Chapter 23

753 45 1
                                    

(Sherri's POV)

Nakasandal ako sa ding-ding ng banyo't hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako kung hindi lang ako hinay-hinay na niyugyog ni Mama upang gisingin.

"Anak, gising. Balik ka na sa higaan mo at dun matulog."

"Ay, Ma. Sorry, di ko namalayan na nakaidlip na pala ako."

Inalalayan ako ni Mama habang tumatayo at bumabalik sa kama. Inayos nya ang kumot at pati leeg ko ay sinama din nya dito.

"Sinuka mo na naman ba ang kinain mo?"

Tumango ako.

Napabuntong hininga si Mama. Sa mga oras na ganito, instead ako itong nasasaktan sa mga sakit ko ay si Mama pa ang mukhang may sakit. She couldn't hide the pain she felt looking at me in pain kaya lage kong pinipilit na okay ako.

"Okay lang bang dalhan kita pa ng isang bowl ng lugaw?"

Gusto kong sabihin dito na ayaw ko na. Ayaw ko nang kumain dahil mapait lang sa dila ko at ganun din naman ang mangyayari, isusuka ko din. Pero kapag magpapadala ako sa nararamdaman ko, alam kong mas lalo akonghindi gagaling at lalo lang mag-aalala si Mama. At hindi lang sya kundi pati na din si Papa na malayo pa naman samin.

"Sige po, Ma. Damihan nyo nalang po siguro ng sabaw ma upang malunok ko po agad."

"Yung lalamunan mo ba, masakit pa?"

Umiling ako.

"Yung ubo mo kumusta?"

"Medyo okay na naman po, Ma. Mukhang lumalambot na naman po ang ubo ko, Ma."

Hinaplos nito ang noo ko. Ramdam na ramdam ko ang sobrang pag-aalala nito.

"Sige lang po, Ma. Di po ba magandang signs naman po ang pagsusuka ko? Dahil kapag sumusuka ako, ibig sabihin nun, gagaling na ako."

Ngumiti ng pilit si Mama.

"Oo nga. Malapit ka nang gumaling anak."

"Baka nga po bukas ay makakapasok na ako."

"No," may otoridad na saad ni Mama. "Hindi ka papasok. Kahit gumaling ka pa bukas ay hindi kita papasukin."

"Ma, sige na. Naka-absent na ako sa araw na ito. May na-miss na ako sa lahat ng mga subjects ko at ayaw kong bukas madadagdagan na naman ito."

"Sherri, kapag hindi ka susunod sakin ay mas lalong dadami ang mami-miss mo sa classes mo. Mas maigi pang manatili ka lang sa bahay at ipahinga talaga ang katawan nang sa ganun ay tuluyan kang gumaling. Ang init mo pa nga, oh."

"S-sige po, Ma," hindi nalang ako nakipagtalo pa dahil matatalo din naman ako, eh. Ayaw ko din itong mag-alala pa lalo. Dahil kung gagaling man ako bukas at pipilitin kong pumasok, hindi pa din mawawala ang pag-aalala ni Mama. Kaya hayaan na. Edo-doble ko nalang ang pag-aaral ko.

Lumabas na din si Mama at iniwan lang akong nakatitig sa kesame.

Sa mga nagdaan na araw alam kong kunti nalang at bibigay na ang katawan ko pero hindi ko pa din sinabi sa kanya ito. Sumabay pa talaga kasi ang ulcer ko sa dami ng activities namin sa school na dinagdagan pa ng pag-atake ng asthma ko kahapon. Sa susunod hindi ko na talaga kakalimutan ang magdala ng panyo dahil aatakihin at aatakihin talaga ako ng asthma ko sa mga usok. Akala ko nga madadala lang ang pagod ko sa pag-iinom ko ng gamot at pagkain ng mga gulay at prutas. Pero wala, natalo pa din ako ng mga sakit ko. Pagdating ko sa bahay kahapon galing kena Uncle Edward ay knock-out na ako. Sa byahe palang nanlalamig na ako't parang kunting hangin ay madadala na ako. Kung sa nagdaang linggo ay nakayanan kong mag-todo ngiti sa harap ni Mama kahit pagpasok sa kwarto ay napapaiyak nalang ako sa sama ng pakiramdam ko, kahapon ay bumagsak na talaga ako sa bisig nya nang yumakap ito pagdating ko.

THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon