(Kate's POV)
Weekend has always been the best part of my week. And during those times I was always alone, always locked up on my bedroom. But this week's different. It has to be, for the love of Sherri!
It was supposed to be just an overnight with Girly but it felt awkward na kami lang, kaya sinama na din namin si Samantha.
I totally felt like a different person who's slowly unfolding the better version of me. Sabi nga nila when you love, your partner should bring out the best in you. But for me, love itself should make you one. Kagaya nalang ngayon, hindi pa nga nagsisimula ang gera ay andami nang nababago ni Sherri sa pagkatao ko.
"Wooow! Rich kid ka talaga, Kate!" ang pag-react ni Samantha pagkapasok sa kwarto ko. "Pwedeng umupo sa higaan mo?"
"Yah, sure. Suit yourself," nakangiting sagot ko. Para kasing bata si Samantha.
"Ang galing ng Mommy mo, noh. Parang barkada mo lang," komento naman ni Girly.
Ngiti lang ang sagot ko dito. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko.Hindi ko din kasi naisip ang sinabi nito kung hindi din nya nabanggit ngayon. Yah. My Mom's cool but we just don't get along most of the time. Iba kasi mga hilig namin at iba ang mga gusto nito para sakin. But at some time, naiintindihan ko naman. I know she wants what's best for me, sadyang di lang nya talaga alam ang totoong pagkatao ko.
"So, what's the plan tonight? Movie marathon? Pero honestly, parang gusto ko nang matulog dahil ang busog ko sobra," saad ni Samantha.
Nag-abot ang mga kilay kong nakatingin kay Girly.
"You didn't tell her?" I asked.
Lumingo ito.
"I want you to be the one to tell her," she answered.
"Tell me what?" naguguluhan namang tanong ni Samantha.
"Girly will tell you," sagot ko dito.
Napaupo na si Girly sa kama.
"Look, Kate. If you can't say it straight to Samantha then how much more to Sherri?"pagreact ni Girly.
Tama din naman ito. Kung hindi ko kayang sabihin ito sa ibang tao, pano na kaya sa taong nagpapakaba sakin at nagpapawala ng focus ko?
"Sherri? What about Sherri? Wait. Nag-away sila?" tanong ni Sam kay Girly.
"Nope."
"Galit si Kate dito? O nagtatampo?"
"Nope."
"Eh, ano? Ano ba yan, naiintriga ako!"
Binigyan ni Girly si Samantha ng makahulugan na tingin. Lumaki naman ang mga mata ni Samantha nang may ideya na pumasok sa isip nya.
"No. No. No. Please don't let me guess anymore. Nakakabaliw!" nakakatawang reaksyon ni Samantha. Pati kami ni Girly natawa din dito. Now, I think I have an idea why she likes her.
"Kate, sabihin mo na bago pa mabaliw tong isa,"saad ni Girly.
Somehow, Sam's funny reaction lessened the anxiety I felt. Medyo gumaan kunti ang pakiramdam ko na sabihin dito ang totoo.
"I uhm... I like Sherri."
When finally the words were blurted out, I felt free, parang ibon na nakawala sa hawla nito.
"Yah. I like Sherri. Gusto ko si Sherri. And that's why you both are here because I need your help."
Ang sarap sa pakiramdam na nasabi ko na yun, at last. I wonder how it would feel if I'll say it to Sherri?
Ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa din kumikibo si Samantha. Nagsisimula na akong matakot. Natatakot ako sa sasabihin nitong hindi maganda. Rejection is not what I needed today.
"Oy, Sammy! Magreact ka nga!" pagpukaw ni Girly sa kanya.
"Wait. Wait lang. Naglo-loading ako, saglit. Ano ulit sabi ni Kate?"
"May gusto sya kay Sherri. Parang ako sayo."
Nilakihan ni Samantha ng mata si Girly.
"Alam nya?!"
"Yes, kaya nga tayo nanditong dalawa sa bahay nya dahil kailangan nya ng tulong natin."
"B-But Sherri's straight," an obvious confession by Samantha.
"And you were straight, too," pag-remind ni Girly sa kanya.
"Oh, yah. Alright. So, this is like a mission, then?" pagklaro ni Samantha.
"Yap. Kaya kailangan namin ang tulong mo kung pano sasabihin ni Kate kay Sherri ang nararamdaman nya para dito."
"But why me? Di ba ikaw naman tong nanligaw sakin?" naguguluhang tanong ni Sam.
"Oo nga. Andun na tayo na ako nga ang tutulong kay Kate sa mga diskarte nya pero ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang magiging epekto nito sa isang straight."
"Hmmm... Okay, sige. So, should we start now?" pagpayag naman ni Samantha sa sinasabi naming plano.
#
The rest of the night was filled with a list of plans and surprises. It made me feel I was an agent sent for a mission with two cupids as my assistants. Minsan pala kailangan mo ding buksan ang pintuan mo para sa ibang tao kung hindi mo man kayang lumabas sa lungga mo.
Among the long list of 'to do's', to be Sherri's text buddy came first. At dahil hindi hilig ni Sherri ang magpa-load ay napagkasunduan naming paloadan nalang si Sherri. But even the easiest first step we could think of wasn't really that easy dahil dumating nalang ang umaga ng Sabado ay wala pa din kaming reply na natanggap dito. It didn't scare me cos it wasn't the first time she did this to me. She always has her reasons at gaya nga ng sabi nila, Sherri wasn't the one who took things or any person for granted.
"Oy, Katie, huwag ka nang malungkot. Alam mo mag-rereply din yan. Ang aga pa kaya! Mag-aalas-10 pa oh. At tsaka alam mo ba naikwento sakin ni Sherri nun one time na sa weekend lang daw sya bumabawi ng tolog," pagpapagaan ng loob ni Samantha sakin habang nakahiga ito sa balikat ni Girly.
"She did?" nagtatakang tanong ni Girly dito. "Nagsabi sya sayo?"
"Oo nga, eh. Kakasabi ko lang, di baaaa?" sagot naman ni Samantha na parang sinisenyasan si Girly.
Be it true or not, nakatulong naman din ito upang hindi ako tuluyang malungkot. May point din naman si Samantha. It's weekend and among anybody else, ako dapat ang isa sa mga nakakaalam kung pano ka hectic ang shedule ni Sherri sa linggong nagdaan. For sure, babawi talaga ito sa lahat ng pagpupuyat nya.
So, I had nothing else to do but wait dahil ika nga ni Girly, sa panliligaw kailangan mong matutong maghintay at magpasensya. You reap what you sow. And remember, nothing beats hardship than the person who deserves it!
BINABASA MO ANG
THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)
Romance| GxG | Completed | Filipino | Kate Wilson's a half Canadian and a half Filipina born in her mother's native land. She grew up thinking she's different, shy, afraid of the world and more of the truth. An introvert forced to face a normal life like a...