CHAPTER 40
PINAGMASDAN ni Krizhia ang paligid. Ang mga dekorasyon sa paligid, ang mga upuan, ang maliit na improvied stage. Everything seemed perfect.
Hinanap ng mga mata niya si Aser. Kausap nito ang daddy nito sa di kalayuan. Mukhang binibigyan nito ng moral support ang ama. Natutuwa siya dahil magkasundo na ang mga ito. Ang problema na lamang ay ang madre de pamilya.
Matapos magkaayos ng mga ito ay ibinalita kaagad sa kanya ni Aser iyon. Napagdesisyunan nilang tulungan ang daddy nito sa panunuyo sa esposa. And they come up to this idea.
That place was very memorable in Allen and Jenna, ayon na rin sa lalaki. Sa simbahang iyon ikinasal ang mga ito. Pero sa likod ng simabahan, kung saan sila naroroon, unang nagkita ang mga ito at doon din nagpropose ng kasal si Allen.
Sa tulong ng mommy niya, daddy ni Aser at mga kaibigan nila ni Aser, dinekorasyunan nila ang likod ng simabahan. It's like a small wedding reception now. The white and red rose, favorite of Jenna, is all over the place. May hawak namang bungkos ng pink roses si Allen bilang peace offering.
May ilang mesa at silya din na naroon para sa iilang mga taong nagkaroon ng mahalagang papel sa buhay ng mag-asawa.
"Krizhia!"
Napalingon siya sa babaeng tumawag sa kanya.
"O, Donita."
"Okay na ang lahat. Si Tita Jenna na lang ang hinihintay."
"Ganoon ba? Maya-maya ay darating narin iyon kasama ni mommy."
"Teka, paano kung hindi sumama ang si Tita Jenna dito?"
"Huwag ka'ng mag-alala. Ang sabi ni mommy sa kanya, pupunta sila dito sa simbahan para magsimba."
"I'm sure magtataka siya dahil wala namang misa," natatawang sabi nito.
Natawa din siya. "Siguradong hindi na siya makakaatras kapag narito na siya."
"Krizhia, ready na ang music!" singit ni Hanna. Nasa maliit na stage ang mga kabanda niya kasama ang Rebel Slam band.
"Sige, Hanna. Salamat!"
"Join forces ng The Rebel Slam at Silent Sinners ito. Tiyak na magsisisi ang mga fans niyo at hindi ito napanood," wika ni Donita.
"Hayaan mo na sila. Hindi nila moment ito."
Sabay silang nagkatawanan ni Donita. Tumigil lang sila sa pagkukwentuhan nang lumapit sina Aser at ang daddy nito. Nagpakilala lang si Donita sa lalaki at nagpaalam na ito para puntahan ang nobyo.
"Okay na ba lahat, loves?" ani Aser sa kanya.
"Loves ka diyan!" pabirong inirapan niya ito. "Okay na po lahat, tito Allen. Ready na ba kayo?"
Humigop ito ng hangin. Obvious na kinakabahan ito. "I guess, I am."
"Remember, dad, tandaan mo lang ang tono ng kanta na kakantahin mo para hindi lumabas na sintunado ang boses mo," paalala pa ni Aser dito.
"Sure, I can do that. Pero kinakabahan talaga ako. Paano na lang kung layasan na naman ako ng mommy mo?"
"Tito, huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Focus."
"Okay, okay. I'll try." Muli ito'ng huminga ng malalim. "By the way, Krizhia, call me 'daddy', okay?"
Gulat na napamata siya dito. "Po?"
"You must practice yourself calling me daddy."
"Ayos! Narinig mo iyon, loves?" Inakbayan pa siya ni Aser.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...