CHAPTER 8

655 35 2
                                    


Maaga syang pumasok pero hindi na sya nag stay sa pathway para hintayin ang mga kaibigan, iniiwasan kase nya si EDWARD dumiretso na sya agad sa classroom nila. Nang dumating sila FENECH agad itong tumabi sa kanya, kinamusta naman sya nila CHRISTIAN at YONG. Nagkasalubong ang mga mata nila ni EDWARD pero hindi nya ito binate, ni hindi nginitian. Kita sa maamo nitong mukha ang lungkot. Tahimik lang ito habang nag tatawanan sila. Palagi nya itong nahuhuling nakatingin sa kanya pero nag iiwas sya ng tingin, tila may sinasabi ang mga mata nito. Pilit man nyang itago, pilit man nyang iwasan, walang duda mahal nya si EDWARD at alam nyang hindi na nya yun mapipigilan, pero kaya nyang itago at baliwalain.

Halos araw araw ginagawa nyang abala ang sarili, sa library sya madalas, ilang beses na din syang hindi sumasama sa mga kaibigan maiwasan lang si EDWARD.

"Ate MAY hindi ka sasabay mag lunch"? tanong sa kanya ni YONG.

"Ahmm hindi na pupunta pa q ng LIBRARY, mauna na kayo" sagot nya dito.

"Sigurado ka friend"??? si FENECH

"OO FENCH kita nalang tayo mamaya."anya nya dito.

Nakatingin lang si EDWARD dito, alam nyang iniiwasan sya ni MARYDALE at masakit yun para sa kanya. Alam ni MARYDALE na nakakahalata na si EDWARD pag lalapit ito lumalayo sya, para itong may sakit na nakakahawa dahil ayaw nyang malapitan nito. Kailangan nya iyong gawin, dahil baka hindi nya mapigilan ang sarili at isang araw bigla na lang syang sumabog, at aminin dito ang nararamdaman. Ayaw na nyang maulit yung sa nakaraan na binigay nya lahat ng pag mamahal tapos iiwan lang sya sa ere, Pinipili lang nya ang hindi masaktan kaya nya ginagawa ito. Ayaw na nya umasa dahil para lang syang naghihintay ng ulan sa panahon ng tag init. Yung tipong alam mong walang patutunguhan. Malapit na sya sa LIBRARY ng makasalubong nya si RITA isa sa mga staff ng LIBRARY nila.

"HI RITA" bati nya dito.

"Ui HI, buti at nakita kita, may ibibigay ako sayo". Anya nito may kinuha itong aklat sa bag na dala.

"Nakalimutan mo nung isang araw" inabot nito ang isang libro.

"Hindi ito sa akin" wika nya. Muli nyang binasa ang pamagat ng libro "Dinner with EDWARD, A story of an Unexpected friendship"

Nagtataka itong napatingin sa kanya

"Pero kasama yan sa mga aklat na inilagay mo sa desk, hindi yan property ng library dahil walang code." Saad nito.

Pero talagang hindi iyon sa kanya, bakit naman sya magkakaroon ng ganung libro lalo na at ganun ang pamagat, pangalan pa ng taong iniiwasan nya.

"Itago mo na lang muna, at pag may nag hanap kukunin ko sa iyo". Saad ni RITA.

Tiningnan nya ang libro at nag lipat ng tingin sa kausap.

"Thank you" anya nito kahit di pa naman sya sumasagot. Pagkatapos mag pasalamat umalis na ito.

Muli nyang tiningnan ang dalang libro, at tumingala sa langit sabay sabing "ANO TO???" sa isip isip nya anung sign to wala pa nga syang hinihingi eh...

Nasa library na sya at hinahanap ang kailangan aklat para sa history ng di nya mapansin ang lalaking paparating tila bumangga sya sa matigas na bagay. Ramdam nya ang sakit ng balakang.

"Ok ka lang MISS"??? tanong nito sa kanya.

"Anu sa tingin mo".. pamilosopo sagot nya dito. Hello di ba obious na nasaktan sya.

Tinulungan sya nitong tumayo.

"SORRY". Anya nito sa kanya.

Nun lang nya tiningnan ang mukha nito. Wow ang gwapo pala. Anya nya sa kanyang isip.

"SORRY ulit, ako nga pala si LUIS". Pagpapakilala nito.

"OK lang, ahmm MARYDALE nga pala".. anya nya kahit ramdam parin nya ang sakit.

"Bago ka lang dito nuh, ngayon lang kita kase nakita" dagdag nya dito.

"OO transferee ako"

"Ohhh kaya pala"...

"Ahmm ako na mag dadala nyan mukang nabibigatan ka na" anya nito na kinuha ang dala nyang libro.

Umupo sila sa isang sulok ng library walang ganung tao sa gawi na un kaya naman dun sya lagi naka pwesto para walang istorbo.

Nakipag kwentuhan sya kay LUIS, magaan agad ang loob nya dito. Bagamat matanda ito sa kanya ng tatlong taon. Nag hinto ito sa pag aaral kaya naman hanggang ngayon ay nasa college parin ito. Tawa sya ng tawa sa mga jokes nito.

"psssst QUITE" anya sa kanila ng librarian.

Tinakpan nya ang kanyang bibig. Niyaya nya si LUIS sa ground, nawalan na sya ng gana mag aral dahil sa kakulitan nito. Para itong KUYA nya.

"Duon tayo sa ground tumambay" yaya nya dito.

Tumango lang to at binitbit ang dala gamit saka sumunod sa kanya. Naupo sila sa damuhan, tumatawa parin sya, sandali nyang nakalimutan ang lungkot na kanina ay nararamdaman nya.

"BuANG ka din pala eh nuh" anya nya dito.

"Mas BuANg ka, alam mo ikaw lang ang tumawa sa mga jokes ko".. wika nito.

"Well madali talaga ko patawanin, haha"

Malayo palang si EDWARD alam na nyang si MARYDALE ang babaeng nakaupo sa damuhan, masaya itong nakikipag tawanan sa kasama. Nakaramdam sya ng inggit, sana ganun din ito kasaya kapag kasama sya. Kaya lang parang hindi na ito mangyayari..


MAYWARD:THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon