Chapter 47

712 37 7
                                    

(Chloe's POV)

I couldn't take it any longer. Hindi ko na alam pano ko mapapakalma ang sarili ko ngayong nakita ko silang palabas galing sa kwarto ng Mommy ni Kate. I'm having a very bad feeling na may sinasabi itong Sherri na to sa Mommy ni Kate. Isa lang naman ang paraan upang ma-prove yan, eh. Kapag magbago ang pakikitungo ng Mommy ni Kate sakin, then that means I'm right.

Nagtungo si Kate sa kusina pagkatapos nya kaming tawagin. Ang pinakahuling sumunod ay si Sherri na mukhang hinihintay pa ako. Maya-maya ay lumabas ang Mommy ni Kate.

"Hi, Tita. Kumain ka na po ba?" tanong ko dito.

Ngumiti lang si Tita sakin at tumango. She wasn't like that to me before Sherri went to her room!

"Sherri," tawag ni Tita kay Sherri, making me feel I was just invicible. "I forgot to ask you your number."

"Ay sige po Tita."

Kinuha ni Sherri ang inabot na selfon ni Tita at tinayp naman ni Sherri ang number nya.

"Thanks darling. I'll talk to you later yung wala nang makakaistorbo, alright?" paalam ni Tita dito na nagbeso pa sa kanya bago bumalik sa kwarto nito.

Makakaistorbo?! Wasn't Tita just pertaining to me?!

"What was that for Sherri?!" hindi ko mapigilang tanong dito.

"Ha? Anong pinagsasasabi mo?"

"Shut up! Huwag ka nang magmaang-maangan pa. Akala mo ba hindi ko napapansin? Do you really think I'm stupid?!"

Hindi ko na mapigilan ang inis ko! I underestimated her. Marumi pala ito talaga lumaban! I should have known!

"C-chloe, hindi ko alam anong pinagsasasabi mo?" inosente nitong tanong.

"You know what? You are just as worst as a whore!" hindi ko mapigilang tawag dito.

"Chloe! What the hell?!" biglang pagdating ni Kate.

"What the hell to you, too, Kate! Kayong dalawa!"

Sa inis ko ay mabilis akong naglakad papunta sa living area at kinuha ang bag ko. Mabilis akong lumabas sa bahay upang makauwi na. Pero sinundan pa dina ko ni Sherri.

"Chloe! Saglit! Saan ka pupunta? Mag-usap naman tayo, oh!"

Mabilis kong binuksan ang gate at sinarado ito ng malakas sa harap nya.

"Mag-usap? Di ba maayos akong nakipag-usap sayo? But what did you do? Tinraydor mulang ako! Now, go to hell and talk to yourself!"

"Chloe!" tawag pa din ni Sherri sakin.

"Sherri!" narinig ko pang tawag ni Kate sa kanya.

"Kate, sige na. Ako na ang bahala dito. Pumasok ka na bago pa nila tayo hanapin."

Ang traydor-traydor talaga!

Binilisan ko lalo ang paglakad ko pero naabutan pa din nya ako.

"Chloe, wait," paghawak nito sa braso ko.

"Ano ba?!" tinanggal ko ang kamay nito sa pagkakahawak.

"Chloe, ano bang nangyayari sayo? Hindi kita maintindihan. Bakit ganun nalang ang galit mo sakin ng biglaan?"

"Huh! Ang galing mo din, eh, no? Yung totoo Sherri, stupido nalang talaga ang tingin mo sakin?"

"Chloe, huwag naman ganyan."

"Oo hindi ako singtalino mo pero Sherri, hindi ako bobo. Kaya pwede ba? Huwag ka nang magmamaang-maangan pa?!" kung may tao lang talaga sa labas ng mga bahay ay sigurado akong dinig na dinig na din nila ang pinag-uusapan namin.

THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon