(Sherri's POV)
"Mom! Just stop it!" natatawa na naiinis na pagpigil ni Kate sa Mommy nya na nagkukwento tungkol sa pagiging clumsy nya since bata pa sya.
"And there was also one time Sherri na may mini-pool sya. Sa Canada pa yun. And I think she's around 3 ata nun. May patakbo-takbo pa syang nalalaman sa inflated pool nya. When her body touched the pool, she bounced back like a ball," tumatawang kwento ng Mommy nya. "She's so chubby kasi talaga nung baby sya. As in! Wait I'll show you."
"Mom, seriously?!"
Pero hindi sya pinansin ni Tita at nagtungo pa din ito sa kwarto nya upang ipakita nga daw sakin ang chubby na version ni Spice nung baby sya.
Ako naman ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha. Siguro kung alam lang ni Tita ang tungkol samin at tanggap nya din ito, then maybe we will be the inseparable and the happiest couple ever.
Lumingon ako dito at hinaplos ang likod.
"That's alright Spice. Im excited, sa totoo lang, na mas makilala ka pa."
Ngumiti ito.
"You'd love me even more once you see that picture."
"Syempre. Mahal na nga kita kahit hindi ko pa yun nakikita, eh."
Namula ito. That seldom happens and she looked so cute and pretty when she blushed. Yung appreciation ko sa kanya na hindi lang talaga appreciation lang. Yung may dalang puso talaga.
Then Canada came to mind. Biglang nawala ang ngiti ko sa mukha.
"O, a sudden change of mood?" pansin nito.
"Wala. May naisip lang ako."
"And what was that?"
"Here we go!" masayang tugon ni Tita pagkalabas nya ng kwarto.
"Mamaya nalang," simpleng sagot ko kay Spice.
Pagdating ni Tita ay agad nitong inabot sakin ang mga pictures ni Spice. I loved babies and I think kung pwede lang sana, I would love to have babies with her. Yung tipong kamukhang-kamukha nya talaga. Yung may chubby cheeks tas mamula-mula pa!
Bigla akong nakaisip ng ideya.
"Tita!"
"Yes?"
Lumapit ako kay Tita at bumulong.
"Please give me a copy of this. Why not use this on a slideshow or video on her debut?" nakatalikod ako kay Kate habang yung Mommy nya ay nakaharap sa kanya kaya kitang-kita nya ang reaction ng Mommy nya mas excited pa ata sakin sa naisip kong ideya.
"Oo nga no?! Sige! I love that Sherri! I so love that! Parang ngayon palang gusto ko na paghandaan!"
"So, what is this? A new mother - daughter duo?" nakataas na kilay na tanong ni Kate pero di ko ito pinansin.
"You can count on me, Tita," sagot ko upang inisin pa lalo si Kate.
"Seriously? I don't exist?"
Natawa kaming dalawa ni Tita sa reaksyon nito pero bigla akong natakot nang tumayo ito bigla at parang nagtatampo.
"Alright, then. I'm leaving."
Agad ko itong pinigilan at dahil na din sa adrenaline rush ay napayakap ako dito.
"Joke lang, Spice."
Nagulat ito. Dun ko lang napagtanto ang itsura namin sa harap ng Mommy nya. Kakabahan na nga sana ako, eh, pero mabuti nalang at walang malisya saming dalawa si Tita. Natawa pa ito.
BINABASA MO ANG
THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)
Romance| GxG | Completed | Filipino | Kate Wilson's a half Canadian and a half Filipina born in her mother's native land. She grew up thinking she's different, shy, afraid of the world and more of the truth. An introvert forced to face a normal life like a...