Chapter 69

698 50 14
                                    

Expect nothing. Live frugally on surprise.

- Alice Walker -

•••

~{Sherri}~

Dress up. (But not cocktail dress kind of dress up.) We're going out. I'll pick you up.
P.S. Don't bring anything. Just you and yourself.

Napapalingo nalang ako pagkatapos kong binasa ang teks ni Spice ng ilang ulit.

It's really romantic to have a girlfriend or let me say a partner who loves surprises. Surprising you, rather. The disadvantage? Sometimes, it just gets into your nerves!

I just couldn't get her! 

Pagkatapos nya akong minessage nung Miyerkules ng hapon na dapat kong ilibre ang Friday and Saturday night ko ay akala ko magiging okay na kami ulit. Buong gabi nga kaming nagteteks eh. But we didn't talk about what happened that day. Ayoko na din pag-usapan dahil baka mawala na naman ang mood nito.

But that didn't help! That didn't change anything! My Thursday and even my entire day today was just shitty! Tintrato pa din nya akong parang wala lang. The 'I don't know you', 'I don't have anything to do with you', 'I won't speak with you' kind of thing!

Tapos ngayon biglang dress-up-dress-up?! Nakakabaliw lang, di ba? Hindi ko na sya naiintindihan! Ni hindi ko nga alam kung dapat ba akong maexcite o mainis nalang eh! Hindi ko na nga alam kung pano ko sya dapat harapin, hindi ko pa alam anong isusuot ko! Hay, Kate!

At dahil hindi ako yung klase ng babaeng mahilig bumili-bili ng damit ay wala akong ibang maisip na suotin para sa kung anuman ang pinaplano nito.

I ended up choosing my white thin cloth long sleeve blouse paired with black above the knee skirt and my criss cross straps black high-heeled sandals.

At kahit na sinabi pa nyang huwag akong magdala ng gamit, dinala ko pa din ang medium sized sling bag ko for my necessities

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At kahit na sinabi pa nyang huwag akong magdala ng gamit, dinala ko pa din ang medium sized sling bag ko for my necessities. Isa din kasi yan sa pinagkakalituhan ko, eh. How come she said don't bring anything? Sabi pa nga nya kagabi overnight daw ako sa kanila. Bahala sya! I brought two pairs of underwear. Mabuti na ang handa sa gera.

At around 8PM ay nagteks na si Kate na nasa labas na sya. Nasa kwarto na kasi si Mama at nagpapahinga kaya hindi na ito lumabas pa. Parang nasanay na naman din ito eh na natutulog ako kena Kate kaya para wala nalang sa kanya.

Paglabas ko ng bahay ay may isang taxi na ang naghihintay sa amin. Pagkabukas ko ng pintuan sa likod ay andun na si Kate naghihintay. Isang ngiting abot tenga ang ginawang pagbati nito sakin sabay abot ng kamay ko na syang tinanggap ko naman. Nakangiti na sya, eh, may space pa ba akong magalit sa kanya? Lalo na nang hinawakan nya ang kamay ko ay hindi na nya ito pinakawalan pa. Tao lang po. Mahina sa ganito lalo na kung sa taong mahal ko!

THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon