CHAPTER 24

2K 46 0
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

'ANG galing talaga nila,' saisip ni Irene habang pinapanuod ang pagpapractice ng The Rebel Slam band. Kahit tila walang papatunguhan ang tinutugtog ng mga ito, maganda pa rin iyon sa pandinig niya.

Isinama siya ni Ase ng umagang iyon sa music room nina Grendle na nagsisilbing studio ng mga ito. Kapapasok niya pa lang kanina nang makita ang mga ito na paalis. Nang ayain siya nito ay hindi na siya nagdalawang isip. Hindi niya inisip na absent siya ngayong araw. Mas mahalagang samantalahin niya ang nag-iiba na'ng pakikitungo ni Aser sa kanya.

She's happy about it. Umaasa siyang matutugunan na rin nito ang nararamdaman niya.

Maya-maya'y tumigil sa pagtugtog si Grendle at ibinaba ang gitara nito.

"May bagong cd ako ng Simple Plan. Gusto niyong makita?"

"Sige!" Tumindig agad si Clyde at lumapit sa bokalista. "Ikaw talaga, 'tol. Lagi kang nauuna sa mga new cds."

"Blame my dad. Siya ang bumili ng cd na iyon... Ikaw, Aser?"

"Ha?" Tila naalimpungatan ito mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Kanina niya pa napapansin na tila may napakalalim itong iniisip. Gusto niya sanang magtanong kaso hindi siya makasingit sa mga kaibigan nito.

"Tara, tingnan natin sa room ko 'yong bagong cd ko. May ipapanood din ako sa inyong music video... Kyle, you should come. Puro guitar videos ang mga kinuha ko."

Tumango lang si Aser dito at ibinaba ang bass. Si Kyle naman ay naupo lang sa isang amplifier habang kumakalabit sa gitara nito.

"Kayo na lang. Nakakatamad umakyat sa hagdan niyo."

Nakita niyang nagtinginan sina Grendle at Clyde. Pagkuwa'y dinakma si Kyle at sapilitang inilayo dito ang gitara.

Binalingan siya ni Grendle. "Irene, okay lang ba kung dito ka muna sandali?"

"Ahh.. Oo naman."

"Don't worry, sandali lang kami. Papadalhan na lang kita ng meryenda pa sa maid."

"Sige, salamat."

Sinulyapan lang siya ni Aser bago ito lumabas. Nang lumapat ang pinto ay napabuntong hininga siya.

Dapat ay maging masaya siya. Pero bakit may mga mumunting kurot siyang nararamdaman sa puso kapag tumitingin si Aser sa kanya? There's coldness on his eyes at tila wala ito sa sarili. Napakalapit nito pero tila napakalayo sa kanya. Pati ang mga ngiti nito ay tila nabawasan ang sigla.

Ah, mamaya kapag nakasarilinan niya si Aser ay tatanungin niya ito. Baka may problema ito. Gusto niya itong damayan at tulungan.

Nasa gitna siya ng pagmumuni-muni nang bulabugin ng ringing tone ang diwa niya.

*GIRL OF THE YEAR by Fmstatics*

'I met this girl who likes a heavy metal

She gets excited with slipknot plays on lano

She's a heck of the girl with no cares in the world

And I like her that way...'

Hindi iyon sa kanya. Hinanap niya ang tumutunog na cellphone. Namataan niya ang bag ni Aser. May umiilaw doon. Nagdadalawang isip siya na sagutin iyon. Baka magalit si Aser.

Pero nang hindi pa rin iyon tumigil ay nilapitan niya ang bag ni Aser at hinagilap ang cellphone nito. Baka emergency. Sasabihin na lang niya kay Aser.

Pero natigilan siya nang makita ang nakasulat sa screen.

Krizhia

Calling...

THE REBEL SLAM 2: ASER JEZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon