Chapter 35

809 38 6
                                    

(Sherri's POV)

The time on the last day of the week was supposed to be fast yet it's the opposite! Ang bagal ng oras lalo na kaninang umaga na sinadya kong magpalate para lang hindi ko makahalubilo si Kate. Desididu na ako! I needed to do my part! Mabuti nalang din kaninang breaktime ay hindi namin to kasama. May gagawin daw sya sabi ni Candice. At kahit ngayong lunch ay hindi na din ito sumabay samin.

I should be happy, right? It would be easy for me! Pero ang pinagtatataka ko lang, bakit parang nalungkot pa ako?

Una, inisip ko nalang na baka magkasama sila ni Samantha. Ayoko namang bigyan ng ideya si Candice tungkol dito dahil baka hindi lang din magugustuhan ni Candice ang maririnig nya at baka masira ko pa ang pagkakaibigan ng dalawa. But honestly, bakit ganun? Pakiramdam ko mas ako pa yung nagseselos sa atensyon na binibigay nya dito. Hindi selos na selos talaga ha? Yung tipong sa kaibigan lang naman. Syempre kami ang kaibigan tapos magbabago lang sya dahil may minamahal na sya? Dapat kaya mong ipagsabay ang pagkakaibigan sa pagmamahal! Ewan!

Pangalawa, natatakot ako na baka naman nakakapansin sya sa ginagawa kong pag-iwas sa kanya? Imposible naman. Ngayon pa nga lang ako iiwas eh!

O pangatlo, di kaya nalaman ni Samantha ang tungkol sa kahapon na ginawa ni Kate para sakin at naging dahilan ito ng malaking pagtatalo nila? Oh no! Huwag naman sana! Bahala na nga lang magkasama sila lage basta huwag lang masira ang relasyon nila ng dahil sa akin. Mas mahirap yun!

"Oy!" pagpukaw ni Candice sa malalim kong pag-iisip. "Bakit nakatulala ka dyan? Lalangawin na yang pagkain mo oh!"

"May iniisip lang ako."

"Si John no?"

"Si John? Pano namang si John?"

"Asus! Umamin ka na! Nagkukwento nga ako sayo ng tungkol samin ni Denmark eh tapos ikaw dyan palihim-lihim."

Lumaki ang mata ko dito sa pagkalito.

"Anong John ang pinagsasasabi mo?! Anong aaminin ko?!"

Tumawa si Candice.

"Ayieeeh! Namula sya!"

Napahawak agad ako bigla sa dalawang pisngi ko.

"Of course not!"

Lalong lumakas ang tawa ni Candice. Lumingo nalang ako at inubos ang kunting natirang pagkain.

"Alam mo ikaw, wala ka talagang magawa eh no? Baliw ka talaga!" saad ko dito.

"Oy, nagsasabi ako ng totoo, ha! Don't tell me na hindi mo alam?"

"Ang alin?" nakakunot na ata ang noo sa pagkalito.

"Seryoso?! Wala kang alam?"

"Kung meron magtatanong ba ako? Eh di sana gets ko na ang ibig mong sabihin!"

Magsasalita pa sana si Candice nang biglang dumating sina Girly at Kate.

"Hi girls!", bati ni Girly, "Mukhang may pinagkakatuwaan kayong dalawa ah! Dinig namin hanggang dun sa volleyball court ang tawa ni Candice."

As usual si Kate ay tahimik lang habang dala-dala ang camera nya.

"Hi, Girly!" bati ni Candice. "Hi, alien! Eh, kasi itong si Sherri natural kung magjoke!"

"Hay naku! Huwag kayong makinig dyan kay Candice! May nakain atang hindi maganda sa araw na ito," saad ko.

"Hindi kaya. Ikaw naman kasi! Bakit ayaw mo nalang aminin ang tungkol sa inyo ni John?" pagpupumilit na naman ni Candice.

THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon