(Sherri's POV)
The first part of the program was the parade of the 18 roses and 18 cupcakes. Gusto ko sanang humindi dahil sa pagsali nila sakin sa listahan ng 18 cupcakes kaso nasa program card pala ang mga pangalan namin. Nahihiya man akong sumali pero mas nakakahiya naman sa pamilya ni Samantha kung mag-iinarte pa ako. Good thing at hindi lang ako ang hindi naka-pink kaya medyo okay na din.
The parade was then followed by the opening remarks by Samantha's Mom and the opening prayer led by her sister. And the most awaited part was the debutant's grand entrance.
Kate was just taking a photo from the start of the program till the end. Pero kakaiba ang reaksyon nito nang lumabas na si Samantha at pinanganga ang lahat ng mga bisita. Kitang-kita sa mukha nya ang paghanga nya dito. It took her seconds to realize that she should be taking pictures of her instead of just staring at her.
When Samantha's already sitting on her throne, biglang dumating si Girly at tumabi sakin.
"Oh, Girly. Late ka ata!"
"Hmmmm. Not really," abot tenga ang ngiti nito. "Ang ganda ni Sammy no?"
"Oo nga eh. Parang dyosa."
"And even more than that."
Napansin ko ang sobrang paghanga nya dito. Hindi kaya pareho silang dalawa ni Kate na nahuhumaling kay Samantha at wala man lang syang kaideideya sa mga nangyayari sa dalawa?
I smell a fight! Pero huwag naman sana. Sana maging sports nalang sila sa isa't-isa. Ganun naman ang pag-ibig siguro di ba? Kailangan mong ipaubaya sa iba ang mahal mo kung ito talaga ang mahal nya.
Haaay. Pag-ibig! Huwag ka munang dumating sakin, ha? Pagkatapos ko nalang mag-college.
Right after Samantha's grand entrance was the most awaited dinner. Mukhang nagugutom na din kasi ang mga alaga ko.
"Sherri, excuse lang, ha. Puntahan ko lang si Sammy," pagpaalam ni Girly.
Sammy. Ang kyut naman ng tawagan nila. Ang swerte nga naman ni Samantha, may Sam na may Sammy pa.
Sinundan ko ng tingin si Girly pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang pagtatawanan nina Kate at Samantha habang inaayos ni Kate ang buhok nito bago picture-an. Kapag pinapaayos nya ng upo ay hinahawakan pa nya ang kamay upang alalayan.
I looked away hoping I could find somebody else to talk to. Nawala kasi bigla ang gana ko sa pagkain.
(Kate's POV)
There's something about Sherri that I don't understand. Kanina okay lang kami. Pakiramdam ko nga nun sasabok na ang puso ko sa halo-halong saya at kilig. But as soon as she stepped out of the car ay nawala na naman ang mga kinang sa kanyang mga mata. She was even forcing a smile during the parade. At ang mga candid shots ko sa kanya ay puro malulungkot.
Something's going on and I really need to know.
Paglingon ko sa kinauupuan nito ay may kausap ito sa selfon. Dinner na pero mukhang hindi pa ito pumipila para sa pagkain nya.
"Love birds," tawag ko sa dalawang sweet na sweet sa pagsusubuan, "puntahan ko lang si Sherri."
"Sure. Sure. Puntahan mo na. Kawawa naman at nag-iisa lang dun."
Guilt flew down my nerves. I was supposed to be her escort. But I left her alone and lonely.
"Sherri?" pagtawag ko sa atensyon nya.
Lumingon ito sakin saglit at dali-daling binaba ang selfon.
"Sige na John. Tawagan mo nalang ako mamaya, okay? Bye."
BINABASA MO ANG
THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)
Romance| GxG | Completed | Filipino | Kate Wilson's a half Canadian and a half Filipina born in her mother's native land. She grew up thinking she's different, shy, afraid of the world and more of the truth. An introvert forced to face a normal life like a...