Chapter 71

801 43 11
                                    

I just had one of the best days of my life last weekend! Dala ko pa din ang mga ngiti na dulot nito pagdating ng Lunes. Ang aga kong gumising dahil gusto kong maunahan ito. Hindi ko kasi sya nakausap kahapon masyado dahil tinutulungan nya daw ang Mommy nyang maghanda sa pagdating ng Dad nya anytime.

Ang hirap naman nun! Maghihintay ka sa isang taong hindi mo alam kelan talaga babalik. Pero sa mga taong naniniwala at nagmamahal, mas pipiliin pa nilang maghintay sa walang kasiguraduhan kesa sa wala. Gaya ko. Alam kong pag-alis ni Kate, hihintayin ko pa din yung araw na uuwi ito kahit walang kasiguraduhan kung kelan.

I was wondering how her Dad would see me as a close friend of hers, too. Kasing hospitable din kaya ito ng Mommy nya?

And I'm worried about Kate seeing her step siblings for the very first time. Kung ako yun, hindi ko alam talaga pano ko sila kakausapin! They were my Dad's children from his second wife! I couldn't just accept them like it didn't matter to me! But well, iba din naman kasi ang kwento nila. Naghiwalay na din mga magulang ni Kate bago pa nag-asawa ang Daddy nya. I just hope Kate can manage it. Di bale, I'll let her know na andito lamang ako.

If you truly love someone, you couldn't bare seeing them with somebody else, right? The more na may anak kayo. So, pano ito nakakayanan ng Mommy nya?

Quit thinking about it Sherri! Pinoproblema mo na naman ang hindi mo —-

"Sweetie!!" malakas at masayang bati at tawag ni Candice kasabay ng pagyakap sakin.

"Ang saya mo, ah!"

"Kami na!" agad na saad nito.

Nalakihan ko ito ng mata.

"Ni Denmark?!"

Tumango ito.

"Kelan?!"

"Kahapon. After going to church."

"Oh my gosh! Congratulations!" At niyakap ko ito.

"Thank you! Thank you! Sobrang saya ko Sweetie. As in!"

Kitang-kita nga! Abot tenga ang ngiti nito't iba ang pagkablooming!

"So, kumusta naman ang may boyfriend?"

"Awkward pa sya ng kunti. Syempre nahihiya pa ako. Pero alam mo yung kilig, iba! Napaka-gentleman pa nya! Tapos ginagabayan nya ako sa paglakad. Alam mo yun, unnecessary but he's doing it. Pakiramdam ko napaka-safe ko."

Hindi ko mapigilang mapangiti ng singlaki sa ngiti ng kaibigan ko. Syempre kaibigan ko silang dalawa ni Denmark kaya pakiramdam ko they just made the right decision. Kaso bigla akong dinapuan ng lungkot habang nagkukwento ito sa mga nakakakilig na moments daw nila.

Sana ganyan din ako kagaya nya. Yung tipong malaya akong magkwento dito sa mga kilig moments din namin ni Kate. Yung maikwento ko din dito kung gano ako kamahal ni Kate at kung gano ako nito pinapahalagahan. Lalo na kung malaman nya mga surprises ni Kate, for sure mapapanganga sya! I don't think guys could do that! Kung meron man, bilang na bilang lang!

Maya-maya ay biglang dumating si Kate. Nagulat ako pero nabawi ko naman agad.

"Good morning," all out na bati ko na abot hanggang tenga.

Pero ang sagot nito ay isang tango lang at maliit na ngiti. Agad na kumirot ang puso ko. Balik na naman ba kami sa dati kong issue dito?

I decided to brush the thought away dahil baka pagod ito sa paghahanda nila kahapon. Tama!

Tatanungin ko sana ito kung pagod ba ito o antok kaso inunahan ako ni Candice sa excitement na ikwento kay Kate ang new level ng relationship nila ni Denmark. From then on, Kate's attention was with her alone. Yun naiintindihan ko. Ang hindi ko lang matanggap ay ang patuloy na pagbabago ni Kate kahit na hindi pa ito ang unang beses na nangyari ito.

THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon