Chapter 43

800 38 6
                                    

(Kate's POV)

The next day was like a torture. It felt as though I was asked to chew on my favorite food but wasn't allowed to swallow it.

Really, torture!

I was with her the entire day and of course with Candice, too. But it's as if we're under a punishment that only I can talk to her. And if I do, she should give a one word answer or stay away from me. Cruel life!

Ano ba talagang nagawa ko dito kay Sherri at ganito nalang sya umasta?! And my instincts were telling me that Chloe really had something to do about it. And in every second passed, it was telling me I was damn right about it!

Nakakagulat lang kasi na bigla-bigla nalang syang sumasama samin ngayon. Noon ay sumasama naman sya pero ngayon mas lumalala. Daig pa nila si Samantha at Girly sa pagkadikit! Kung saan si Sherri andun din yung isa!

At para bang mas lalo pa akong pinaglalaruan ng tadhana dahil kagrupo ko pa ang dalawa sa Home Economics na subject. Okay lang sana, eh, kung okay kami ni Sherri. Hahayaan ko nalang na andyan si Chloe at hahayaan ko nalang ang issue namin ni Mommy. Basta okay lang kami ni Sherri. Tama na ang magkausap, magkasama at hanggang doon nalang talaga. Pero at ang malaking pero ay hindi kami okay!

Para kaming roller coaster na puno ng ups and downs! Ngayon okay, mamaya hindi na naman! Mabuti pa nga siguro yun may chance na tataas pa, eh ngayong andito pa si Chloe na dumagdag sa problema parang wala nang tsansa pang mauulit ang roller coaster ride na yun.

"Hey, cutie Kate, kumusta?" pagpukaw ni Chloe sa malalim kong pag-iisip.

Tumabi pa talaga sya sakin! How I wish she has that super powers to read minds so I don't have to stress myself in thinking how to tell her to stay away from me!

Tinignan ko lang ito.

"Kinakausap kita. Sagutin mo nalang kaya ako kesa sa titigan ako!" pakyut pa nito.

Napatingin ako bigla kay Sherri na nahuli ko pang sumulyap sakin bago itinuon sa iba ang tingin.

Tinaasan ko lang ng kilay si Chloe.

"Ang sabi ko may oven kayo sa bahay di ba?"

"Yah. Why?"

"Yes!"masayang saad nito imbes na sagutin ako. "So, guys, kena Kate tayo tonight!"

"Wait, what?!"

"Teka lang Chloe," awat ni Stella, ang isa sa mga kagrupo ko na naatasang maging leader namin, "That is not something for us to decide."

"Oh, don't you worry Stella, mabait yang si Kate and I'm sure okay yan sa kanya," pagpupumilit ni Chloe sabay akbay pa sakin.

I wanted to push her away or at least take her arm off me, kaso ayokong mambastos ng tao.

"No, Chloe. Minsan kahit okay sa kanya still hindi natin alam kung okay ba sa Mommy nya or some other possible reasons. So, ganito nalang. Sino pa sa inyo ang merong oven sa bahay na pwede tayong mag-bake. Ako, wala talaga kami, promise."

So, that's what I get for being absent minded. Hindi kasi nakikinig kaya nagugulat nalang sa mga pangyayari.

Everyone was just looking at each other and all eyes ended on me, except for Sherri's. Nakayuko lang talaga ito.

"Alright. Pwede naman siguro sa bahay—"

"I told you. I know Kate will say yes."

"Chloe, can you just let me finish talking?!" hindi ko mapigilan ang inis.

Nakakairita kasi, eh, lalo pa at andyan si Sherri. I dont want her to think na dahil lang hindi kami okay ay papatul, titingin o hahanap na ako ng iba. But wake up Kate, ni hindi nga nya alam na may gusto ka sa kanya dahil para kayong same signs, nagre-repell! Lage nalang syang umiiwas at lage nalang nyang di binibigyang pansin mga efforts mo!

THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon