(Sherri's POV)
"Sherri, anak, gising ka na muna upang kumain."
Agad kong binuka ang mga mata ko pagkarinig ko sa boses ni Mama. Kapag ipapakita ko kasing nanghihina pa din ako ay mas lalo akong hindi papayagan nitong pumasok bukas.
"Good morning, Ma," bati ko dito at hinalikan ako nito sa noo bago ako tinulungan sa pag-upo.
Kaya ko naman, eh, sadyang over protective lang si Mama.
Aayusin palang ni Mama ang tray sa may binti ko nang makita ko na agad ang isang notebook. Actually, hindi sya notebook kundi isa syang binder na blue green ang dominant color at may mga watermelons pa na disenyo sa labas. At hindi lang yun dahil meron pa itong kasamang napakakyut na bookmark.
"Ano po to Ma?" excited kong tanong.
Magandang ngiti ang sinagot ni Mama sakin. Baka binili nya sakin para may pagkakaabalahan ko. Hilig ko kasing magsulat-sulat din, eh. Pakiramdam ko tuloy ay para akong bata na binibigyan ng laruan upang kumain.
"Tignan mo."
Agad kong binuklat ito. Napunta agad ako sa isang pahina at kasabay nito ay ang pag-abot ni Mama sa isang pencil case na may laman na mga iba't-ibang kulay ng pens.
Nalakihan ko si Mama ng mata sa pagkasurpresa. Hindi ko alam anong dapat kong maramdaman basta ang saya ko lang na kinakabahan ako sobra!Mas lalong lumaki naman ang ngiti ni Mama sa reaksyon ko.
"Pumunta kasi dito ang classmate mong si Katie. Sa totoo nyan, tumatawag sya sayo kagabi. Eh, tolog ka at ayaw kong magising ka sa tawag nya kaya minabuti ko nang sagutin ito. Nung nalaman nyang may sakit ka, ayun, nag-offer na pupuntahan ka at mag-aabot daw sya sayo ng notes. Ang akala ko nga ay sa gabi pa sya pupunta pagkatapos ng klase pero nagulat nalang ako nang may tumawag sa selfon ko kaninang umaga. Ayan, dinalhan ka ng sopas na luto nila ng Mommy nya kasama ang pinangako nitong notes. Regalo na din daw nya yan sayo pati yang mga pens dahil sabi nya mahilig ka daw kasing mangulekta ng mga makukulay na ballpens."
BINABASA MO ANG
THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)
Romance| GxG | Completed | Filipino | Kate Wilson's a half Canadian and a half Filipina born in her mother's native land. She grew up thinking she's different, shy, afraid of the world and more of the truth. An introvert forced to face a normal life like a...