CHAPTER FORTY-ONE (FINALE)

4.6K 76 14
                                    

CHAPTER FORTY-ONE (FINALE)

continuation...

"Ikaw lang ang nais ko'ng makasama

Wala na'kong gusto pa'ng balikan

Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang

Gusto kong makapiling..."

Matapos ang kanta ay nagulat ang lahat nang biglang sampalin ni Jenna si Allen.

Maging silang tumutugtog ay napatigil.

"Jenna..."

"I hate you, Allen! I hate you!"

Napayuko ito. "I know. Alam ko naman na kahit ano'ng gawin ko, hindi mo ako mapapatawad."

Hinampas ito ni Jenna sa dibdib. Tinanggap lang nito iyon.

"Nakakainis ka!" umiiyak na pinagsusuntok ni Jenna ang dibdib nito. Tuluyan na ito'ng napahagulgol. "Gusto ko'ng magalit sa'yo ng pang-habang buhay dahil sa ginawa mo sa akin. Niloko mo ako! Sinaktan... Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magalit sa iyo ng ganoon katagal. Ilang taon mo ako'ng natiis, Allen. Then, noong bumalik ka, si Aser agad ang idinahilan mo kung bakit ka nagpakita sa akin. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Dapat kinalimutan na lang kita ng tuluyan. Dapat nag-asawa na lang ulit ako--"

"You can't do that. Hindi pa annulled ang kasal natin."

"Kaya nga dapat matagal ko nang ipina-annull iyon, di ba? Pero hindi ko ginawa." Tumigil ito sa pagwawala at umiiyak na yumuko.

"Bakit, Jenna? Bakit nga ba hindi mo pa pina-annul noon pa man ang kasal natin? Jenna?"

"Dahil mahal kita! Kahit nagawa mo ako'ng pagtaksilan at ipagpalit sa ibang babae, mahal pa rin kita! Kahit na sinaktan mo man ako ng labis, hindi pa rin sapat iyon para mawala ang nararamdaman ko sa'yo."

"Jenna..." Hindi na nakatiis si Allen at niyakap nito ang asawa. "I'm sorry. I'm sorry..."

Gumanti ng yakap si Jenna. Kasing higpit ng yakap ng esposo. Ipinagpatuloy nito ang pag-iyak sa balikat ni Allen.

Lahat sila ay may luha sa mga mata habang pinapanood ang mga ito.

Naramdaman na lang ni Krizhia ang paglalandas ng luha sa mga mata niya. Pinahid niya iyon. Mukhang magiging ayos na ang mga magulang ni Aser pagkatapos nito. Nilingon niya si Aser.

Napatingin din ito sa kanya.

"Okay na sila," anas niya.

He smiled. Inakbayan siya nito. Hindi naman siya umiwas. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito.

Wala nang dahilan para sikilin ang damdamin niya para dito...

------------------------

"ANO'NG ginagawa natin dito?"

Nakangiting nilingon ni Krizhia si Aser. Hinatak niya ito papasok sa maliit na chapel ng subdivision nila. Walang misa nang araw na iyon kaya walang katau-tao doon.

"Wala lang. Malay mo, ito na ang huling punta mo dito." Lilipat na kasi sina Aser sa bahay ng daddy nito.

After what happened yesterday, nakapag-usap ng maayos sina Allen at Jenna. Nagkasundo ang mga ito na bibigyan ang isa't isa ng second chance.

"Huwag ka nang malungkot. Dadalawin naman kita, eh." Pinisil nito ang palad niyang tangan nito.

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Ako, malungkot? Sino'ng may sabi?"

"Huwag mo na'ng i-deny. Alam ko'ng mami-miss mo ang presensya ko sa subdivision natin na ito," ngisi nito.

He's right. Hindi na lang siya nagsalita. Baka lalo pang lumaki ang ulo nito.

Naupo sila sa front row ng mga mahahabang upuan na nakahilera sa tapat ng altar.

"Natatandaan mo, Aser? Dito tayo unang nagkita noon."

Napangiti ito.

"Yeah." Bumaling ito sa kanya. Sumeryoso. "Mami-miss kita, Krizhia."

"Para namang pupunta ka sa iba'ng bansa. Eh, sa kabilang bayan lang naman iyon. Saka, sabi mo halos isang oras lang ang biyahe."

"Mas maganda pa rin kung ilang minuto lang at nasa bahay niyo na ako. Mas mababantayan kita no'n."

She smiled. "Hindi pa naman kita sinasagot, ah."

"Hindi pa ba?" Itinaas nito ang magkahugpong na mga kamay nila pagkatapos ay hinalikan ang likuran ng palad niya.

Tila may tumawid na kuryente doon papunta sa kaibuturan niya na siyang dahilan kung bakit bumilis ang pintig ng puso niya. She kinda' like that feeling. Sure siyang si Aser lang ang makakapagparamdam sa kanya ng ganoon.

"Hindi pa ako umo-oo sa'yo, ano."

"Sure, loves. Take you time." Pisngi naman niya ang hinalikan nito.

Tinapik niya ang noo nito. Pinandilatan niya ito.

"Oy, hindi pa legal 'yang halik na iyan, ha!"

He chuckled. "Nakalusot naman, ah!"

"Ewan ko sa'yo!"

Malakas na natawa ito.

Siya kanina ang nang-aasar pero sa huli ay siya rin pala ang maaasar. Akmang babawiin niya ang kamay dito pero hinawakan nito iyon ng mahigpit. Huminto ito sa pagtawa.

"Kidding aside... I'll say this sa harap ng mga santong naririto. Pati sa harap mo, Papa Jesus at Mama Mary. Gusto ko po'ng sabihin sa magandang babaeng katabi ko na mahal na mahal ko siya at mamahalin ko siya habang buhay. Promise!" Itinaas pa nito ang isang kamay.

Napatitig siya dito. Nakaharap ito sa altar.

Bumaling ito sa kanya. There's seriousness on his beautiful eyes.

"I love you, Krizhia."

Well, patatagalin pa ba niya? Sapat na ang ipinaghintay nito, pati na rin ang ipinaghintay niya sa 'right time'. Nginitian niya ito ng pinakamagandang ngiti niya.

"I love you too, Aser. Walang halong biro at pagpapakipot. Mahal kita. Noon pa."

Napaawang ang mga labi nito habang nakatitig sa kanya. Hindi kaagad ito nakapagsalita.

"Aser?" Ikinaway niya ang kamay sa tapat ng mukha nito. "Nagtapat na ako. Ano na? Tititigan mo na lang ba ako?"

Hinuli nito ang kamay niya.

"H-hindi ko yata narinig, Krizhia."

Bahagya siyang natawa. "Ipapakita ko na lang."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Bago pa ito makahuma ay nakadampi na ang mga labi niya sa labi nito. Smack lang iyon. Parang sa ginawa nito noong mga bata pa sila.

Lumawak ang ngiti niya nang mahigit nito ang paghinga. She stared lovingly on his eyes.

"I love you, Aser. I love you very much."

Unti-unti ito'ng napangiti nang mahimasmasan. He pulled her close and gave her a warm and big hug. Gumanti siya ng yakap.

"Thank you, Krizhia, loves, mahal, honey so sweet." Bahagya nitong inilayo ang mukha para matitigan ang mukha niya. Masuyong hinaplos nito ang pisngi niya. "I promise to keep my promises."

"I will count on it and I will trust you."

He smiled. Nang ilapit nito ang mukha sa mukha niya ay hindi siya umiwas. Bagkus ay sinalubong niya ang mga labi nito.

Ah! Finally! Ayos na rin ang lahat sa kanilang dalawa ni Aser. Ngayon, sila naman ni Aser ang liligaya.

'Yeah, I promise to love you 'til I can. And I promise it in front of Papa Jesus and Mama Mary.'

--- WAKAS ---

NP: HOT by Avril Lavigne

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon