CHAPTER 16

595 36 2
                                    




"HI GUYS" bati ni KRISTINE. Pero walang kumikibo sa kanila. Tumayo si EDWARD at niyakap ang kapatid nakipag handshake pa ito sa kasama. Tumayo narin sila YONG CHRISTIAN at FENECH pero nanatili silang walang kibo.

Nanatiling nakaupo sI MARYDALE. Pilit nyang ipinapasok sa utak nya ng nangyayare, bakit sya nandito??? Anung ginagawa nya dito??? Tumayo narin sya ng mapansin nakatingin sa kanya ang lahat.

"BABE ok ka lang"??? tanong ni EDWARD sa kanya ng mapansin tila nawala sya sa sarili.

"O---oo" sagot nya dito, sabay tayo, pero tila nanhina ang tuhod nya kaya na out balance sya. Buti na lang at nahawakan sya ni EDWARD.

"Are you sure BABE, namumutla ka???" muling tanong nito sa kanya.

"OK lang ako"....sagot nya dito.

"Ahmm guys si MARCO, my BOYFRIEND", my boyfriend, my boyfriend"...... tila sira plaka na paulit ulit nyang narinig ang sinabi ni .

Naglipat ng tingin si EDWARD kay MARCO, pag kuwan ay tumingin ito kay MARYDALE. Tila naguguluhan sya sa naging reaksyon ng mga kaibigan. Ngayon lang nag sink in sa utak nya na si MARCO na ex boyfriend ni MARYDALE at si MARCO na boyfriend ng kapatid nya ay IISA...

"You're not OK BABE, mukang pagod kana, lets go ihahatid na kita." Seryoso si EDWARD agad nyang hinawakan ang kamay ni MARYDALE at mabilis na tinungo ang sasakyan. Nagulat man ang mga kaibigan, wala isa man sa kanila ang umimik, tanging si KRISTINE lang ang naguguluhan sa nangyayare.

"What happened????" nagtatakang tanong nito.

"Ahmm KRISTINE, mas mabuti pa siguro kung magpahinga na lang tayo, medjo pagod pa ko sa byahe"...anya ni MARCO.

Tumingin si KRISTINE kay FENECH, nginitian lang nya ito.

Naiwan naman tahimik ang tatlo, tila nabigla parin sila after two years ngayon lang ulit nag pakita si MARCO.

"Pasalamat sya napigilan ko pa sarili ko, baka kung hindi nasuntok ko ulit sya".. pagsisismula ni CHRISTIAN. Tinutukoy nito ay si MARCO nung huli nya kase itong nakita ay sinuntok nya ito. Nakita nya kung paano nasaktan ang kaibigan nya dahil sa pang iiwan ni MARCO.

"Easy lang tayo" sabat naman ni YONG.

"My GOD ang kapal ng mukha nya para bumalik pa dito at mag pakita satin, pagkatapos ng lahat lahat." Saad naman ni FENECH.

"Halata naman nagulat din sya, hindi rin nya inaasahan" pagtatanggol ni YONG.

"Ang inaalala ko ngayon ay si ATE MAY, sigurado nabigla sya.".. halata sa boses ni CHRISTIAN ang pag aalala.

"BOYFRIEND ng KAPATID ng BOYFRIEND mo ang EX BOYFRIEND mo, MY GOD pang teleserye..." anya ni FENECH.

"FENECH" halos sabay na anya ng dalawang lalaki.

"Napangiti lang si FENECH" nag peace sign sya sa mga ito....

Wala parin imik si MARYDALE, nakatingin lang sya sa bintana. Nabigla sya sa nangyayare, hindi nya inaasahan na muling mag krus ang landas nila ni MARCO. Matagal na nya itong kinalimutan, matagal na syang naka moved on. Pero bakit may bahagi parin sa puso nya ang nasasaktan, pero bakit tila bumabalik ang lahat ng sakit na naramdaman nya.

Nagulat sya ng hawakan ni EDWARD ang kamay nya. Tiningnan nya ito.

"EDWARD I'm so-----"

"I Understand"... sagot agad nito sa kanya, kahit di pa naman sya tapos mag salita.

Hinalikan nya ang kamay nito. Hindi nito kailangan magpaliwanag, mahal nya si MARYDALE kaya kahit ano pa un iintindihin at iintindihin nya..

Nginitian lang nya si EDWARD. Hindi pa sya handa mag kwento dto, pero alam nyang kailangan nyang sabihin dito ang lahat.

Sa isang banda, alam ni MARCO na mag kikita at magkikita sila ni MARYDALE pero hindi nya akalain na ngayon na ito. Kahit sya nabigla sa muli nilang pagkikita. Mahal nya si KRISTINE pero naging malaking bahagi ng buhay nya si MARYDALE. Minahal din nya ito, pero siguro hanggang dun na lang ang lovestory nila, sabi nga ng iba, kung para sayo para sayo. Siguro inilaan sila ni MARYDALE sa iba..

MAYWARD:THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon