CHAPTER FIVE
"IT SUCKS! Bakit kayo pinalabas, ako hindi?" patuloy na himutok ni Grendle nang matapos ang klase nila buong maghapon. Hinintay nila ito sa Math Park.
Huling subject na nila iyon sa maghapon pero napalabas pa sila. At tuwang-tuwa naman sila. Si Clyde nga ay kanina pa nakapagitna sa mga babae sa kabilang mesa at nakikipaglandian na naman.
"Nakita kasi ni Ma'am na medyo nakikinig ka at tahimik sa upuan mo kaya hindi ka pinalabas," aniya dito.
"But Aser, kanina pa ako bored na bored sa klase. Three subjects in a row ang pinasukan ko ngayong hapon at kanina pa sumasakit ang ulo ko!" patuloy na reklamo nito.
Natawa naman siya. Mula nang magpasukan pagkatapos ng Bagong Taon ay tila bagong buhay na rin ang kaibigan niyang ito. Hindi na ito nagka-cutting. Madalas nga lang late sa ilang subjects nila. At iyon ay dahil sa pinakamamahal nitong girlfriend.
Tinapik niya ito sa balikat. "Okey lang 'yan. May girlfriend ka naman."
Sa sinabi niya ay biglang umaliwalas ang mukha nito.
Napailing siya. Mahal na mahal talaga nito si Donita.
"Sabagay. Kapag nalaman ni Donita na napalabas ako, pagagalitan na naman ako niyon," nangingiting sabi nito. "By the way, ikaw, pumili ka na kina Krizhia at Irene kung sino'ng magiging girlfriend mo."
"Pati ba naman ikaw, GJ?"
Grabe, isa na lang sa mga kaibigan niya ang hindi nangungulit sa kanya tungkol doon. Ang katabing natutulog na namang si Kyle habang nakadukmo sa mesa nila. Parang gusto na tuloy niyang magsasama dito ngayon kesa kina Clyde at Grendle.
Tinawanan naman siya ni Grendle sa sinabi niya at siguro ay mas lamang sa reaksyon niya.
"What's wrong with them? They're both pretty and smart."
"Pero..." Paano nga ba niya ipapaliwanag ang lahat kung siya man mismo ay naguguluhan din? Inilapit niya ang mukha dito. "Atin-atin lang 'to, ha?"
"Sure."
"Si Irene, she's our friend. Bestfriend pa siya ni Donita. You know, para sa akin, mas magandang hanggang kaibigan lang kasi mas nagtatagal iyon kesa sa relasyon na magboyfriend-
girlfriend. Wala pang sakitan, di ba?"
"Uh-huh... Pero iba pa rin 'yong may karapatan ka sa isang babae, vice versa. It felt good kapag may nag iisang babe na tatawagin kang 'kanya' na parang sinasabi sa iba na teritoryo ka niya so back off... So, what about Krizhia?"
"Si Krizhia kasi kababata ko siya at palagi siyang nirereto sa akin ni mommy. Same goes with her mother, i guess. I'm sure nakapag-usap na ang mga mommy namin about us. Pero wala namang interes sa akin si Krizhia, eh. Nakita mo naman, galit na galit sa akin 'yon."
"Eh, bakit nga ba galit na galit sa iyo si Krizhia?"
Napangiti siya ng maalala ang kapilyuhan niya dito noong bata pa sila. "I stole a kiss from her when we were kids. I think iyon ang dahilan kaya lagi siyang high blood sa'kin."
"You-- What?"
"Yes, it's true," natatawang sabi niya.
Napailing naman si Grendle habang tumatawa. "Cute."
"No wonder, kahit ano pang gawin mo, hindi ka papansinin ni Krizhia. Ever," sabat ni Kyle matapos mag-angat ng ulo. Tinatamad na nangalumbaba ito at naghikab.
"Himala at gising ka na?" aniya na pabirong ginulo ang buhok nito. Hindi na niya pinansin ang sinabi nito. Sadista talaga itong magsalita.
Pero bakit tila apektado pa rin siya?
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...