CHAPTER TWO
"KRIZHIA! Bilisan mo ang kilos! Malelate na tayo!" narinig niyang sigaw ni Aliyah, ang mommy niya, mula sa ibaba ng bahay."
"Nandyan na po!"
Dali-dali niyang isinintas ang sapatos at muling tiningnan sa salamin kung pantay ang eyeliner niya. Nang masatisfy sa itsura ay lumabas na rin siya.
It's a sunday morning at magsisimba sila. Hindi naman siya maka-Diyos pero siguradong tatalakan na naman siya ng ina kapag hindi na naman siya sumama ngayon.
'Sister' ang mama niya sa simbahan. Purong Kristyano ito at laging dala ang bibliya saan man magpunta.
She respect her mom pero minsan ayaw niya itong kasama. Masyadong magkaiba ang style nila ng ina. At nahihiya siya. But she needed to bear it. Ayaw naman niyang ipakita dito na nahihiya siyang kasama ito.
Allowance niya ang nakataya kapag nagalit niya ito.
Ilang sandali pa at naglalakad na sila papunta sa simbahan na hindi naman kalayuan sa bahay nila. Hindi na niya ing-suggest na gamitin ang motorbike niya. Sigurado namang hindi papayag ang mama niya at siguradong sesermonan na naman siya nito. Hindi niya rin isinuot ang earphone niya.
"Krizhia, do I forgot to tell you na sa simbahan tayo pupunta?" ani Aliyah habang naglalakad sila.
"Ofcoarse you do. Kagabi mo pa sinasabi iyan."
"Then, why are you wearing that clothes?"
Napatingin siya sa damit. Pink t-shirt na may itim na design at white pants na hanggang kalahati ng binti ang suot niya. Tinernohan niya iyon ng itim na converse shoes.
"What's wrong with my dress? Wait a minute, don't tell me na gusto mo akong pagdamitin ng katulad ng sa'yo?" Disgustadong tumingin siya sa damit nito.
"Why not? Sa church naman tayo pupunta. Besides, marami aknog biniling bestida para sa'yo."
Ang hindi nito alam ay ipinamimigay niya lang sa mga kaibigan niya ang mga bestidang iyon.
"I didn't ask you to buy those. Alam mong hindi ko type magsuot ng mga ganoong damit. Especially like your clothes."
Nakaskirt kasi ito ng hanggang sakong at nakablazer ng long sleeves. Hindi talaga pasado sa taste niya.
Binato siya nito ng masamang tingin.
"Krizhia, anak... Gusto mo bang matanggalan ng allowance for a week?"
Napangiwi siya sa sinabi nito. Sabi na nga ba niya, allowance na naman niya ang mapapahamak.
"O-ofcoarse, I'm kidding, 'ma," biglang bawi niya. Takot siyang mawalan ng allowance, for Christ's sake!
"Hey, Aliyah!"
Nabaling ang paningin nila sa babaeng nakatayo sa harap ng simbahan.
It was Jenna, Aser's mother. Malapit lang din ang bahay ng mga ito doon kaya siguro mukhang naglakad lang din ito papunta doon kasama si... Aser?
Napakunot-noo siya nang lumitaw mula sa likod ng ginang ang lalaki. Makita niya pa lang ito ay tila nawawala na siya sa mood.
'Ano'ng ginagawa ng tukmol na ito dito?'
Hindi niya pa din nakakalimutang ang nangyari last night. Kung paano nitong hindi pinansin si Irene. Kung paano ito makipagtawanan sa ibang babae habang si Irene ay malungkot na umalis sa party.
Agad itong ngumiti ng makita siya. Pairap na iniiwas naman niya ang paningin dito.
"Jenna, akala ko ba hindi ka makakapagsimba ngayon?" ani Aliyah nang makalapit sila.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 2: ASER JEZER
RomanceThe Rakista Princess, iyon ang tawag ni Aser sa anak ng kaibigan ng mommy niya. Krizhia Ramos is the name, suplada, masungit at higit sa lahat, tila ba laging may period kapag nakikita siya. Maybe because, hindi naging maganda ang unang paghaharap n...