny na hindi mo alam."
Natahimik ito saglit.
"Irene, ayaw kong saktan ka. I know, in the end, masasaktan lang kitang lalo. At ayaw kong magsisi dahil doon. Alright, you are special to me. I even like you--"
"As a friend."
"Ah..." Napatikhim ito.
"Mahal kita, Aser," walang gatol na sabi niya. Tumingin siya sa reaksyon nito.
Oo na! Masokista na siya at desperada. Pero nagiging totoo lang siya sa nararamdaman niya. Ayaw niyang magsinungaling lalo na sa sarili.
Natigilan ito. Kita niya ang tila pagkatuliro nito. Maya-maya'y napailing ito. Iniiwas ang mga mata sa kanya at napayuko.
"Irene, you... you're one of my friends..."
Tila binagsakan siya ng bala ng kanyon sa narinig. Mahina lamang ang pagkakasabi nito ng mga salitang iyon pero tila ba ikinabingi niya iyon. Ang mga salitang iyon ay tila tumarak sa puso niya. Pero pilit niyang pinatigas ang damdamin. Pinigil niya ang luhang nais sumungaw sa mga mata. Inalis niya ang bara sa lalamunan.
"Y-you can say that. Pero hindi pa rin iyan sapat para isuko kita. Minsan, gusto ko nang tumigil pero hindi nakikinig ang puso ko. Ngayon ko napatunayang hindi nga pala natuturuan ang puso kung sino ang dapat nitong mahalin."
Pinilit niyang ngumiti.
Hindi makapaniwalang nakatingin lang ito sa kanya. Akmang magsasalita ito pero inunahan na niya. Natatakot siyang masaktan pang lalo sa kung ano'ng sasabihin nito.
"Now you know my feelings. Wala lang, gusto ko lang ipaalam. Ngayon, magaan na ang pakiramdam ko." At tinalikuran na niya ito. Tinungo niya ang umpok ng mga kaibigan nila.
Sana nga, makapagpretend pa siya na magaan nga ang pakiramdam niya. While deep inside her, the pain is killing her. Minsan talaga ay sadayang napakatigas ng ulo niya pati ang puso niya.
----------
'ANO kayang pinag-uusapan no'ng dalawa?" tanong ni Krizhia sa sarili habang na kina Aser at Irene ang mga mata.
"Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawang iyon, ah! Nakakahiya tuloy manggulo," ani Clyde na naupo sa tabi niya.
"Maybe, they're just bored. I can't blame them. Napakaboring naman talaga ng place na'to," ani Kyle na nahiga pa sa damuhan matapos maghikab.
"You're just the only one bored in here, Kyle."
"Yeah, right, Grendle. Hindi ka bored ngayon dahil kasama mo ang pangi-- ang girlfriend mo."
"Ano 'yong sasabihin mo sana, Kyle?" salubong ang kilay na sabi ni Donita.
"Bakit, may narinig ka ba?"
"Oo! Kadidinig ko lang!"
"Narinig mo pala, bakit kailangan ko pang ulitin?"
"Ikaw!"
Mabilis na nayakap ni Grendle ang nobya bago pa ito makatayo at masugod ang lalaking prenteng nakahiga sa damuhan.
"For me, you're the most beautiful girl I've ever laid my eyes on," masuyo nitong sabi habang nakatitig sa mga mata ng nobya.
Nakita niyang ngumiti na rin si Donita.
Napangiti na rin siya. Ang sweet talaga ng dalawang ito to the extent na nakakainggit na. Siya kaya? Kailan makikita ang lalaking magmamahal sa kanya ng tunay?
All of the sudden ay sumagi sa utak niya ang sinabi ni Aser noong mga bata pa sila.
'.... Pwede mo akong maging boyfriend paglaki mo...'
Naipilig niya ang ulo. Por Dios! Ayaw na niyang maalala ang scene na iyon!
"Wow, Krizhia. Nakakainggit talaga ang dalawang iyon," agaw pansin ni Clyde na dumikit pa sa kanya. Inakbayan siya nito. "Can we pretend like them, too?"
Napabuga siya ng hangin. First rate flirt talaga itong Clyde na ito! Hay naku!
She turned he gaze on him.
"Put your hand off me me, Clyde," nagbababalang sabi niya.
"Why not? It's only for one day, honey."
Tila nagsitayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan nang tawagin siya nitong 'honey'.
"Clyde, nakikita mo itong platong hawak ko?" mahinahon ngunit nanliliit ang mga matang sabi niya.
"Yeah, it's a paper plate, right?"
"Na may lamang spaghetti... Gusto mo bang marumihan 'yang suot mo? Puting-puti pa naman."
Wari namang hindi nito na-gets ang ibig niyang ipahiwatig. Ngumiti pa ito ng matamis.
Talagang sinasagad ng lalaking ito ang pasensya niya, huh!
Handa na siyang isampal sa mukha nito ang hawak na paper plate nang maramdaman niyang may nag-alis ng braso nito sa balikat niya. Si Aser. Hinawakan pa nito ang braso niya at itinayo siya.
"Clyde, haven't I told you before to get off her?" madilim ang itsurang sita nito sa kaibigan.
"Hey, hey, 'tol," taas ang dalawang kamay na sabi ni Clyde. Tumayo na rin ito. "Alright, sinabi mo nga 'yan. Sorry naman, nalimutan ko lang."
"Next time, wag mo nang kakalimutan."
"Or else?" tila nang-aasar pang sabi ni Clyde.
Hindi naman nakapagsalita si Aser. Sumulyap ito sa kanya. Pagkuwa'y masamang tumingin sa kaibigan.
Nagtatakang nakamasid lamang siya dito. Bakit tila yata napakaprotective sa kanya ni Aser? Lalo na sa kaibigan nitong si Clyde? No, sa lahat pala ng lalaki.
Napailing siya. Maybe, she's just imagining things.
"Cut it out, Clyde, Aser. Nandito tayo para magpicnic at magrelax," saway ni Grendle sa dalawa. Mabuti pa ito may malasakit sa mga kaibigan. Hindi tulad ng antuking wirdo na iyon na prente nang natutulog habang nakahilata sa damuhan.
Nangiti ng maluwag si Clyde. "Okay. Sorry, 'tol. Tinitingnan ko lang kung magseselos ka."
"Clyde!" nanlalaki ang mga matang sita ni Aser sabay sulyap kay Irene na nakaupo na ngayon sa damuhan katabi ni Donita.
Tumawa lang ang lalaki. Lumapit kay Aser at tinapik ito sa balikat. "Kidding aside, I'll keep that in mind. Krizhia is safe now. So..." Bumaling naman ito kay Irene. "Hi, Irene!"
Subalit bago pa makalapit sa dalagita si Clyde ay hinagip naman ni Aser ang braso nito.
She doesn't know what to think. Hawak pa rin ni Aser ang braso niya. Pero tila ba ayaw din nitong palapitan sa playboy na kaibigan si Irene.
Napatingin siya sa mukha nito. Hindi na iyon kasing aliwalas nang tulad kanina noong nasa simbahan sila. Matiim itong nakatingin sa kaibigan. Tumingin naman dito si Clyde na tila binabasa ang reaksyon ni Aser.
Saglit na katahimikan ang dumaan. Ramdam niya ang tensyon.
Hindi na siya nakatiis at tumikhim siya. Pagkatapos ay binawi ang braso kay Aser.
Wari namang nahimasmasan na ang dalawa.
Umupo na siya at bumaling kay Irene na titig na titig sa kanya. Nginitian niya ito.
"Masarap itong spaghetti, Irene. Try it." Inabutan niya ito ng paper plate. Atubili naman nito iyong tinanggap. "Teka, Donita. Sino'ng nagluto nito?"
"Si tatay ang nagluto kaya masarap."
"Her father was a very good chef," dagdag pa ni Grendle.
