Unang araw ng klase nauna sya sa eskwelahan, hindi naman sya ganun ka excited, maaga lang talaga syang ginising ng LOLA LUDY nya. Hinihintay nya sa pathway sila YONG FENECH at CHRISTIAN.. Una dumating si YONG, agad sya nitong binate.
"Hi ate MAY" bati nito sa kanya. Nginitian nya ito, gwapong gwapo ito sa puting polo suot nito, halatang bago ang uniform nito. Agad itong tumabi sa kanya.
Ilang saglit lang ay dumating na sila CHRISTIAN at FENECH, malayo palang ay naririnig na nya ang boses ni FENECH.
"WOW ang aga" anya ni FENECH pag kalapit sa knila.
"WOW late" sagot naman nya dito.
"Pano nag kulot pa ng buhok, akala ko kung bakit ako pinapadaan sa kanila, magpapahintay lang pala"anya ni CHRISTIAN na nakatingin kay FENECH.
"At talagang pinag handaan mo ang first day ng klase ahh" kay FENECH parin sila nakatingin.
"Syempre malay mo may gwapo" nakataas ang kilay na wika nito.
"Hahaha, bukod samin ni CHRISTIAN sino pa ba ang gwapo sa mga klasmate natin" tanong ni YONG na nag pa cute pa. Nabigla sya ng hawakan ni FENECH ang noo nya, parang chinecheck nito kung may lagnat sya,
"YONG wala ka naman lagnat, pero bakit tila nag dedeliryo ka" anya ni FENECH dito..
"HEP tama nayan, ma lalate na tayo" sabay sabay napalingon kay MAYMAY ang mga kaibigan nya..
Magkakasabay nilang tinungo ang kanilang klasroom, ilang saglit lang ay dumating na ang kanilang guro. Pamilyar sa kanya ang kasama nito.
Ito yung lalaki sa simbahan, yung lalaking may kayakap sa plaza, ung lalaking nag pasama sa ilog, yuNg lalaking kamag anak yata ni VOLTA dahil may kuryente sa katawan, SI EDWARD... teka anong ginagawa nito dito.
"Goodmorning class" bati ng kanilang guro.
"Goodmorning Miss AURA". Ganting bati nila dito.
"Class magkakaroon kayo ng bagong kaklase, sya si EDWARD JOHN BARBER, bumati ka sa kanila" anya nito kay EDWARD.
"Goodmorning" matipid na bati nito.
Nag palak pakan ang lahat, naghiyawan naman ang mga babae. Halata sa mga mukha nito ang kilig. At nangunguna na nga dun si FENECH.
Umupo na ito sa bakante silya sa kanyang likuran, nginitian lang nya ito pag katapat nito sa kanya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso nya, hindi na lang nya iyon pinansin.
"HI" agad na bati dito ni FENECH, pagka upo nito.
"HI din"ganting bati nito.
Natapos ang klase nila at oras na para sa lunch break. Magkakasabay silang nagpunta sa canteen para kumain, masaya silang nag mahagip ng kanyang mata si EDWARD tila nag hahanap ito ng bakanteng lamesa. Narinig na lang nyang tinawag ito ni FENECH,
"EDWARD" tawag ni FENECH dito.
"Come here maki join ka nalang dito samin" dagdag pa nito. Lumapit agad dito si EDWARD.
"Is it OK???".. tanong nito, pero sa kanya nakatingin.
"OO OK lang yan".. si FENECH na ang sumagot.
"So, matagal ka na dito"??? pag tatanong ni CHRISTIAN.
"I think 1 week" sagot nito.
"Saan ka nakatira"?? tanong naman ni YONG.
"Sa may mabuhay Village"
"WOW" sabay sabay na anya ng mga ito, kilala kase ang mabuhay village sa lugar nila. Mayayaman lang ang nakatira dun.
"Ahmmm may girlfriend ka na???" maarteng tanong ni FENECH.
"Ui FENECH umayos ka nga" sabay siko nya dito.
"I'm just asking"...anya nito sa kanya, nilakihan pa sya nito ng mata.
Nagtawanan lang sila. Pati si EDWARD ay nakitawa na rin.
"Ikaw ate MAY wala ka tanong????" tanong sa kanya ni YONG.
"Bakit ka lumipat ka dito"tanong nya, nagtama ang kanilang paningin ng mag angat sya ng ulo. GOSH nakakatunaw ang tingin nito.
"Because of (you) grandma..." sagot nito, teka bakit iba ang narinig nya, bakit may "you" syang narinig, "BECAUSE OF YOU" bakit yun yata ang rinig nya at ng tingnan nya ito tsaka nito sinabi ang "GRANDMA"...tila naguguluhan sya. Oh baka napaparanoid lang sya, mukang nahahawa na sya kay FENECH sapagka assuming. Bahagya nyang iniling iling ang ulo nya, baka mawala ang kung anu- ano bagay na naiisip nya. Napansin sya ni FENECH kaya tinanong sya nito.
"OK ka lang frend masakit ba ang ulo mo"???tanong nito sa kanya
"Hindi naman," sagot nya dito, napatingin sya kay EDWARD at nakatingin ito sa kanya.
Hanggang sa pag uwian ay kasama na nila ito, pag labas ng school ay naghihintay na ang driver nasusundo kay EDWARD.
"Sabay na kayo sakin ipapahatid ko kayo sa driver"..anya nito sa kanila.
Sasagot palang sana sya ng makita nya nag uunahan ng makapasok sa sasakyan ang mga kaibigan nya. Agad ng pumuwesto ang mga ito.
"Huy MAY ano iniintay mo PASKO, matagal pa yun".. wika ni FENECH sa kanya. Wala na sya nagawa kundi ang sumakay na lang. Kahit ayaw nya. Mukang magaan na agad ang pakiramdam ng mga kaibigan nya kay EDWARD samantalang sya ay naiilang pa ng kaunti. Siya ang huling hinatid nito.
"Salamat sa paghatid samin," anya nya dito. Nginitian sya nito.
"See you tomorrow" sagot nito sa kanya. At saka isinara na nito ang pinto ng kotse. Nanatili lang si MARYDALE naka tayo sa harap ng bahay nila, habang pinagmamasdan ang papalayong kotse.
Nakatingin naman sa salamin ng kotse si EDWARD habang papalayo ito sa bahay nila MARYDALE.
"Iba ang ngitian nyo SIR ahhh" nagulat sya ng biglang magsalita ang driver nila,
"Sya na pala yun, hindi ko nakilala"dagdag pa nito.
"Mang tony" tawag nya dito.
"Ayy sorry SIR, natuwa lang ako", anya nito ng mapansin nawala ang pagkakangiti nya.
BINABASA MO ANG
MAYWARD:THE STORY OF US
FanfictionKwento ng Pag Ka-kaibigan na nauwe sa Pagmamahalan. Si MaryDale isang simpleng estudyante na na inlove sa isang binata. Ngunit paano na lang kung malaman nito ang kanyang nakaraan. May Pag-asa pa kaya ang kanilang pag mamahalan?