(Sherri's POV)
The dreary first half of the day just drained my energy. Mabuti nalang at lage akong may baon kaya di ko na kailangan pang pumila.
Bubuksan ko na sana ang baon ko nang may biglang tumawag sakin.
"Sherri!" si Ann Mae pala, ang President ng SSC (Student Supreme Council).
"Oh, Ms. President, ikaw pala."
"I'm sorry. Naistorbo ko ba lunch mo?"
"No. No. Hinihintay ko pa naman si Candice, eh. Oh, by the way, Ms. Pres, si Kate pala. Kate, meet Ann Mae."
"Hi, Kate. Ann Mae," nakangiting pagbati ni Ann Mae dito.
I was crossing my fingers hoping for Kate to cooperate.
"Hi, I'm Kate," bati din nito na may ngiti pa!
And yes, she did! Di ko tuloy mapigilan ang ngumiti. Natutuwa kasi ako sa pinapakita nitong improvement. Kagabi nga ay akala ko ma-snub na naman ako nito pero instead na gawin nya yun ay naging hospitable pa ito. Nag-abala pa ito na bitbitin ang bag ko. Nakakahiya man pero wala na akong nagawa. Nagulat kasi talaga ako nito. Sana lang ay magpatuloy na syang ganito.
(Kate's POV)
Oh freak! She smiled! She smiled at me! Gheeeed!
Yun lang pala ang magpapangiti sa kanya?Ngunit hindi pa ako sigurado kaya susubukan ko pa one last time!
"There's actually no need for you to introduce yourself," I tried so hard to sound casual, "Sino bang hindi makakakilala sa Ms. President ng lahat, di ba?"
Mas lumaki ang ngiti ni Sherri at napatalon ang puso ko sa saya! I was right! Napapangiti ko sya sa kadahilanang nakikipaghalubilo ako sa mga tao. Soooo easy!
Did I just say that? Dealing with others, even by merely speaking with them, was hard for me since then. I couldn't even give a simple smile. But Sherri made me do it and made me realize that going out a little from my comfort zone wasn't so bad at all!
"Kilala din naman kita, sa mukha nga lang," Ann Mae replied. "Bago ko pa pala makalimitan, Sherri pwede ko bang hingin muna ang kunting oras mo?"
"Yah, sure. Ano yun?"
"Pwede bang samahan mo muna ako sa office natin? May kailangan kasi akong ibigay kay Bianca para sa meeting natin bukas."
"O sige sige ba. Yun lang naman pala, eh," sagot ni Sherri dito at inayos ang baon sa mesa.
"Pa'no Kate, hiramin ko muna si Sherri sayo, ha. It was nice meeting you."
I responded her with a smile. Sarap sanang sagutin ng sinabi nya kaso hindi pa tamang oras. Ayaw kong mabigla si Sherri. Kung sana nga lang eh akin sya kaso hindi. Kaya kahit ako ay wala ding karapatan sa kanya kahit ayaw ko man syang ipahiramin sa iba!
Oh, gheeed, Kate! What the hell are you saying?
Sinundan ko ng tingin si Sherri na may pinulot sa lupa at tinanggalan ng dumi.
"Sayo ba to?"
Hanky ko pala!
"H-ha? Oo. Di ko namalayan nahulog pala."
BINABASA MO ANG
THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)
Romance| GxG | Completed | Filipino | Kate Wilson's a half Canadian and a half Filipina born in her mother's native land. She grew up thinking she's different, shy, afraid of the world and more of the truth. An introvert forced to face a normal life like a...