Chapter 68

656 49 17
                                    

I don't love you as if you were a rose of salt, topaz or arrow of carnations that propagate fire. I love you as one loves certain dark things, secretly, between the shadow and the soul.

- Pablo Neruda -

•••

~{Sherri}~

After the class dismissal ay kunti nalang maiiyak na ako. Pakiramdam ko ay ito na yung pinakamalungkot na Valentine's Day sa buhay ko. Simula lunch break ay hindi ako kinikibo ni Kate. Ang isa pa sa pinakamahirap ay ikaw lang yung nakakaalam ng pagbabago nito.

Kinakausap nya si Candice, pero ako hindi. Parang bumabalik kami sa pinakaunang kami, may distansya, may pader sa gitna naming dalawa.

Mabuti nalang talaga pagpasok ng dalawang cupid kaninang lunch break at bago mag class dismissal ay hindi na ako kasali sa nabigyan pa ng regalo.

"Sweetie, Kate, pa'no aalis na ako ha? Alam nyo m naman magkikita kami ni Denmark," excited na tugon nito.

"Sige lang Sweetie. Walang problema."

"Ay pala." Hinila kami nito ni Kate sa isang sulok. "Okay lang ba sa inyo kung sasagutin ko na si Denmark? Medyo matagal na din kasi nanliligaw, eh. Pa-graduate naman na tayo."

"Ako pa ba ang tatanungin mo? Eh alam mo namang barkada ko yun. Basta sakin lang, kung sigurado ka na, then nasa sayo lang yun Sweetie. Careful lang," sagot ko.

Ngumiti naman ito.

"Ikaw alien?"

Nagkibit-balikat si Kate.

"That's your life Candice. Kung mahal mo, sino ako to stop you, di ba? Like what Sherri said, just be careful," sagot naman ni Kate.

Para akong kiniliti dahil binanggit nya ang pangalan ko pero nawala lang din agad dahil alam kong wala lang syang ibang choice dahil si Candice naman ang kausap nya.

"Aww! Ang supportive nyong dalawa talaga sak---" ang hindi matapos na pagsasalita ni Candice dahil biglang dumating si Chloe.

"At anong pagpupulong ito?! Candice, bakit andito ka pa? Akala ko ba may date ka?"

"Yun na nga eh. Paalis na nga ako. Kayo di pa ba kayo aalis? Sabay nalang tayo!" pag-aya ni Candice.

"Yah. Let's go together," pagsang-ayon naman ni Kate.

Sumang-ayon din si Chloe at tahimik lang din akong sumunod dito.

Habang naglalakad kami palabas ng campus ay may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Sherri!"

Hindi lang ako ang napalingon kundi pati na din silang lahat na kasama ko.

Tumambad sa harap namin ang tatlong babaeng estudyante na puro mga junior students.

"May sasabihin daw sya sayo," ang pagsalita ng isa sa mga tatlong third year students na babae.

"Baliw ka talaga," komento ng isa pang estudyanteng nasa gitna na tinuro nung unang nagsalita.

"Blaire, sabihin mo na. Wala namang masama, eh," saad nung pangatlo.

"Andito na to. Nasa harap mo na. Go!"

Kaming lahat ay nakakunot ang noo maliban nalang kay Kate na nakatingin sa kamay ng tinatawag nila na Blaire. May parang tinatago kasi ito sa likod nya na hawak-hawak pa nya. Kinakabahan na naman ako.

THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon