Chapter 73

971 46 3
                                    

~{Sherri}~

I couldn't imagine the length of time I have waited for this moment to come. Kahit nasa elementary pa man ako ay ini-imagine ko na ang araw na ito. Who would even think na makamit ko ang third place? And who would even think na magkakaroon ako ng love life?! Nakakatuwa! Akala ko after college pa ito mangyayari. Akala ko kayang hindian. Kaso hindi pala. Hinding-hindi!

"Spice?" mahinang tawag mula sa likuran ko.

Paglingon ko ay ang magandang anghel ang tumambad sa harap ko. Sya! Sya ang hindi ko kayang hindian!

"Spice!" tawag ko dito bago ako tumakbo papalapit dito at niyakap ito ng sobrang higpit!

"Ikaw talaga. Tumakbo ka pa talaga alam mo namang ang taas ng tikong mo!"

Natawa ako dito. Sa lahat ba ng pwedeng punain takong ko pa!

"Ano ka ba! Hindi naman ako gagawa ng kahit ano na hindi ko kaya."

"Alam ko! Ikaw pa ba? Wala ka namang hindi kakayanin, di ba?"

How I wish I could just kiss her even on the forehead right now.

"Mabuti at alam mo!"

"Oh, Spice. Before I forget, halika. I'll introduce you to my big family."

Oo nga pala. Graduation day ngayon at naikwento nyang kagabi pa dumating ang Daddy at dalawang half-siblings nya. They're coming here for this main reason.

Hihilahin na sana ako nito pero pinigilan ko ito.

"Teka."

"O bakit?"

"Saglit lang. Ano uhm. Okay lang ba itsura ko?"

Tumawa ito.

"Bakit?!" Pakiramdam ko ampangit ko. Syempre canadian ang lahi ng half siblings nya, ang layo ko dun!

"Spice, of all the things you're worried of, yung itsura mo pa talaga?!"

"Oo naman. Syempre —-"

"You're beautiful. Very beautiful! So, stop worrying about that. I'm even so excited to introduce you to them lalo nang first honorable mention ang girlfriend ko. Kaso nga lang, I couldn't introduce you yet as my partner."

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi nito. So, you see, my Kate is back! Kaya abot langit ang saya ko sa araw na ito. She's back! Pagkatapos kung magkasakit ay sa sumunod na Lunes ay pumasok na agad ako. Natakot ako na baka nagbago na naman si Kate but she did come back. Abot tenga na ang ngiti nito bawat dating ko at pinapakita na nito ang sweetness nito sakin. From then on, I just continues praying it will never change dahil yun ang kailangan namin lalo nang bilang nalang ang araw ng pamamalagi nya sa Pinas.

"You know I don't mind being your best friend."

Pagkasabi kong yun ay hinila na ako nito papunta sa kinauupuan ng family nya. Malayo palang kami ay natanaw ko na ang Mommy nya. Iba ang aura nito ngayon and I should say iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

"Sherri, darling!" bati ni Tita sabay beso sakin.

"Hello po, Tita."

"You look so lovely."

"Kayo nga po itong lovely Tita, eh. Ang blooming nyo po. Sobra!"

And that's a fact. Simple at natural looking lang ang make-up nito but still she's oozing with beauty. Pinay na pinay ang beauty ni Tita Katelynn. Napakaflawness nito at matangos din ang ilong nito. No wonder Kate's Dad fall for her. Sayang lang at di sila nagtagal.

THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon