Chapter 53

647 44 13
                                    

(Sherri's POV)

Hindi pa din nawawala ang kaba sa dibdib ko hanggang ngayon kahit na nasa loob na ako ng taxi. Una sa paghingi ko ng permiso kay Mama. Pangalawa, sa pagpaalam ko sa Tito ko na hindi muna ako makakapunta ngayon dahil may pupuntahan ako. At pangatlo, sa Mommy ni Kate na payagan at tulungan ako sa surprisang naisip ko.

Simple lang naman ang surprisa ko. Dinner lang naming tatlo. Ako na yung umako ng soft drinks at ice cream. And the best part na alam ko na sobrang ikatutuwa nya ay ang sleep over. Nung nag-okay si Tita ay inaya ko din si Candice. But sadly, hindi daw talaga sya pwede kasi nga pa-weekend at maraming dapat gawin sa palengke. Mabuti na din iyon at hindi nya kami paghinalaan kung sakali mang darating ang panahon na malaman nyang nagsleep over nga ako dito.

Bago palang kami nakapasok sa subdivision ay nakuha na ng atensyon ko ang isang babaeng papasok ng taxi. Kinutuban na agad ako ng masama. Kamukha kasi nito si Chloe. Inalis ko nalang din ito sa isip ko kalaunan kasi imposible namang pupunta sya dun na walang rason. And I don't think maghahabol pa talaga sya kay Kate pagkatapos nung naging usapan nilang dalawa.

Pagpasok ng driver sa subdivision nila Kate ay tinawagan ko kaagad si Tita upang makasigurado kung pwede na ba akong pumasok.

"Tita?"

"O Sherri! Asan ka na?"

"Andito na po ako malapit sa subdivision nyo Tita."

"Ay, timing na timing darling. Nasa labas sya! Nagskateboard. Ihahanda ko lang to ha. Bigyan mo lang ako ng mga five minutes."

"Sige lang po, Tita. Kakausapin ko lang din po muna sya sa labas dahil alam kong magrereak talaga yun kapag nakita ako."

"O sige sige. Magandang ideya yan."

Pagkaliko namin sa huling eskenita patungo sa bahay ni Kate ay pinahinto ko bigla ang taxi. Nagulat kasi ako na hindi pala nag-iisa si Kate sa labas ng bahay nila. Hindi din sya nagskateboard kundi kausap nito si Andrea.

Wala lang naman sakin yung mag-usap sila kasi normal lang naman yun lalo nang magkapitbahay sila. Ang ikinagugulat ko lang ang ginagawa ni Andrea na paghampas sa kanya ng paulit-ulit. Para din itong umiiyak.

"Manong, dito nalang po ako."

Dali-dali ko itong binayaran at bumaba ng sasakyan. Pero hindi ako napansin ng dalawa lalong-lalo na ni Kate. Ang atensyon kasi nito ay nasa mga hampas ni Andrea. Binilisan ko ang paglakad ngunit nang malapit na ako sa kanilang dalawa ay napahinto ako.

Kate hugged her to her might kahit na nagpupumiglas pa itong si Andrea habang umiiyak.

"Let me go!" naiinis na sabi ki Andrea sa gitna ng kanyang pag-iyak.

"No! I'm not going to let you go!" giit naman ni Kate.

Para akong sinasaksak ni Kate sa puso. Kahit hindi ko alam ang rason, para pa ding puputok ang puso ko sa sakit sa bawat katagang lumalabas sa mga bibig nilang dalawa.

She told me the same. She wouldn't let me go.

(Kate's POV)

My mind tried to question Mom's unusual reaction when I told her I'm going to do skateboarding outside but I let it pass. Mabuti nalang din yun dahil ito nalang ang magiging libangan ko.

Simula nang nakaalis si Sherri kanina sa paaralan ay hindi pa ito nagpaparamdam. Nagteks na din ako dito pero hindi pa ito nagrereply.

It made me worry about me going to Canada. Parang ngayon palang ayoko nang umalis. Ilang oras ko pa nga syang hindi nakakasama ay hindi na ako napapakali. Pano nalang kung ilang taon and god knows kelan pa ako makakabalik.

THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon