(Sherri's POV)
Kasalungat sa napagplanohan ko ay walang nangyaring pagre-research o ni pagtangka man lamang. Matagal na kasi akong nakauwi kagabi dahil sa meeting naming mga SSC officers. Naubos na nga ang unang labindalawang oras ng Sabado ko! Oversleeping isn't good for the health but my body doesn't speak of the same. Wala talaga kayong mapapala sakin kapag pagtulog na ang pag-uusapan! Bukod kasi sa pagkain ay matakaw din ako sa tolog.
Speaking of late akong nagising, kailangan ko na palang maghanda dahil maya-maya ay tatawag na si Papa. Kinuha ko ang selfon ko na empty battery na naman at nagcharge na muna. Sinunod ko naman ang laptop, binuksan ko muna ito upang maihanda na sa pagtawag ni Papa. Niligpit ko na muna ang higaan bago naligo.
Kakatapos ko palang magbihis nang kumatok si Mama sa pinto.
"Oh, Ma. Magandang araw po!"
"Mabuti naman at nakapagligo ka na."
"Bakit po Ma, may lakad tayo?"
"Wala. Andyan kasi ang Uncle Edward mo. Ikaw ang pakay."
"Po? Bakit po?"
"Basta. Sya na ang magsasabi sayo. Halika na upang sabay-sabay na din tayo sa pagkain."
"O sige po, Ma. Magsusuklay lang po ako't susunod na din ako."
Pagkaalis ni Mama ay hindi ko mapigilan ang magtaka. Si Uncle Edward ay ang pangatlo sa magkakapatid. Si Papa kasi ang pangalawa. Tapos may dalawa pa silang kapatid, isang babae at isang bakla. Yah! You heard me right. Bakla nga!
May pamilya na din si Uncle Edward at may dalawang anak na. Katamtaman lang din ang estadu nito sa buhay. Hindi mahirap. Hindi din mayaman. Pero kung ikukumpara sa amin, mas may kaya sila. Nakikitira lang kasi kami kay Tita Pamela, ang panganay ng lahat. Nabuntis si Tita Pamela ng isang lalaking di nya alam na may asawa kaya yun, yung naipundar nyang bahay sa sarili nya na akala nya ay dun sila bubuo ng pamilya ay naging tahanan lang nila mag-ina. Papa stayed with her since then dahil sa lahat ng magkakapatid sya ang mas malapit dito. From then on, hindi na sila pwedeng ihiwalay ni Tita Pamela.
Paglabas ko ng kwarto ay nasa nakaupo sa mesa sina Uncle Edward at Mama, naghihintay sakin. As usual wala na naman si Tita Pamela. Ganyan na talaga ugali nya, hindi maintindihan. Sabi nga ni Papa sa amin pati na sa mga kapatid nya na hayaan nalang daw si Tita at pagpasensyahan nalang dahil bukod sa nihihiya pa din siguro ito ay naging mapait daw ata ito dulot ng masakit na nakaraan.
Tita's the reason why I somewhat fear to fall in love. Binabakuran ko talaga ang sarili ko sa mga ganyan lalong-lalo nang nag-aaral pa ako't may goal ako sa taon na ito at lalong-lalo na sa kolehiyo. At sa awa ng Diyos, hindi pa naman dumating ang taong magpapatibok ng di-karaniwan sa puso ko.
"Oh, Sherri, anak, halika na."
"Magandang araw po Uncle," at nagmano ako dito bago umupo sa tabi ni Mama.
"Naku, dalagang-dalaga na talaga ang pamangkin ko. Kay bilis ng panahon talaga. Yun sakin din parang kahapon pinapaliguan mo pa pero ngayon ni gustong ipapasuot na damit ng asawa ko, ayaw na."
"Aba'y ganun talaga yan, Ed. Nakaka-miss nga silang patulugin sa mga braso mo gaya nung mga sanggol pa sila, eh. Ay, sya nga pala, yung sasabihin mo pala kay Sherri bago pa natin makalimutan."
"Ay, oo. Mabuti pinaalala mo," saad nito kay Mama bago itinuon sakin ang atensyon, "Sherri, hija, ano nga palang gusto mong kunin na kurso sa kolehiyo?"
"Accountancy po."
"Aba'y tama nga talaga ang Mama mo. Naku, magiging magandang paghahanda itong ipapagawa ko sayo. Yun ay kung tatanggapin mo?"
BINABASA MO ANG
THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)
Romance| GxG | Completed | Filipino | Kate Wilson's a half Canadian and a half Filipina born in her mother's native land. She grew up thinking she's different, shy, afraid of the world and more of the truth. An introvert forced to face a normal life like a...