(Kate's POV)
I was staring on my visible eye bags in front of the mirror due to a lack of sleep or to no sleep at all. I wished I can call it insomnia but unfortunately, it really wasn't. I was just staring at nowhere certain thinking of how things would turn out to be this time.
Inamin na din sakin kasi ni Samantha ang ginawa nilang pagplano ni Girly na paselosin si Sherri. At sa tingin nila, it was somewhat effective. Kung totoo man, masaya din naman ako. But we still couldn't deny the possibility that something could change. Lalo na ngayon na sinabihan na din pala ito ni Samantha sa totoong pagkatao ko. Okay naman sakin, eh. It wasn't as though she crossed the border by laying down my cards on the table instead of me doing it myself. At least, she saved me from that hard part of confession. Kaso andun pa din yung takot ko sa pagbabagong mangyayari.
I wished she wouldn't. I hoped she would give me at least that chance I needed.
And so, hindi ko dapat patagalin pa ito. The more I prolong it, the more the agony would be extended. Lalo na ngayon na medyo mabilis ang kalaban ko. And whether I accept and like it or not, hindi ko talaga kayang lampasan ang pinagsamahan nila ni John. Ang tanging alas ko nalang dito ay ang puso nitong may pag-asang magmahal ng isang katulad ko.
Masaktan man ako but backing out wouldn't and couldn't be an option!
#
Late na naman ako sa araw na ito. Nagpapadala na naman kasi sa kadramahan ng puso. Pero sige lang, last na to. And at least may dala naman ako para sa mahal ko. Sana lang magustuhan nya. Sana lang ma-appreciate nya.
Pagpasok ko sa classroom ay sina Chloe at Candice lang ang nagreact sa pagka-late ko, samantalang si Sherri saglit na lingon lang ang ibinigay na atensyon sakin. Nasaktan na naman ako. Pero okay lang. Lage naman, eh! Nasasanay na din siguro ako.
Pagdating ng break time ay nakafull alert na agad ako. Syempre, kailangan kong iabot ang hinanda ko para lamang sa nag-iisang taong nagpapatibok ng puso ko.
"Mauna na ako sa inyo, ha!" narinig kong paalam ni Sherri.
"Sherri!" tawag ko dito habang tumatakbo palabas ng silid upang habulin ito.
Napahinto ito sa paglakad at gulat na lumingon sakin. Inabot ko agad ang na-prepare kong snacks para sa kanya. Pinasok ko kasi ito sa isang plastic pouch at may disenyong mga hugis puso ang paper towel na gamit ko.
"Ano to?" nakakunot na noo na tanong nito.
"Tuna sandwich. I prepared it for you," sagot ko dito na pinagpraktisan ko pa ng paulit-ulit sa isip ko.
"Ahhh. Busog kasi ako. Hindi ako kakain," mahinang sagot nito pero tagos ito sa puso ko.
"It's fine. You can eat it later if you like."
Nagkibig balikat ito na para bang wala lang sa kanya ang binigay ko. Pinaghirapan ko din kaya yun.
"Pano, alis na ako," pagpaalam nito na hindi man lang hinintay ang magiging sagot ko.
Isang buntong hininga na sing lalim ng balon ang napakawalan ko. Yung mga sana kong sana magustuhan nya at sana maappreciate nya ay andyan pa naman sa puso ko. Nakakapit pa. Kapit na kapit pa.
Kakasimula mo palang Kate! Huwag mong sukuan muna!
#
BINABASA MO ANG
THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)
Romance| GxG | Completed | Filipino | Kate Wilson's a half Canadian and a half Filipina born in her mother's native land. She grew up thinking she's different, shy, afraid of the world and more of the truth. An introvert forced to face a normal life like a...