Okay, mukhang naalis na niya kahit paano ang tensyon sa paligid. Naupo na rin ang dalawang lalaki sa paligid ng picnic mat na nakalatag sa damuhan.
Tipid na nginitian lang siya ni Irene nang minsang magtama ang paningin nila pero napakagiliw nito kay Donita. Silang tatlo lang ang babae doon pero tila ba napakalayo nito sa kanya.
'What's wrong with me?' Bakit tila may galit sa kanya si Irene? Wala naman siyang ginagawang mali dito.
Ah, siguro naninibago lang ito sa kanya dahil ngayon lang sila nagkabonding.
---------
"TOL, ano ba talaga, ha?"
Napatingin si Aser sa katabing si Clyde. Napakunot-noo siya.
"What are you talking about, Clyde?"
"About Krizhia and Irene, ofcoarse!" Lumapit pa itong lalo sa kanya. "Sino ba sa kanila?"
Ang tinutukoy yata nito ay ang nangyari noong linggo. Siguro ay nagtaka ito sa inakto niya nang ilayo niya dito si Krizhia at pigilin niya ito sa paglapit kay Irene. He can't blame him. Siya man ay nagtataka kung bakit niya iyon ginawa.
"Maybe, malaki ang tiwala sa akin ni Tita Aliyah. Kapag napariwara si Krizhia nang dahil sa'yo, ako ang malalagot. As of Irene naman... she's our friend. Huwag na natin siyang taluhin."
Biglang sumagi sa isip niya ang pagtatapat ng dalagita sa kanya noong linggo. Ramdam niya ang sinseridad sa bawat salita nito. Pero bakit ang mga salitang iyon ang lumabas sa bibig niya? Kita niyang nasaktan ito, well, sino nga ba'ng hindi kapag ang isinagot sa pagtatapat mo ay kaibigan ka niya. Gusto niyang bawiin ang sinabi pero hindi niya nagawa, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon. Suddenly, naitanong niya sa sarili kung bakit ba hindi niya magawang bigyan ito ng pagkakataon gayong espesyal naman ito sa kanya. Bakit mas naiisip niyang masasaktan niya lang ito? Natatakot ba siya o ano?
Ah! Gusto na talaga niyang iuntog ang ulo sa pader para maliwanagan siya!
Natauhan siya nang pabirong hampasin siya ni Clyde ng notebook sa ulo. "Hoy, Aser! Huwag mo akong idamay diyan sa magulong lovelife mo, ah!"
"Ano'ng lovelife ka diyan?" Gumanti siya at hinampas naman dito ang bag niya.
Natigil lang sila sa pagkukulitan nang madinig nila ang sigaw ng guro sa harapan. Nasa klase nga pala sila ngayon at ang teacher nila ay iyong lagi na lang high blood sa kanila.
"Mister De Jesus at Mister Cortez!!! Tangap ko na hindi kayo nakikinig sa klase ko! Pero ang masira ang pagtuturo ko dahil sa kaingayan niyo, ibang usapan na iyan!" Marahas na tinuro nito ang pinto. "Labas!!!"
Tila naman nakahinga pa sila ng maluwag.
Agad na tumindig si Clyde. "Ayos!" tuwang sabi nito sabay dampot sa bag at dumiretso sa pintuan.
Akmang lalabas na rin siya nang tawagin ng guro ang pangalan niya.
"Isama niyo na rin sa paglabas ang laging tulog na iyan!" Turo nito kay Kyle na as usual ay natutulog na naman sa upuan nito.
"Ma'am," nagtaas ng kamay si Grendle. "Ako po ba?"
"Maiwan ka dito, Mister Baciles!"
Tila naman pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Grendle.
Alam niyang inaantok na rin ito at kating-kati na ang mga paa para magcutting pero nagpipigil lang ito para hindi magalit si Donita.
Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero pinigilan niya ang sarili. Tiyak na uusok na naman ang bumbunan ng teacher nila. Nilapitan na lamang niya si Kyle at ginising. Niyaya na niya itong lumabas...
To be continued...
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...