"MAY mag- uumpisa na ang misa" Agad syang nag madali ng tawagin sya ni FENECH.
"Wait hintayin mo ko" anya nya sabay kuha sa gamit nya.
"Bilisan mo kase ang bagal mo kumilos" wika naman nito sa kanya.
"Eto na nga oh, nagmamadali na. Excited??? Kaloka to.."
Pagpasok nila sa simbahan, ay unti unti ng napupuno ang loob niyon, agad silang dumiretso sa gilid kung saan naka pwesto ang mga choir.
"Good morning po", bati nila sa mga ito.
"Good morning din FENECH at MAYMAY". Sagot naman ni Ate Cecille ang leader ng choir.
Kabilang sila ni FENECH sa choir ng Saint John, ang isa sa pinaka sikat na simbahan sa lugar nila. Maraming nagpupunta turista sa bayan nila, bukod sa maganda ang mga tanawin, ay puntahan talaga ng mga tao ang kanilang simbahan, siguro ay dahil sa paniniwala narin ng karamihan na tinutupad daw nito ang iyong kahilingan. Marami na syang narinig na mga balita tungkol dito. Ang sabi sabi pag unang simba or unang dalaw mo daw sa simbahan ay mag wish ka, at ito ay matutupad.
"Ui MAY sama ka mamaya ahh, pupunta kami sa bayan, kasama ko sila CHRISTIAN" pagyayaya sa kanya ni FENECH.
"May gagawin ako mamaya, baka di ako payagan ni LOLA".
"Sasamahan kita magpaalam, please saglit lang naman tayo, uuwi din tayo" anya nito na parang bata.
"Bahala na". sagot nya dito.
Nagsimula na ang misa, ang gaan talaga ng pakiramdam nya pag nasa loob sya ng simbahan. Parang wala syang problema, parang ang lahat ng dinadala nya ay nawawala.
"MAY, tingnan mo yung lalaki naka blue, ang cute nya nuh"
"FENECH nasa simbahan tayo makinig ka kay FATHER" nakasimangot na anya nya dito.
"Nakikinig naman ako ahhh"
"Nakikinig ka nga pero yung mata mo nandun sa lalaki".
"Sungit nito, ang gwapo kaya nya".
"Ay ewan ko sayo, LORD pag pasensyahan nyo na po ang kaibigan ko, sadyang mahilig lang sya sa gwapo." Wika nya na naka pikit pa.
Pag dilat nya ng mata nakita nya ang lalaking tinuturo ni FENECH naka tingin sa kanya. Nag bawi sya ng tingin, pero saglit lang tiningnan nya ulit ito, at naka tingin parin ito sa kanya. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin ng ngitian sya nito. Sa araw araw na pag sisimba nya ay ngayon lang nya nakita ang lalaking ito marahil ay isa itong turista.
"MAY nasa simbahan tayo makinig kay FATHER". Nagulat sya ng biglang magsalita si FENECH buti na lang at natakpan nya ang kanyang bibig. Kung hindi ay mapapasigaw sya.
"Pag pasensyahan nyo napo LORD ang kaibigan ko masyado denying, ayaw daw tingnan kanina, pero heto at nakikipag titigan pa." wika ni FENECH sabay tingin sa kanya. Napailing na lang sya sa tinuran nito.
Natapos ang misa.. pag labas nila ng simbahan hindi nya napansin ang lalaking nakatayo sa gilid ng pinto dahil busy sya sa pakikipag usap kay FENECH kaya bumangga sya dito, buti na lang at nahawakan sya nito kay hindi sya nahulog sa lapag. Ang ganda ng mga mata nito, tila bituin na kumikinang, ang mukha nitong napakaamo, parang mukha ng anghel. Napaka bango pa nito tila pabango yata ang pinangpaligo. Tila sandaling tumigil ang lahat.
"OK ka lang frend"?? tanong ni FENECH sa kanya. Tila nawala sya sa sarili. Inayos nya ang kanyang sarili.
"ARE YOU OK MISS"?? tanong nito sa kanya.
"OO, thank you."sagot nya dito.
"EDWARD", boses ng isang babae, sabay sabay silang napalingon dito.
"Let's GO"dagdag pa nito.
"Ahhh ok" sagot naman nito.
"I hanve to go, next time mag iingat ka baka mahulog ka ng tuluyan"anya nito sa kanya. Ngumiti ito sa kanya at saka umalis.
"Basta ba sasaluhin mo ko eh" nagulat sya ng mag salita si FENECH. Buti na lang at naka layo na ito kaya hindi nito narinig ang sinabi ng kaibigan.
"Char ang gwapo nya talaga"dagdag pa ni FENECH. Nakatingin lang sya habang papalayo ito.
"Tara na at baka akalain ng mga tao dito nababaliw ka na, may pa pikit pikit ka pang nalalaman" wika nya kay FENECH. Inirapan lang sya nito.
"MAY wait" sigaw nito sa kanya, pero binilisan nya ang lakad.
BINABASA MO ANG
MAYWARD:THE STORY OF US
FanfictionKwento ng Pag Ka-kaibigan na nauwe sa Pagmamahalan. Si MaryDale isang simpleng estudyante na na inlove sa isang binata. Ngunit paano na lang kung malaman nito ang kanyang nakaraan. May Pag-asa pa kaya ang kanilang pag mamahalan?