CHAPTER 26
KASALUKUYANG nagmumukmok nang gabing iyon si Krizhia nang katukin siya ng ina sa kwarto niya. Tinuyo niya muna ang mga luha at inayos ang sarili bago ito pinagbuksan.
Hindi rin niya napigilang umiyak pagkauwing-pagkauwi niya sa bahay nila kanina. Broken hearted siya ngayon.
"Yes, mom--" Hindi niya pa natatapos ang sasabihin nang tuloy-tuloy na magsalita ito.
"Anak! Katatawag ni Jenna. Alam na raw ni Aser ang lahat!"
"What?" Nalito pa siya sa kung ano'ng sinasabi nito.
"Alam na ni Aser na buntis si Jenna. Alam na rin niya na si Allen ang ama."
Saka lang siya natauhan. Sinalakay agad siya ng kaba.
"O-oh... A-ano raw?"
"Galit na galit si Aser, anak. Umalis daw pagkatapos malaman. Hindi alam ni Jenna kung saan nagpunta."
"Po?"
Ngayon ay alalang-alala na siya dito. Nangyari na ang kinatatakutan niya.
Pero saan naman kaya pupunta si Aser. Tinalikuran niya ang ina at dinampot ang cellphone na nasa bedside table. Tatawagan niya ito at aalamin kung nasaan ito.
Pero teka... paano nga pala niya mako-contact si Aser? Hindi ba't na kay Irene nga ang cellphone nito?
Nanlulumong napaupo siya sa kama niya. Nakita niyang nakamasid sa kanya ang ina.
"Umiyak ka ba, anak? Namamaga iyang mata mo."
Iniiwas niya ang mukha dito.
"Hindi, mommy. Nabitin kasi ang tulog ko sa katok niyo kaya ganyan ang mga mata ko."
"Sigurado ka?"
Hindi siya nakaimik. Nagi-guilty na siya sa pagsisinungaling.
Umupo ito sa tabi niya at hinaplos ang buhok niya.
"Ano'ng problema ng dalaga ko?"
Nakatungo lang siya. Nahihiya siyang sabihin dito. Pero traydor yata ang mga luha niya dahil kusa na lang iyong nalaglag mula sa mga mata niya.
Nang yakapin siya ng ina ay hindi na niya mapigilan ang pag-iyak.
"Ssshh... Mommy's here. Don't worry..." pang-aalo nito sa kanya habang hinahagod ang likod niya.
Nang mahimasmasan siya ay kumawala siya dito at pinahid ang mga luha.
"Tell me what's your problem."
Walang siyang nagawa kundi ikwento dito ang dilemma niya.
Naiiling ito nang matapos siyang magkwento.
"I can't believe na ganyan ka kahina, anak."
"Thanks, mom. Napaka-encouraging ng sinabi niyo."
Tumawa ito.
"Isa lang ang gusto ko'ng gawin mo, anak. Bawiin mo si Aser sa babaeng iyon."
Bawiin? Ang alam niyang binabawi ay iyong pagmamay-ari. Hindi naman niya pagmamay-ari si Aser.
Bago pa siya makapagreact ay inunahan na siya ng ina.
"Jenna likes you for her son. At gusto ko rin naman si Aser para sa iyo... Besides, sinabi na sa akin noon ni Aser na gusto ka niyang maging girlfriend."
Napamulagat siya dito. "Ha? P-paano? K-kailan?"
"Noong bata pa kayo. Crush ka na ni Aser noon, hindi mo ba napapansin? At tingin ko, iba na ngayon. Mas malalim na ang nararamdaman niya para sa iyo. I can see the way he looked at you."
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...