(Kate's POV)
I was staring at the ceiling, looking through and imagining whats beyond it as I remembered all the good memories Sherri and I shared this evening! The sweet curve on my face never left since that dinner.
Sobrang sarap sa pakiramdam na andun ako sa bahay kung saan sya lumaki, kumakain kasabay sya at ang Mama nya!
I couldn't believe it that such feeling really does exist! Para akong nakalutang sa saya na parang ewan. Kaya nung nag-bake ako ng cookies kanina ay nagtataka si Mommy kung bakit ang saya-saya ko. Ang sagot ko nalang dito ay masaya lang ako na nakatulong ako sa kaklase at kaibigan ko, pero ang totoo nun ay hindi ko mawala-wala sa isip ko ang nangyari sa gabing iyon, lalong-lalo na ang mga napag-usapan namin.
"So, Ma, pwede na akong pumasok bukas, di ba?"
"Anak, baka naman bumalik kasi yang sakit mo dahil kakagaling mo lang."
"May clinic naman, Ma, eh. Please? Kung masama pakiramdam ko pupunta lang ako sa clinic. Please Ma? Sige na?"
"Tsk! Pero umuwi ka ng maaga, ha! Wala munang mga meeting-meeting at school activities dahil magkakaover fatigue ka na naman at magkasakit!"
"Yes! Yes! Thank you so much, Ma!"
"Haaay naku sayo, Sherri! Minsan di ko na alam kung dapat pa akong matuwa dahil sobra mong mahal ang pag-aaral mo na yan, eh. Katie, hija, pakitignan nalang tong si Sherri ko, ha. Ikaw lang kasi ang kilala ko dun at maasahan ko sa ngayon."
"Ma, naman! Ginagawa nyo akong bata at tsaka nakakahiya naman kay Katie at nadadamay na naman natin sya sakin."
"No, Sherri. It's totally fine. Hindi naman mabigat sa kalooban ko yun. Tayo lang din naman ang magkasama sa skwelahan, eh, kaya walang problema yun sakin."
"O tignan mo na. Basta Katie, ha. Alam mo naman ang number ko. Kapag may problema man, etext mo lang ako."
"Walang problema Tita. Makakaasa po kayo."
"Mabuti nalang at andyan ka at least hindi na ako masyadong mag-aalala sa anak ko."
Oh di ba? Appointed guardian angel ako bigla ng mahal ko at si Tita pa talaga nagsabi nun! At ito pa, Katie ang tinawag sakin ni Sherri! So, could you blame my great joy?
At dahil sa sobrang tuwa ko ay naibunton ko ito sa mga cookies ko! Kulang nalang ay mag negosyo ako sa dami! Ginawan ko na din pati si Andrea! May kasalanan kasi ako dun! Kahapon di sya nakapunta dahil daw she's not feeling good tapos ngayon nakalimutan kong sabihan sya na hindi ako pwede sa gabing ito kaya ayun putak ng putak sa text. Natatawa nalang ako. Kaya pang peace offering nalang yung cookies ko sa kanya. Basta ako masaya ako! Sobrang saya ko!
Habang pinipilit ko ang sarili na matulog, which I think was impossible as of the moment dahil sa sobrang saya ko, ay tumunog ang selfon ko. Isang text notification na galing sa mahal ko!
Hi, Kate! Just wanna thank you again for everything! Sobrang thank you, ha! Hindi ko alam kung pano kita mababayaran sa kagandahang loob na ginawa mo para sakin. Thank you ulit. Goodnight!
Umayos ako ng higa at nag-type ng ire-reply ko dito.
Hindi iyon isang kagandahang loob lang Mahal. Dahil yun sa pagmamahal ko sayo. Tanging maging akin ka lang ang kabayaran na gusto kong hilingin sayo...
BINABASA MO ANG
THE PAST - Haunting Past Book 2 /Prequel (Lesbian Story)
Romans| GxG | Completed | Filipino | Kate Wilson's a half Canadian and a half Filipina born in her mother's native land. She grew up thinking she's different, shy, afraid of the world and more of the truth. An introvert forced to face a normal life like a...