(Sherri's POV)
"Why are you doing all these Kate?"
And what a silly question is that Sherri? Obviously nagmamagandang loob lang yung tao, di ba? Don't let Chloe's judgment cloud your brain!
"I mean, hindi mo naman kasi kailangang gawin 'to," pag-rephrase ko. "Sobra-sobra na kasi itong ginagawa mo sakin."
Syempre kailangan kong baguhin ang sinabi ko. Kitang-kita nga sa mukha ni Kate ang pagkabigla, eh. Sino ba naman ang hindi mabibigla, di ba?
"Ahhh. Akala ko na kung ano," natawa ito sa sarili. "We're friends naman di ba? And I think this is how friends should be."
Tama nga naman Sherri! Andami mong kaartehan! Kaya mula ngayon huwag na huwag mo nang pag-iisipan si Kate ng masama! Napaka-assuming mo na!
"Oo nga naman. Syempre! What are friends for nga naman."
Napahiya tuloy ako sa kabaliwan ko! Last na yun! Last na last na yun!
Tinanggap ko ang inabot nitong notepad at binuklat ang mga pahina nito. May mga notes nga mula sa first subject to the last subject.
"Thanks, ha. Kapag nakopya ko na, ibalik ko sayo."
"No. It's yours. I have mine."
"S-sinulatan mo talaga ako ng iba?"
Please say no!
"Yah."
Sherri, huwag mo nang bigyan ng ibang kahulugan nga, di ba?
"D-dont worry about that much. I could also do it to Candice if needed."
Ouch!
Di ba? Kakasabi lang sayo huwag nang bigyan ng malisya! What are friends for nga di ba?
(Kate's POV)
I didn't know if I should take it as a good sign or not that she noticed my effort. Basta sa ngayon, ang importante ay huwag na muna nyang mahulaan ang totoo kong intensyon dahil baka kasi e-reject nya ako agad. Andami ko pang pinaplanong gawin para dito bago pa nya ako ma-reject.
"Halika, labas na tayo. Mag-dinner na muna tayo."
"Ha? Ano kasi uhm..."
Nakakahiya talaga!
"Sige na, please? Andami mo nang ginawa para sakin kahit dinner man lang. Sabayan mo na ako, please?"
Hihindi ka pa ba kung ang mahal mo na ang aalok sayo? Never!
"Sure. Sige."
Hinay-hinay itong bumaba sa higaan nya at para bang nag-adrenaline rush ako bigla at sa isang segundo ay di ko na namalayan na nasa harap na nya pala ako't hinahawakan ko ang kamay nya upang alalayan sya.
Her hands were cold, but it felt warm to my heart. Lalo na nang pagtayo nito't muntikan na syang matumba dahil sumabit ang paa nya sa blanket nya ay napasandal sya sa dibdib ko. Inayos ko ang blanket at nang nakawala na ang paa nya dito ay ang puso ko naman ang nakulong sa kanya.
Without a doubt, this girl stole my heart!
Nagkatinginan lang kami. Nagkatitigan. Her face few inches from me and her breath smell of a baby.
Gheeed! That euphoric feeling of being so close to her, holding her hands, looking through the windows of her soul!
Mga tingin na puno ng tanong. I didn't know how it just happened. It lasted for half a minute, I think, just staring into each other, without blinking an eye.
BINABASA MO ANG
THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)
Romance| GxG | Completed | Filipino | Kate Wilson's a half Canadian and a half Filipina born in her mother's native land. She grew up thinking she's different, shy, afraid of the world and more of the truth. An introvert forced to face a normal life like a...