You can't be friends with someone who wants your life.
-Oprah Winfrey-
•••
~{Andrea}~
I should have known! Of course! When Kate said she's going somewhere important, she meant nowhere else but Sherri.
"Just please go now Kate upang makaalis na din ako," I spoke first. We were all in the state of shock and Kate was in a state of confusion.
"You're not going anywhere," striktong sagot nito. Yung tipong wala kang magawa kundi ang sundin lang ito. And at this moment, mahina ako sa mga ganun dahil yun ang kailangan ko.
Sinarado nito ang bintana at lumabas na nasa taxi pa ang bag.
~{Sherri}~
I felt choking the moment my eyes land on Andrea. Ilang buwan na din itong hindi nagparamdam samin kaya sobrang nabigla ako nang makita ko itong kasama ni Kate. Naguguluhan din yung isip ko dahil biglang pumasok ang isang ideya na di kaya matagal na silang nag-uusap at nagkikita pero hindi ko lang alam?
Humakbang ako kunti papalayo sa taxi, trying to get some fresh air. May sinasabi si Andrea dito at may sinagot din naman si Kate. The word were unclear as their voices were soft and low. Kahit na medyo lumakas ang boses ni Kate ay hindi ko pa din nakuha ang sinabi nito.
Maya-maya ay lumabas na ito na walang dalang kahit ano. Kinabahan na ako. Sana walang masamang balita. Sana okay lang ang lahat. Huwag ngayon. Huwag ngayon kung kelan sobrang pinaghandaan ko at ni Mama ang araw na ito.
"Spice, have you read my text?"
"T-text? No. No. Na-busy ako sa kusina kaya hindi ko nabasa. At naka-charge din ang selfon ko, di ba?"
"Oh, yeah. I forgot about it."
"M-may problema ba?"
Sobrang kinakabahan na ako na sa mga puntong ito ay pinapanalangin ko nalang na ang salitang 'oo' ay hindi nag-e-exit sa mundo.
"No. No. Wala," sagot nito. Medyo nabuhayan ako ng loob. "Andrea's with me. Yung ang tineks ko sayo, actually. Uhm. We were actually arguing about who's gonna ride on the taxi. We were both in a hurry and she doesn't want to leave the car. Wala akong choice kundi isabay sya."
"Ahh. Wala namang problema. Sabay lang naman pala, eh."
Slight okay na ako. But I'm not totally convinced. I know something's bothering Kate.
"P-pero asan ang gamit mo?" kinakaban kong tanong.
"Inside. Kukunin ko palang. Sinadya ko lang talagang huwag kunin dahil ayokong makaalis ito."
"Excuse me?"
Para akong nabingi bigla sa sinabi nito. Yung tipong narinig mo ng klarong-klaro kaso hindi mo lang matanggap ang lumabas sa bibig nito.
"I'm afraid she's running away."
Kumunot ang noo ko.
"She's what?" naguguluhan kong tanong.
"Running away."
BINABASA MO ANG
THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)
Romance| GxG | Completed | Filipino | Kate Wilson's a half Canadian and a half Filipina born in her mother's native land. She grew up thinking she's different, shy, afraid of the world and more of the truth. An introvert forced to face a normal life like a...