CHAPTER 12

611 35 6
                                    



Papunta ng LIBRARY si MARYDALE ng makita nya si LUIS na naka upo sa damuhan. Nilapitan nya ito.

"Huy" anya nya sabay hawak sa balikat nito. Bahagya naman itong nagulat. Tumabi sya dito.

"Kamusta ka na"???tanong nya dito. Lumingon muna ito sa paligid na tila may hinahanap.

"Ang lalim ng pangangamusta mo ahhh, parang isang taon tayong di nagkita".. pabirong sagot nito.

"Eh kaw kase parang iniiwasan mo ko"

"Baka magalit yung BOYFRIEND mo" wika nito. Napatingin sya dito.

"BOYFRIEND??? Sino si ENRIQUE??? Wag kang mag alala naiintindihan nya na mag kaibigan tayo." Nakangiting sagot nya.

"Wag kang masyadong assuming hindi si ENRIQUE, yung kamuka lang ni ENRIQUE" anya nito bahagya pa sya nitong binatukan.

"Aray ahhhh, sino si EDWARD???"nagtataka sya kung sino ang tinutukoy nito.

"Uyyyy nakikita nya si ENRIQUE kay EDWARD"... panunukso nito sa kanya.

"HE-HE-HE' "anya nya dito. Sabay irap.

"Yung BOYFRIEND mong HILAW" anya nito.

"BOYFRIEND kong HILAW???" inulit nya ang sinabi nito...

"OO HILAW pa, kase hindi pa kayo" nakangiting wika nito.

"Pano naman magiging kami, eh hindi naman sya nanliligaw".. nasa tinig nya ang lungkot.....

"Umaasa ka"????

"May aasahan ba ko"??? baling tanong nya dito.

"I know MAHAL ka ni EDWARD"...

"Buti ka pa alam mo na MAHAL nya ko, Eh sya kahit alam na nya na gusto ko sya, ni minsan hindi nya sinabi na gusto nya rin ako"... nangingilid na ang luha nya.

"Hindi nya sinabi, pero pinaparamdam nya". Napatingin sya dito.

"C'mon MARYDALE, don't tell me na hindi mo nararamdaman"??? wika nito. Sabay tingin sa kanya.

Sa mga kinikilos nito, alam nyang may kakaiba. Si EDWARD yung tipo ng tao na masayang kasama, SYA yung tipo ng taong mahirap mahalin, kase mamahalin lang nya yung taong mahal nya, at hindi yung taong may gusto lang sa kanya. SYA yung klase ng tao na, pag nagmahal makakasigurado ka na ikaw lang ang mamahalin. SYA yung tipo ng tao na proprotektahan ka sa lahat....

"Satingin ko naman hindi sya katulad ni MARCO".. nabigla sya sa sinabi ni LUIS. May alam ito tungkol kay MARCO dahil na ikwento nya ito minsan.

"I know magkaiba sila". Sagot nya dito.

'You deserve to be happy" nakangiting anya nito.

Duon na tuluyan tumulo ang luha nya, napaka swerte nya dahil naging kaibigan nya si LUIS, para na nya itong KUYA.

Niyakap sya nito.

"Ang pangit mong umiyak" anya pa nito. Napangiti na lang sya.

Ginulo nya ang buhok nito...

Nung mga oras nayun gumaan ang pakiramdam nya, pakiramdam nya hindi sya mag iisa kahit kailan...

Naglalakad si MARYDALE sa pathway ng makasalubong nya si EDWARD. Nakangiti ito sa kanya. Agad sya nitong binati.

"MARYDALE kanina pa kita hinahanap".... Bungad nito sa kanya.

"Bakit??..." tanong nya dito.

"Sumama ka sakin." Yaya nito sa kanya, wala na sya nagawa dahil hinawakan nito ang kamay nya, tila nag slow motion ang paligid, pakiramdam nya sila lang ni EDWARD ang tao.

Pinag buksan sya nito ng pintuan ng kotse. Himala wala ang driver nilang si MANG TONY.

"San tayo pupunta"... tanong nya dito.

Hindi ito sumagot nginitian lang sya nito. Kahit hindi na yata nito sabihin kung saan sila pupunta tila alam na nya kung saan sila patungo. Papunta sila sa ILOG. Pagdating nila sa ILOG tinakpan ni EDWARD ng panyo ang mata nya.

"Anu to, bakit may paganito" anya nya na nag tataka.

"Baka mamaya kikidnapin mo na pala ako ahhhh" dagdag pa nya.

"Relax, I want to surprise you" sagot naman nito na inalalayan sya.

"Are you ready.... 1.....2.....3.. surprise" wika nito, halata sa tinig nito ang saya. Bahagya nyang kinuskus ang mata nya.

"WOW as in wow"mga salitang lumabas sa bibig nya.

Isang malaking bamboo raft na may mga ilaw at bulaklak ang nasa ilog. Tila napaka romantic. Napatingin sya kay EDWARD, nakangiti ito sa kanya.

'Nagustuhan mo"??? tanong nito sa kanya.

"Bakit may ganito, para saan"... di sya makapaniwala sa nakikita.

"Gusto ko maging romantic yung first date natin"...

"Date"????bat hindi ako aware na may date tayo" tanong nya dito.

"Para di ka maka tanggi"...nakangiting saad nito. Inalalayan sya nito hanggang sa makasakay sya.

"Ang bongga nito, may paganito ka pa"...

"I just wanna say sorry, nitong mga huling araw alam ko mainit ang dugo mo sakin, and I just wanna say thank you for liking me"..anya nito. Alam nyang sincere ito sa mga sinasabi nito. Pero hindi ito yung mga salitang gusto nyang marinig, hindi SORRY at THANK YOU ang hiling ng puso nya.

Ngumiti lang sya dito.

"Sana makilala pa natin ang isa't isa" dagdag pa ni EDWARD. Alam nyang nabigla si MARYDALE. Gusto nyang iparamdam dito ang pagmamahal nya, alam nyang gusto nya rin ito. Pero hindi nya masabi, natatakot sya na baka masaktan lang nya si MARYDALE. Natatakot sya na baka katulad lang sya ni MARCO..

MAYWARD:THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon