"Marydaleeeeeeeeeeeeee, pinapatawag ka ni boss, asap" kaloka makasigaw tong baklitang to. Muntik ng mapantig ang tenga nya sa lakas ng boses nito. Nagmamadali na syang nag tungo sa office ng boss nila dahil una sa lahat ayaw nito ang pinaghihintay. Inayos muna nya ang sarili bago kumatok.
"Come in" narinig nyang wika nito. Pag pasok nya nakita nya nakaupo ito sa sofa.. Pinaupo sya nito.
"Good afternoon SIR" bati nya dito.
"Seat down" anya nito sa kanya.
"MaryDale I called you because I have something to tell you" seryoso wika nito. Oh my god magtatapat kaya ito ng pag ibig, bakit sobra seryoso nito. bahagya nya pinilig ang ulo para mawala ang kung anu man iniisip nya.
"Tomorrow darating na dito ang bagong hahawak sa marketing team, sya ang may hawak sa branch natin sa ibang bansa. I want you to be his assistant" nakatingin ito sakanya.
"Ha? Tila nag loading ang mga sinabi nito, sya gagawin sya nito assistant. Teka muna ang buong pag kakaalam nya sya ang hahawak sa launch ng bago nila damit. Pero bakit tila nagging alalay sya.
"Seryoso kayo, SIR?, I mean bakit ako??" nabigla sya sa sinabi nito.
"So, ayaw mo"?? tanong nito...
"I mean sir"... anya nya nag iisip sya kung anu sasabihin dito... Haysss ang hirap..
"OK SIR no, problem" sagot nya..
"OK good you may go now." Saad nito ng nakangiti.
Lumabas sya sa office nito na tila pasan ang buong mundo.
"Ako bakit ako, I mean for observation na ko for marketing head, bakit gagawin nya ko alalay" anya nya sa sarili,para syang tanga kinakausap ang sarili. Narating nya ang table nya, na tila binagsakan ng langit at lupa ang mukha nya..
"Anu frend, ispluk muna yan. Anu sabi ni boss"?? tanong agad sa kanya ni CANDY. Hindi pa sya nakakaupo. Chismosa talaga 'to nakita nya lumapit si LUIS sa kanila.
"HAyyysss" anya nya sabay dukdok sa mesa".. nag katinginan naman ang dalawa sa kinilos nya.
"Bakit frend, bad news"??? muli tanong ni CANDY sakanya.
"HUWATTTTTTTT oh my god." Ang OA ng reaksyon ni CANDY ng sabihin nya ang sinabi sa kanya ng boss nya.. Nakita nya nakangiti si LUIS.. Tiningnan nya ito ng masama.
"Well, goodluck DAY, fighting" mukang may kasama pang pang aasar ang pagkakasabi ni CANDY.
Nagulat ito ng paikutin nya ang upuan at ilapit ang mukha nya sa mukha nito.
"Ayy kalabaw, Ano bang ginagawa mo, hindi tayo talo nuh, kaloka to." Saad nito.
"Sira, wala ka bang iba chicka tungkol sa bagong Marketing Head"... tanong nya dito. Matagal ito nag isip. Nakatitig naman sya dito.
"Ahmmm........ wala eh"...sagot nito.
"Hayyys, dun ka na nga sa table mo"... pag tataboy nya dito... "Isa ka pa, dun ka na nga" baling nya kay LUIS.
Wala man syang idea sa bago nilang head..
"Ang sakit sa bangs"... bahagya pa nya hinipan pataas ang bangs nya..
"DAYYYYYYYYYYYYYY, nasan kana"???? bungad agad sa kanya ni CANDY ng sagutin nya ang telepono nya.
"MRT na bakit???" Maaga sya umlis ng bahay dahil ngayon ang dating ng MARKETING HEAD nila kailangan nya mauna sa office.. 10 pa ang dating nito kaya naman sakto lng ang dating nya sa office...
"Bilisan mo nandito na sya." Wika ni CANDY sa kabilang linya..
"Seryoso"???? malakas ang pag kakasabi nya nun kaya naman naagaw ang atensyon ng mga kasabay nya sa tren.
"Bakit ang aga nya, mamaya pa dating nya ahh"..
"Kanina ka pa pinapatawagan ni BOSS"..
"Hayyys pambihira naman ohhh, anu gagawin ko, liliparin ko to, nakakaloka ang aga aga iniistress ako."...
Agad sya lumabas ng tren pag kahinto nito.. "Excuse me po, makikiraan lang".. anya nya sa mga nakaksabay..
Pag dating nya ng office agad sya nag tungo sa table nya. Inilapag nya ang mga gamit. Agad sya nilapitan ni CANDY.
"Bilisan mo frend" anya nito...
"Eto na nga ohhhh nag mamadali na.."sagot nya dito. Nag spray sya ng pabango at sinuklay ang buhok..
"Gora kana, baka umuusok na ilong ni BOSS".. pag tataboy ni CANDY sa kanya..
Bago sya pumasok sa office ng boss nila inayos muna nya ang bangs nya... dahan dahan sya kumatok..
"Come in" rinig nya wika nito. agad nya binuksan ang pinto, at agad ng pumasok..
Napahinto sya sa pag lalakad ng Makita kung sino ang kasama nito sa office.. parehas ito nakatingin sa kanila.
"Close the door Ms. Entrata".. anya ng boss nila ng mapansin nakatulala sya..
"Yes sir, Sorry".. isinara nya ito at agad syang lumapit sa mga ito..
"Bye the way, this is MR. EDWARD JOHN BARBER, our new Marketing Head". Pag papakilala nito sa kasama.
"Nice to meet you, Ms. ENTRATA".. saad nito na inilahad pa ang kamay..
Tiningnan nya ang kamay nito. Wow ang galing umakting, parang ngayon lang sya nito nakita, for 5years na nakalipas ni wala sya naging balita, tas ngayon mag babalik ito na parang walang nangyare..
Inabot nya ang kamay nito, tanda ng pag galang dahil alam nya mas nakakataas ito sakanya.
"Nice to meet you, SIR" binigyan nya ito ng matamis na ngiti.
"Youre late today"... dagdag nito.
"As far as I know hindi po ako late, sadyang maaga lang po kayo dumating".. sagot nya dito.. Hindi sya mag papatalo dito kahit na sabihin pa na mas mataas ito sa kanya.. Tiningnan nya ito, wala parin ito pinagbago.. Mas lalo pa ito gumwapo, pero sorry na lang dahil di na uubra sa kanya ang kagwapuhan nito. Matagal na nya ito kinalimutan, tanging galit at sakit na lang ang nararamdaman nya para dito.
"Well as a employee dapat alam mo kung anu ang posibilidad na mangyayare, dapat ikaw ang mag aadjust.." nakita nya ngumiti pa ito ng bahagya tila nang iinis pa.
"Hindi naman po ako mang huhula, at lalong hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa utak nyo".. Hindi nya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob nya para sabihin un..
"Ms. Entrata enough na, mag uusap tayo mamaya. Makakabalik ka nasa desk mo"... singit ng boss nila tila nararamdaman na nito ang tension...
Agad na sya lumabas sa office at nag tungo sa desk nya..
Dumukdok sya sa desk nya, ng maramdaman nya may lumapit sa kanya. nakita nya si LUIS may dala ito mineral water.. Iniabot nito sa kanya.
"Buhay nga naman, hindi mo masasabi kung anu susunod na mangyayare" wika ni LUIS.. sigurado alam na nito ang tungkol kay EDWARD...
Tinapik nito ang balikat nya saby sabing "LIBRE kita maya sa KOREAN RESTO" Tumango lang sya...
Mag kasabay sila ni LUIS sa parking lot ng makasalubong nila si EDWARD..
"Goodevening SIR" bati ni LUIS dito. Ngumiti lang ito., Saka tumingin sa kanya. Wow ang kapal ng mukha,pag katapos ng lahat ng sakit na ibinigay nito sa kanya. Ang lakas ng loob nito na ngitingitian lang sya. Nag bawi sya ng tingin.. Agad na sila dumiretso sa sasakyan. Parang hindi nya kaya ang makasama ng matagal sa isang lugar si EDWARD.. Baka hindi nya mapigilan ang sarili ay masampal na lang nya ito.
"Nakakawala ng gana kumain"... anya nya kay LUIS pag kasakay nila sa sasakyan.. Tumingin ito sa kanya.
"Eh di ihahatid na kita sa apartment"..
"No, gusto ko parin kumain ng KOREAN FOOD, kaya tara na at ilibre muna ko."..
BINABASA MO ANG
MAYWARD:THE STORY OF US
Fiksi PenggemarKwento ng Pag Ka-kaibigan na nauwe sa Pagmamahalan. Si MaryDale isang simpleng estudyante na na inlove sa isang binata. Ngunit paano na lang kung malaman nito ang kanyang nakaraan. May Pag-asa pa kaya ang kanilang pag mamahalan?